May sari-sariling ginagawa ang mga studyante ng Death Monarch University. Ang university nato ay hindi pangkaraniwan sa mga university na naririnig niyo at hindi rin pangkaraniwan ang ginagawa ng mga studyante dito. Nakatago ang university nato sa gubat kung saan na walang tao na kayang mag lakas na loob na pumunta dito, puro mga mababangis na mga hayop ang mga nakapaligid dito na kasalukuyan na alaga ng mga studyante nito.

Si Ven Harley Velasco ang one and only child sa pamilya nila. Siya ang leader ng Theta Alpha known as the gangster of the Death Monarch University. Ginawa niya ang lahat at kinuha ang opportunity para lang mabuo ang grupo.

Si Ven ay pinag-aaralan ang pagiging good killer, responsibility niya na ipaglaban ang grupo and to impress her father. Ang tatay niyang mas masahol pa sa demonyo pero muka namang gago..joke!

(Ven: Isa pa author! Susungalngalin talaga kita jan!

Me!: Sorry na, hindi na nga papalag eh!!)

Si Sammy naman ay pinag-aaralan kung paano gumawa ng food poisioning. Mahilig kasi sa pagkain kaya yan ang pumasok sa kokote at kinuha na kurso. Balak pa ata mag tayo ng resto na eat all you can buffet.

(Sammy: Eh kung supalpalin kaya kita jan author?

Me!: Wag na sa 'Sungalngal' palang ni Ven talo nako)

Si Xaviee ay pinag-aaralan kung paano manghack ng isang system na mahirap pasukin. She likes technology kaya malaki ang eyebags!

(Xaviee: At least eye bags lang! Kesa naman sa mukang kwago pero muka namang gago!

Me!: Hoy! Wag mo ngang i describe ang beauty ko dito)

Si Jean naman ay pinag-aaralan kung paano gumawa ng mga patibong. Mahilig kasi mandaya kaya minsan ang sarap batuhin.

(Jean: Eh kung sipain ko yang face mo? Lagyan natin ng black eyes bilis! Dalawa panga gusto mo?

Me!: Mas okay nalang siguro kung eye bags ang aabutin ko)

Si Zyrielle ay pinag-aaralan ang tungkol sa mga bomba na kakailanganin nila. Ewan, may putok ata to, hindi kasi tinataas yung braso eh.

(Zyrielle: New year na new year pinag mamalaki mo paputok ko? Wag ganun pleas!!

Me!: Sorry na ang saklap kasi sa ilong eh

Justin: Yey! ako na next

Me!: Wag kang atat batukan kita eh)

At si Justin ang nag iisang lalake sa T.A ay ang taga isip ng plano. Bakla ata? Si Jimmy Neutron yan eh, malaki ulo.

(Justin: At least matalino!

Me!: Aanuhin paba ang katalinuhan kung ikaw naman ay ubod ng katangahan?)

"Oy Ven, may magaganap na death race sa underground mamayang gabi" excited na sinabi ni Sam sa kanilang leader habang kumakain ng taco! pero napasin nila na wala ito sa mood makipag usap

"Oh tapos? Anong ipaglalaban mo? Na masarap yang taco na kinakain mo?" walang ganang sabi ni Ven

"Dahil ayun nayung chansa na makikita natin ang ESVEN at ang Dark Commoners" sabi ni Justin, ang kanilang genius sa grupo, weh?

"Yeah, at ayun narin ang chansa para hamunin mo sila makipag karerahan" sabi ni Jean pero mukang hindi sang ayon dito si Justin

"No, wala muna tayong gagawing move. Dahil sa simpleng one bad move maaari tayong mamatay, lalo na kung nasa underground tayo ng Tirona" sumang ayon naman ang buong grupo kay Justin pero mukang malalim parin ang iniisip ni Ven

"Ano Ven? hindi pwedeng pumunta ang Theta dun kung wala ka" sabi ni Zyrielle at napatingin naman dito si Ven

"You think so?" sabi ni Ven at tumango naman silang lahat

"Fine then it's settled, pupunta tayo sa Tirona mamayang gabi" sabi ni Justin at pinagpatuloy ang pag babasa nito sa kanyang libro

"Ven, sure kaba na kaya natin patumbahin ang ESVEN? lalo na ang Dark Commoners? wala tayong laban sa kanila" nag aalinlangan na sabi ni Xaviee

"Walang mangyayari satin kung hindi natin sila babanggain, except nalang kung hahamunin nila tayo." sabi ni Ven at umalis na ito para mag training

"TO ALL STUDENTS PLEAS GO TO THE MEETING GROUND!"

Lahat ng studyante ay tinigil ang kanilang pag ttraining at pumunta nasa meeting ground...

"MY BELOVED STUDENTS, THE TIME IS RUNNING OUT AT PALAPIT NA NG PAPALAPIT ANG ARAW NA MAG KAKAMATAYAN NA ANG LAHAT"

Lahat sila ay natakot at kinilabutan sa kanilang narinig, matagal na nilang alam na mag lalaban laban ang lahat ng gangster sa mundo. Kaya nag ttraining sila araw araw para maging handa para sa araw na madugong mangyayari.

"PAALALA LANG! WALA NI ISA SA INYO ANG PUPUNTA SA DEATH RACE NA MANGYAYARI MAMAYANG GABI" umaangal ang ilan dahil sa pagbawal sa kanila pero kahit alam nito na maraming paring pupunta ay gusto niya lang sana na maging ligtas ang mga ito...

"Ven pano bayan? pinag bawalan tayo" sabi ni Jean at agad naman sumabat si Justin

"We have no choice, kailangan parin nating pumunta. It's either na mamamatay tayo na walang alam o mabubuhay tayo dahil may nalaman tayo" napanganga nalang si Sam sa sinabi ni Justin at napatango nalang ang iba

"Sige, pupunta tayo sa Death Ground mamayang 1am sharp" sabi ni Ven at pumasok na ito sa loob ng mga dorm nila...

END OF CHAPTER 1

The Five Bad GirlsBasahin ang storyang ito ng LIBRE!