For every story tagged #WattPride this month, Wattpad will donate $1 to the ILGA
Pen Your Pride

Till Death Do Us Part

~Chapter 20~

Anne's POV

"Vhong?"

Nakangiti lang siya sa harapan ko.Tumitibok yung puso ko na parang wala ng bukas.Hindi ko maintindihan yung nararamdaman ko pero isa lang ang gusto kong gawin sakanya nung mga oras na yun.

At yun yung yakapin siya ng sobrang higpit at ipaalam sa kanya na hindi ko parin matanggap ang pagtanggi niya sa nararamdam ko.Gusto kong pilitin siyang mahalin niya ko,hindi ako susuko hanggang hindi ko naririnig ang mga katagang gusto kong marinig mula sa kanya.

At yung mga katagang yun ay ang mga salitang "Mahal pala kita."

Sa halip na sampalin ko siya,sa halip na saktan ko siya.Puso parin ang sinunod ng aking isipan.Kahit sinaktan niya ko ng sobra sobra noon.Hindi ko parin maitatangging may kaunting puwang parin ito sa puso ko hanggang ngayon.

"Vhong mahal kita.Vhong mahal na mahal kita." maluha luha kong saad.

Niyakap ko siya ng sobrang higpit na parang ayoko na siyang pakawalan pa.Ayoko na muling mawalay pa sa buhay ko ang lalaking pinakamamahal ko.Ayoko na muling hindi siya masilayan sa aking paningin.Gusto ko siyang yakapin habangbuhay.Gusto ko siyang makasama hanggang sa aking huling hininga.

Pero nararamdaman kong hindi niya ako yinayakap pabalik.Dahan dahan nalang niyang inalis ang kamay at braso kong nakayakap sa kanya.Tinignan niya ko habang may namumuong luha sa mga mata niya.

Yumuko siya at dahan dahang lumakad papalayo mula sakin hanggang sa hindi ko na siya makita.

Gusto ko siyang habulin.Gusto ko siyang pabalikin.Pero wala akong nagawa kundi tignan nalang ang lalaking mahal ko na lumayo mula sa piling ko.

Pilit ko siyang tawagin pero walang boses na lumalabas mula sa bibig ko.Umiyak ako ng umiyak pero ni isang luha walang pumapatak mula sa aking mga mata.

"Babalik ako.Babalikan kita.Babawi ako sayo.Hindi na kita uli iiwan.Anne tandaan mong nandito lang ako sa tabi mo lagi.Mahal na mahal kita."

Yan ang huling narinig ko mula sa kanya.Di ko man siya makita pero alam kong galing sa puso lahat ng sinabi niya sakin.

Sana sa susunod mayayakap niya na rin ako pabalik.Sana sa susunod magagawa niya ng aminin ang totoong nararamdan niya para sakin.

At sana sa susunod hindi niya na ko magagawang paasahin.

"Anne!"

"Anne ano ba?"

"Anne gumising ka na nga!"

Marami akong naririnig na boses sa paligid ko,hindi ko parin alam kung bakit ko naririnig ang mga iyon.

Minulat ko dahan dahan ang aking mga mata.Wala na.Wala na sa aking paningin ang mga nangyari kanina.Di ko alam kung bakit bigla akong napunta sa lugar kung nasaan ako ngayon pero ayoko sanang isipin na lahat ng nangyari kanina ay isang panaginip lamang.

"Ngangabu dalian mo na!10 seconds nalang magsisimula na tayo!" niyuyogyog ako ng isang taong malapit sa tabi ko.

"Vice?" saad ko.

"Ay hindi,si Vhong.Ako si Vhong." saad niya naman,at syempre alam ko namang pagpipilosopo na naman niya yun.

Iniangat ko ang ulo ko mula sa pagkakadukdok ko.Dun ko mismo napagtanto na isang panaginip nga lang ang akala kong nangyari kanina.Yung nakita ko si Vhong sa harapan ko.Panaginip lang pala ito.

Till Death Do Us Part (VhongAnne Fan Fiction)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!