Ayaw pa ring magsalita ni Thomas kaya sobrang tahimik. Ilang minutes ang lumipas bago may bumasag sa katahimikang kanina pa naghahari.  

"Sinasabi ko na nga ba gutom lang ang dahilan ng lahat." For the first time since kanina, biglang nagsalita si Thomas. Tiningnan ko ang ekpresyon sa kanyang pagmumukha, nakangiti na siya ngayon.  

"Hindi kasi ako nag-lunch kanina tapos hindi pa natuloy ang dinner namin dahil sa walkout drama ko." Paliwanag ko sa kanya.  

"Kanina mo pa sana yan sinabi. Kumakain na sana tayo ngayon." Inakbayan ako ni Thomas.  

"So hindi ka na galit sa'kin?" Ngumiti ako sa kanya nang napakatamis.  

"Hindi naman ako galit. Naaasar, oo."  

"Ikaw naman ang nauna kanina."  

Sasagot na sana si Thomas kaso ang kanyang tiyan naman ang tumunog.  

"Tama ka nga. Gutom lang ang lahat ng drama natin kanina. Mabuti pa'y kumain na lang tayo para mas makapag-isip tayo nang malinaw." Natawa na lang si Thomas sa aking sinabi.

     

Napagkasunduan namin ni Thomas na kumain na lamang sa malapit sa restaurant dahil sobrang gutom na talaga namin.

Pagkatapos naming kumain…  

"Seryoso, saan na tayo ngayon? Gusto mo na bang umuwi?" - Thomas  

"Ayoko pa. Tampo mode yata ako sa aking mga magulang ngayon."  

"Baka nag-aalala na sila sa'yo. Dapat siguro i-hatid na kita sa inyo."  

"Akala ko ba gusto mong magpakasal na tayo? Ba't sinusuli mo na ako sa aking mga magulang?"

Tinaasan ko siya ng kilay.  

"Eh ano ba kasi talaga ang gusto mong mangyari ngayon?" Thomas looks like he's starting to lose his patience.  

"Hindi ba pwedeng magpalipas muna tayo ng gabi sa isang hotel?"  

"Wow ha, dati sobrang conservative mo pero ngayon parang ikaw na ang nanghahamon ng mga ganyang bagay." Asar na sabi sa'kin ni Thomas.  

"Bakit, ano pa ba ang ibang gagawin natin sa hotel maliban sa magpahinga? Naku Thomas ha, hindi ko nagugustuhan yang madumi mong pag-iisip." Pagtataray ko sa kanya.  

"Akala ko kasi…"  

"Yan! Puro ka kasi akala. Mabuti pa tumuloy na tayo at nang makapagpahinga naman tayo. Tapos bukas, baka sakaling mas malinaw na ang pag-function ng utak mo."        

Dalawang kwarto dapat ang kukunin ni Thomas pero mukhang mapaglaro talaga ang tadhana dahil isang room na lang daw ang bakante.  

"Sigurado ka bang wala na talagang bakante? Baka naman umandar na naman yang pagiging kuripot mo. Handa naman akong magbayad." Pahayag ko kay Thomas.  

"Oo nga kasi. Kung gusto mo ikaw na ang makipag-usap sa receptionist." Itinulak pa ako ni Thomas.  

"Aba't! Naku, kapag ako talaga niloloko mo, humanda ka sa'kin!" Banta ko pa sa kanya.  

"Wala ka bang tiwala sa'kin?"  

"Oo na. Ikaw na panalo."    

30 minutes later…  

Nakahiga na kaming dalawa ni Thomas sa iisang kama at pareho kaming nakaharap sa isa't isa.  

"Ano na kaya ang mangyayari sa'tin bukas?" Pabulong na tanong ko sa kanya.  

Engaged To My Enemy (ODTT Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon