Kinagabihan matapos naming mag dinner ni Kiel ay nag paalam sya sa akin na pupunta na daw sya ng kwarto upang gumamit ng computer. Mag i-internet lang daw sya kasi nag dota na daw sya kanina. Aba himala yata.

            “Sige susunod ako after ko mag hugas ng mga kalat dito.” Kako ko sa kanya. Habang ako’y naghuhugas ng mga pinagkainan namin. Ako ang toka sa hugasin since sya naman ang nagluto.

            Maya-maya biglang tumunog ang aking cellphone na noon ay nasa ibabaw lang ng refrigerator. Nagpunas ako ng kamay at sinagot ang tawag. “Hello Sab. May balita?” Pabulong kong tanung. Mahirap na baka marinig ako ni Kiel.

            “Girl. Okay na!” She chuckled.

            “What do you mean okay na? Pumayag si Kuya Syd?” Panigurado ko.

 

            “Yup! Tapos na nga. Nai-upload na niya!” Aniya na tuwang tuwa.

            “What?! Wait sandali. Ganun kabilis??” Gulat kong sagot sa kanya.

            “Yup! I told yah! Si kuya pa. Ang ganda nga raw eh. Sino daw yun ask pa nga niya. I-a-add daw niya sa fb.” Kwento ni Sabina. Nang marinig kong sumigaw si Kiel mula sa kwarto.

            “WHAT THE HELL! SH*T!” Rinig kong sinabi ni Kiel.

            “Anong nangyari ron?” Pagtataka ko.  “Wait Sab. Narinig ko kasi si Kiel na sumigaw. Pupuntahan ko lang. I’ll call you back.” Agad kong pinatay ang linya at dali-dali akong pumunta sa kinaroroonan ni Kiel.  “Anung nangyari sayo! Rinig ko sa kusina ung boses mo.”

 

            Nakita kong tulala si Kiel habang nakatingin sa monitor . Nanlaki rin ang mga mata ko sa aking nakita. Ang pictures ni Aira. Kinabahan ako sa nakita ko at sa naging reaksyon ni Kiel. Kinalma ko ang aking sarili at binalik ko ang atensyon sa kanya. At buti nalang wala pa rin si mama.

            “Uy! Bakit ka sumigaw dyan? Anung problema mo?” Tanung ko sa kanya.

            “Patay.” Sambit ni Kiel na mukhang namumutla sa nakita.

            “Bat parang namumutla ka dyan? Anu ba yang tinitgnan mo?” Tanung ko habang nakatingin sa monitor. Oo tama kayo. Nagbbrowse si Kiel sa website kung saan naiupload ni Kuya Syd ang pictures. May account sya roon. Pero alam ko naman ung tungkol don.

            “Cheenie… kilala ko to.” Aniya na tinutukoy ang pictures. “P*tcha. Bakit to nandito.” Habang cliniclick niya isa-isa ang pictures.

            May more than ten thousand views na ang album ng pictures na uploaded about an hour ago. At napakaraming comment na nito agad. Wow huh! Instant sikat ang babaita. Karamihan ng mga nagcomment ay taga ibang bansa. Benta si ate sa mga foreigners.

Is It Over?Basahin ang storyang ito ng LIBRE!