His first P.O.V

9 0 0

Travis POV

Nagulat ako sa bumahing kanina kaya napatigil ako sa pagtugtog. Pero pag labas ko ng music room wala namang tao pero may napansin akong tumatakbong babae papalayo.

Imposibleng may nakikinig sa akin.

Sanay na akong hindi ako nag eexist sa campus na ito. Sanay na akong weird at freak ang tawag sa akin.

Pabalik na sana ako sa loob ng music room ng may napansin akong litrato. Laking gulat ko dahil ang nasa litrato ay ako at si Elai.

.

.

.

Biglang pumasok sa isip ko ang babaeng tumatakbo kanina. Dali dali akong napatakbo para habulin ang babae. Hindi ako sure kung sa kanya nahulog tong litratong ito pero isa lang ang sigurado ako kilala ako ng taong may hawak ng litratong ito.

Hindi ko natandaan ang mukha nya pero tanda ko ang kakaibang bag nya. May parang manikang nakadikit sa backpack nya. Weird para sa isang college student na ganun ang bag.

Nakita ko bigla ang bag niya.

Aha sya na to.

Madami akong dapat itanong sa kanya.

Nagulat ako ng bigla syang napatingin sa akin.

Yung mukha nyang parang nagulat pero hindi makaalis sa kinatatayuan nya.

Nang makalapit ako sa kanya bigla ko na lang syang hinila pero parang tulala pa rin sya at wala sa sariling nagpatangay sa akin. Habang ang lahat ng madaanan namin ay biglang magbubulungan as if naman hindi naririnig ang bulong nila .. Tsk

'OMG !! anglalakingwierd may gf??'

'Grabe may papatolpalasakanya .. Weird din siguroyung girl'

Ilan lang yan sa mga naririnig ko

Napaka judgemental talaga ng mga tao kahit kelan pero itong kasama ko parang dedma sa kanya ang mga sinasabi ng ibang tao dahil hanggang ngayon wala pa rin syang reaksyon.

.............................................

Yung nasa side yung gamit na bag ni Trix . Ang kyut diba :D

My Dreamboy's LoveBasahin ang storyang ito ng LIBRE!