Six

46 7 1

Nakatitig sa kisame si Junjun habang nakahiga sa kanyang kama.. Maghapon na syang nagkukulong sa kanyang kwarto.. Palaisipan pa rin sa kanya ang mga nangyayari.. Naguguluhan sya sa kanyang nararamdaman..

May pangako sya at nais nya itong tuparin ngunit hindi maintindihan ni Junjun dahil parang nawawala na ang kagustuhan nitong matupad ang pangakong binitawan dahil nahuhulog na sya kay Mimi.. Pero panu na ang kanilang pagkakaibigan.. Iniisip nya na baka masira ang friendship nila na iniingatan.. Ayaw nya mawala ito sa kanya.. Nahirapan nga sya nung hindi sya nito pinapansin.. Pakiramdam ni Junjun ay guguho ang kanyang mundo..

"Bahala na.. Lord, help me.. Sana pareho lang kami ng nararamdaman" pagkausap ni Junjun sa maykapal..

Kinabukasan, napagpasyahan ni Junjun na magtapat kay Mimi at manligaw dito.. Hinihintay nya itong dumating..

Nang dumating si Mimi ay lalong kinabahan si Junjun.. Parang nawalan sya ng lakas ng loob na magtapat pa.. Pero kelangan na nya itong sabihin dahil pag hindi pa ay sasabog na ang kanyang dibdib..

Dug dug dug dug..

"Mimi, can we talk?"

"Sure.."

"I know this is awkward but I can't take this anymore.. Let's *sigh* let's end our friendship.."

DestinyBasahin ang storyang ito ng LIBRE!