Eight

46 6 1

Masaya ang naging pagsasama nila Junjun at Mimi.. Wala silang masyadong nagiging problema.. Ngunit hindi pa rin nawawala ang bagabag sa dibdib ni Mimi.. Naiisip pa rin nya yung nabanggit na hinihintay ni Junjun.. Panu kung sya ang maging dahilan ng pagkasira ng kanilang relasyon?

"Junjun panu if bumalik sya?" biglang naitanong ni Mimi..

Napakunot ang noo ni Junjun.. "Ha? Who?"

"The girl that you said you're waiting.." napakagat labi si Mimi pagkatapos..

Hindi nakasagot si Junjun.. Panu nga ba?

"Haha.. I'm a fool na itinanong ko pa yun.. Sorry.. Never mind na lang, past is past right? What matters now is I love you and you love me.. Right?" humilig si Mimi sa balikat ni Junjun..

"R-right.. Yes, o-of course.."

Isang buwan na ang lumipas.. Ngayon, nagkakaroon na ng misunderstanding ang kanilang pagsasama.. Medyo nagkakalamat ang kanilang relasyon at may kinalaman ito sa nakaraan ni Junjun..

Nagkita sa labas sina Mimi at Bernadeth.. Nais lang magliwaliw ni Mimi para mag-unwind.. Naprepressure sya sa nangyayari sa relasyon nila ni Junjun..

"Ok ka lang Mimi? Kanina ka pa tulala dyan ei.." puna ni Bernadeth kay Mimi..

"Ha? Ah yup.. Ok lang ako Deth, don't worry.. Stressed lang.." sagot ni Mimi tapos sumubo sya ng ice cream..

Nasa ice cream parlor sila para kumain at magpahinga na rin kasi kanina pa sila nag-iikot sa mall..

"Tell me the truth, may problem ba kayo ni Junjun?"

Napabuntong hininga si Mimi sa tanong ni Bernadeth.. Teary-eyed sya nang sagutin nya ito.. "Honestly, meron.. Haaay! I don't know what to do anymore.."

Hinawakan ni Bernadeth ang magkabilang kamay ni Mimi.. "Mimi, we're friends.. I'm just here for you.. Don't hesitate kung kelangan mu ng tulong ko ok? I'm just a call away.."

Tumayo si Mimi at lumapit kay Bernadeth para yakapin ito.. "Thanks Deth.. You're the best.."

DestinyBasahin ang storyang ito ng LIBRE!