Seven

48 5 0

Let's end our friendship
Let's end our friendship
Let's end our friendship
Let's end our friendship
Let's end our friendship

Paulit-ulit sa utak ni Mimi ang mga binitiwang salita ni Junjun.. Tila huminto sa pagtakbo ang oras at tumigil sa pagtibok ang kanyang dibdib.. Sobrang sakit ang kanyang nararamdaman sa ngayon..

"Ba-bakit Junjun? Is there anything wrong na na-na-gawa ko? Te-Tell me.." hindi na napigilan ni Mimi na tumulo ang kanyang mga luha..

Lumapit si Junjun at hinawakan ang magkabila nyang pisngi.. Pinunasan nito ang mga nag-uunahang luha ni Mimi na walang hinto sa pagpatak..

"No no no.. Please don't cry Mimi.. Ayokong nakikita kang umiiyak.." pag-alo ni Junjun kay Mimi..

"But how? You don't want us to be friends anymore.. It hurts you know.. Junjun, pwede mu namang sabihin kung nagkamali ako.. Promise babaguhin ko yun.. Saka hindi na kita iiwasan.."

"So inamin mu rin na iniwasan mu nga talaga ako?"

"Ou.." nahihiyang pag-amin ni Mimi.. Hinawakan nya sa damit si Junjun.. "Please forgive me.. Promise hinding hindi na kita iiwasan just let us be friends.." pagmamakaawa nya..

Yumuko si Junjun at inalis ang kamay ni Mimi sa pagkakahawak sa kanyang damit.. "Ok ok, it doesn't matter to me anymore.. I've already made up my mind at wala ng makakabago dun.."

Napayuko na lang si Mimi at tuluyan ng napahagulgol.. Sobra na syang nasasaktan.. Ayaw na syang maging kaibigan pa ni Junjun.. Yun na lang ang tanging pinanghahawakan nya.. Panu pa kaya pag nalaman nito na may lihim syang pagtingin sa kanya..

"Ok if that's what you want.. Thank you for the memories sana-"

Hindi na natapos pa ang dapat sasabihin ni Mimi dahil pinatahimik sya ni Junjun sa pamamagitan ng halik..

Nanlaki ang mga mata ni Mimi sa ginawa ni Junjun.. Hindi sya makapaniwalang hinahalikan sya ng kanyang pinakamamahal.. Sa panaginip lang nya ito inakala pero totoong nangyayari na ngayon..

Nakaawang ang labi ni Mimi ng tumigil na sa paghalik sa kanya si Junjun.. Nagtatanong ang kanyang mga mata sa pagtitig nya dito.. Wala sa sariling napahawak si Mimi sa kanyang nakaawang na labi.. Walang ni isang lumalabas na kataga mula sa kanya..

Si Junjun na ang unang nagsalita.. "Mimi, I don't want us to be friends.. I want us to be lovers.. I love you.." madamdamin nyang pahayag..

Hindi makapaniwala si Mimi sa narinig.. Muli syang naluha dahil hindi na nya kinaya ang nararamdaman.. Sa pagkakataong ito, dahil naman sa labis na tuwa.. Niyakap nya ng mahigpit si Junjun.. "I love you too Junjun.. I'm loving you secretly for a long time.."

DestinyBasahin ang storyang ito ng LIBRE!