"If you see me with other girls , dont bother yourself too much. Because as long as I want to talk with them its only you whom my eyes seek with."


Yung feeling na nagkakandadali-dali ka sa pagdadrive ng kotse mo. Na halos paliparin mo yun sa subdivision niyo. Tapos biglang maririnig mo naliligo pa lang yung taong yun. Hindi ba kayo maiinis?


Putcha. Nautakan ako nun ah. Di bale makakaganti rin ako mamaya maya. Kala niya ah. Wala pa yatang nakakatalo kay The Great CKM.


" Pare kain ka muna ohh. Mukhang di ka nakapagalmusal eh." pangungutya ni Kuya Nielle sakin. Na siya ring nagbukas ng pintuan sa akin. Maaga pala daw umalis sina Kuya Nathan. At as usual nagising rin si Fluppy. At nagluto ng umagahan. Kasabwat rin pala ang mga ito sa pagpapalit ng oras sa cellphone ko. 8:00 pa lang pala. At saktong naubos yung battery ng alarm clock ko at tumigil sa 10:00 am position. Lintek. Bakit ba di ko napansin yun?

 

" Mangasar ka pa Kuya Nielle. Kitang inaantok pa yung tao eh." sabi ko. Anong oras na kasi ako nakauwi halos kagabi. Di rin naman ako agad nakakatulog ng gaanong mabilis. May ginagawa pa ko sa bahay. Remember?


" Kumain ka na lang pare. Gutom lang yan. Haha" sabat naman ni Kuya Renz na kanina pa nakain. Sa inis umupo na lang ako. At kumain na lang rin. Dito ko na lang idadaan yung galit ko. Mautak rin si Fluppy ah. Mantakin mo. Pinaghandaan talaga yung peace offering sakin. May timpla pa kong Chocolate Coffee. Tas nakahain na rin yung favorite kong pancake na maraming chocolate syrup. Di pa rin niya talaga nalilimutan kung paano ako amuin.

 

" Hmm. Di ako papayag. Dapat makabawi ako mamaya." himutok ko. Pero halos binubulong ko na lang yung sinasabi ko. Baka marinig pa ni Sophia. Unahan na naman ako.

 

" Pare ang aga mo ata. Sabi na nga ba Mahal mo si Sophia eh" sabi ni Kuya Chase na biglang sumulpot galing sa kung saan. Mahal agad? Di ba pwedeng pinagkaisahan muna?

 

" Love? Nagpapatawa ka ba? Hater ako nun." pagbibiro ko pa.

 

" The More you Hate. The More you Love Tol" sabi niya pa. Gasgas na yang linyang yan. Kaya di na uubra sakin. Tumahimik na lang rin ako.

 

" Oh. Pare maawa ka naman sa pancake mo. Wag mo nang durugin. Kung ayaw mo akin na lang" ang siba talaga nito ni Kuya Jace. Ang dami dami hihingin pa yung akin.


" Aba. Akin to eh" sita ko sa kanya. Tumawa na lang naman siya after nun. Iinom na sana ko ng tubig ng biglang bumaba si Sophia galing  sa 2nd floor nila. Nakadress ang Fluppy. Psh. If I know nagpapaganda lang yan sakin. Haha.


" Oh. Nagmukha ka atang tao" pangungutya ko. Kahit man lang dito eh makabawi ako sa kanya. Inirapan lang naman niya ko. Tsaka umupo sa tabi ko at kumain na rin. Paminsa'y minsan eh dinadali ko talaga yung siko niya. Para mabulunan siya. Kaso sanay na ata ito at nakakaiwas. Sila Kuya naman tinitingnan na lang kami.


" Sophia. Diba gusto mo nito?" tanong ko sa kanya habang iniinom yung chocolate coffee na gawa niya. Nakita ko namang napatitig siya. At nagkaroon ng kislap yung mukha niya. Kaya naman pinagbutihan ko pa yung pagsipsip. Mainggit ka!

Yesterday's Dream Basahin ang storyang ito ng LIBRE!