Chapter 6

153 20 10

Kiaske PoV

Nakaupo ako sa taas ng puno habang nagbabasa ng libro, isang libro tungkol sa Academy.

Merong mga litrato ng nga estudyanteng siguro ay nag aral noon dito, puro luma at halos mabura na ang kanilang mga mukha, mga rules na kailangang sundin at ang pinagtataka ko ay bakit pati mga taong namatay dito sa Academy noon ay nakalagay rin dito sa libro. Weird <(ˍ ˍ*)>

Simula noong nag enroll ako dito sa Academy marami na akong napansing kakaibang bagay, mga sikretong nalaman at mga taong nakilala ko na dapat ay hindi ko talaga makilala. Masyado ng komplikado ang sitwasyon wag na sana niyang malaman pa dahil paniguradong siya  mismo ang tatapos sa akin.

Napatingin ako sa building na nasa harap ko, posible bang andito talaga yon?

"Kiaske..." Tinago ko kaagad ang libro sa sikretong lagayan ko sa may puno, napatingin ako sa ibaba at nakita ko siya.

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko sa kanya, habang nakatingin sa kanya sa ibaba.

Ayokong bumaba. Tinatamad ako. ~______~

"Hinahanap kasi kita, wala naman na kasi akong alam na pupuntahan mo bukod sa punong ito." Sagot niya sa akin.

Buti na lang hindi niya pa nakikita ang kabuuan ng punong ito kaya wala siyang alam sa mga sikretong lagayan ko dito.

Natatakot kasi siya...

Natatakot siya dahil baka mahulog ulit siya kung saka sakali mang umakyat siya dito at hindi na masalo pa.

"Bakit mo naman ako hinahanap? Anong dahilan?" Tanong ko sa kanya

Pero imbis na sumagot siya nawala na lang siya bigla, teleportation? Ganda talaga kausap nun kahit kelan -______-

"Kiaske!" Napatingin ako sa taong tumatawag sa akin sa ibaba...

 

"Hary..."

Kaya ba siya umalis dahil baka may makakitang naguusap kami?

Tsk. Tinatago niya pa rin pala ang katauhan niya.

"Kanina pa kita hinahanap! Bago ba ako dumating dito may kausap ka?" Tanong niya habang umaakyat dito sa puno.

Hindi niya pwedeng malaman...

"Wala akong kausap." sagot ko sa kanya

"Ahhh, pero sino yung narinig kong nagsasalita?" tanong niya ulit sa akin.

Nakakainis ang dami pang tinatanong.

"Guni guni mo lang yon, wala akong kausap dito nagbabasa lang ako ng libro." At pinakita ko sa kanya ang librong hawak ko na kinuha ko mula sa isa pang sikretong lalagyanan ko dito.

"Beauty and the Beast? Seriously?! Tumanda ka ng lahat yan pa rin ang binabasa mo? hahahahaha! " Makareact kamo to parang babae
-______- 

Kung hindi ko lang kambal to matagal ko na siyang napagkamalang bakla.

"Wala kang pake kaya manahimik ka diyan." Seryoso kong sabi sa kanya, natauhan naman siya kaya napatigil siya

"Sorry naman, sis. Nagtatanong lang naman ako e.  Wag dibdibin ha? Wala ka pa naman non. "

Sinamaan ko siya ng tingin at inambahang susuntukin para malaglag sa puno, pero mabilis niya itong naharangan at inayos ang pagkakaupo niya sa sanga dahil muntik na talaga siyang mahulog.

Tsk. Sayang.

"Sis!  Joke lang!  Eto naman.  Wala ka na bang ibang libro diyan? Pahiram nga ng isa, amboring dito kung uupo lang ako sa sanga, kahit ano basta wag lang katulad niyang binabasa mo ha!" Reklamo niya sa akin. Sarap talagang ihulog. Siya na nga lang manghihiram siya pa magrereklamo -_____-

Yascynth Academy (Editing) Basahin ang storyang ito ng LIBRE!