III.

101 1 0

"Pila pa rin"






Dawn POV




Habang papunta ako sa Mcdo may mag-jowang nag-aaway. Ibang klase, kung may PDA, may PDW rin eh Public Display of War! walanjo! pasigaw-sigaw pa yung babae, hello? kayo lang tao sa mall?


Hindi naman ako chismosa pero naririnig ko yung away nila, napatigil ako konti, binagalan ko talaga lakad ko hehehe..


"...I saw that two of you earlier at the gym, just the two of you Marcus!!!! MARCUS!! DALAWA LANG KAYO na nadoon!!! anong gusto mong isipin ko dun? ha?"


Naloka naman ako sa pinaglalaban nung babae, jusko O.A mo teh ah! Anong gagawin nila sa gym? baka naman naglalaro lang sila ng jackstone, o kaya ng pitik-bulag, baka naman nag-babato-bato-pik lang, pwede namang nagbasketball silang dalawa, one-on-one. O hindi kaya, may utang pala jowa mo dun sa babae.. Utak ipis ka teh! Ang kitid ni ateng scandalosa.


Tsk tsk.. Mga kabataan talaga ngayon nasosobrahan sa babaw eh. Maganda naman yung babae eh, Maputi, makinis ang balat parang kutis artista,may mahabang buhok at may kulay, may braces, matangos ilong, chinita, mukha nga lang jollibee yung cheeks, pero keri na bagay sa mukha niya. Mukhang mayaman, Conyo eh. At ang tangkad niya sakin :( parang mowdel (model) ang height.


Yung boyfriend naman niya, ANG GWAPO!!!!! mapapa-boom anes este boom panes ka kapag nakita mo. Matangkad, kung matangkad yung gf niya mas matangkad pa siya, hanggang tenga niya yung gf niya. Naka-james dean hairstyle siya, at may piercing sa left ear niya. Matangos ilong at maputi. Sobrang kinis, jusko! ang puti ng siko niya, ang puti rin ng singit nito..


Pagkatapos ko pagnasahan boyfriend ni ateng scandalosa, binilisan ko na lakad ko. Nagmumura na kasi yung tiyan ko. Joke, di ko pinagnasahan noh! tinignan ko lang.


Lumakad na ako palayo sakanila, nilampasan ko na yung PDW na yun. Pumunta na ako sa Mcdo at umorder ng malalafang ko.


After 0965489341412 years naka-order rin ako at bumalik sa terminal para pumila ulit, pagbalik ko dun..WALA NA YUNG BABAENG SINABIHAN KONG "BIBILI LANG AKO"

hindi ko na siya makita, dalawa na yung pila, parehong mahaba. Nalilito na ako kaya nagtanong na lang ako..


May pinagtanungan akong lalaki


Ako: Excuse me, Kapayapaan?


At ang tagal niyang sumagot, kaya yung girlfriend na lang niya yung sumagot.


Gf ni kuya: Oo ( sabay irap)


Kaya ayun talo, pila ulit ako sa dulo :( Bakit ko alam na GF ng lalaki yung babae? kasi sila yung nakita ko kanina na nagwawarla.. Ba yan. Ang awkward!


Ayung si tanga, suyo ng suyo.. Pachix si ate, pretty mo teh! nagpapa-bebe, ayaw pasuyo. Naumay ako sa mag-jowa na toh. Tingin ng tingin sakin yung Bf ni ateng scandalosa.. Problema nito?


Hinayaan ko na sila, di ko na pinanood. Nilagay ko yung earphones sa tenga ko at nagsounds, at kumain ako habang naghihintay ng UV..

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

wala pa ring saksakyan na dumarating..

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

..

.

SA WAKAS!!! NAUBOS KO NA PAGKAIN KO


wala pa rin sasakyan :(


Anong oras na..

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

After0987654321 10000th century may dumating na rin sa wakas!


Pero hindi biyaheng Kapayapaan.. nakakaiyak yung tagal. Ang sakit sakit na ng paa at balikat ko. inaantok na ako, pagod na pagod ako galing ng swimming namin. Talaga nga naman oh. PASALAMAT TALAGA AKO DAHIL SATURDAY BUKAS WALANG PASOK!


"Biyahe"Basahin ang storyang ito ng LIBRE!