CHAPTER TEN

5 0 0

CHAPTER TEN

Welcome to London

Mabilis na napaayos ni Daddy ang mga papers na kailangan ko sa pagpunta ko sa London.

Pati na rin ang titirahan ko doon ay inasikaso na rin nila. Ibinili nila ako ng bahay doon na nasa isang filipino community para daw hindi na ako masyadong mag adjust.

Tinanggap ko na rin yung bahay kahit na nahihiya ako kina daddy, naisip ko kase baka kapag hindi ko yun tinanggap eh mahirapan naman ako sa paghahanap ng apartment. Hindi pa naman ako masyadong pamilyar sa London. Twice pa lang ako nakapunta doon and for vacation lang.

Pero yung alok ni mommy na ikuha ako ng maid para may makasama sa bahay, tinanggihan ko. Ayoko talaga kasi i'm already a grown up.

I know I can do it on my own.

And after all these things were settled, heto kami sa airport saying our goodbyes.

Maluha-luha si mommy pero I know masaya siya sa naging desisyon ko. I can't help it na maiyak din, first time kong pupunta abroad mag-isa and malayo kay mommy't daddy.

"You take good care of yourself there ha, baby?"

"Yes mommy. Kayo din po ni dad, wag niyo kong masyadong intindihin.."

"If magkaproblema, just call us, ok?"

"Opo Dad.."

And for the last time, we hug each other. Hindi na nakasama si kuya sa paghatid sakin dahil bumalik na siya ng New York kagabi.

Maya-maya lang ay tinawag na ang flight ko kaya tuluyan na kong nagpaalam kina mommy't daddy. Hindi ko ipinahalata sa kanila na ninenerbyos ako. Ayokong mag-alala pa sila sakin.

And for the last time,  tears fell from my eyes before I get on the plane.

Goodbye Ethan...

***

Nagising na lang ako nang marinig ko ang commotion ng ibang pasahero ng sinasakyan kong eroplano.

Naghahanda na silang lahat, that's the only time na narealize kong nasa London na kami.

After almost 9hours of travelling on air, nakarating din kami. Umayos ako ng upo at inayos ang sarili ko.

Maya-maya ay nagbabaan na kami.

Wala akong ineexpect na sasalubong sakin dito sa airport. Kaya naman kaagad na akong kumuha ng taxi at nagpahatid sa hotel na tutuluyan ko for the night.

Hindi naman kalayuan ang hotel kung saan ako naka-book kaya agad kaming nakarating.

Dumiretso ako sa front desk. After nilang tignan ang pangalan ko sa mga naka-book ay ibinigay na nila ang susi ng kwarto ko.

Pumunta muna ako sa ladies' room bago dumiretso sa kwarto ko. Nasa 6th floor pa kasi yun, eh kanina pa ko napapa-wiwi at hindi ko na mapigilan.

Walang tao sa ladies' room nang pumasok ako kaya naman naka-wiwi ako kaagad.

I was washing my hands when suddenly I heard someone.

"Ahhmm.. Hmm.."

Kinilabutan ako. Tumayo lahat ng balahibo ko sa katawan. Mag-isa lang ako dito sa ladies' room diba?

Tatakbo na ba ko palabas? Oh gahd! Walang nagsabi sakin na may nagmumulto dito..

Nilakasan ko ang loob ko at itinuloy ang paghuhugas ko ng kamay. Baka guni-guni ko lang yun dala ng jet lag.

Pero ng isara ko ang faucet..

"Oooh... Hmmmm.. hmm.."

Ano yun? multo? Pero bakit parang umuungol? Weird.

Nanatili lang ako sa pwesto ko. Gusto kong ma-confirm kung multo nga yon kahit na sobrang natatakot na ako..

Then, after a while may narinig na naman ako. And it was coming from one of the cubicles.

"Ooohh.. Mmmm.."

Lumapit ako ng kaunti sa cubicle kung saan nanggagaling yung mga ungol na naririnig ko. Parang hindi naman kasi yun multo. Parang boses ng babae, na hindi ko alam kung may masakit ba sa kanya o kung ano man.

Uupo sana ako para silipin kung ayos lang ba yung nasa loob when suddenly biglang bumukas yung pintuan ng cubicle.

I was shocked with what I saw. Napanganga pa ko with much surprise.

Babae nga yung umuungol kanina.  And she was with this guy. Foreigner yung babae while Filipino naman yung guy. Naghahalikan sila and halos mahubaran na ni babae si lalake.While si lalake hawak-hawak ang legs ni babae..

Oh my.. What a scene they are making..

Hindi ako makagalaw. I was frozen.

Tumigil lang sila sa ginagawa nila nang mapansin ako. Tumingin sakin yung lalake at tumawa ng mahina. Pakiramdam ko tuloy ako pa ang napahiya sa ginagawa nila.

Habang yung girl tuloy pa rin sa paghalik sa lalake at pilit pang hinaharap yung mukha ni lalake sa kanya. Gross.

"Hey, hey wait Charlie..", tumatawa pa rin yung lalake habang pinipigilan niya yung babae sa ginagawa nito.

Ano bang tinatawa-tawa niya?

Tumigil naman yung girl sa ginagawa niya at tumingin na rin sakin.

"What?!" singhal niya sakin and then i snapped out of it.

Dun lang ako nakagalaw. Nag-init ang mukha ko sa mga nakita ko. I was not expecting it.

Mabilis kong binitbit ang dala kong maleta at patakbong lumabas ng ladies' room. Nakakahiya! Gosh!

Ganito ba talaga dito sa London? My golly! Iba pala ang hospitality dito. Nakakaloka!

Change is ConstantBasahin ang storyang ito ng LIBRE!