CHAPTER 11

382 11 1

Sophia's POV

Nakauwi nako sa bahay hinatid ako ni Alex, medyo masakit pa ang katawan ko, lalo na doon... buti nalang pag karating naming sa bahay kanina wala pang tao. "Haaay" sabay inat at tumayo na sa kama, nakatulog din ako mga dalawang oras din siguro, I off my phone... ayoko munang may maka-usap na kahit na sino.

Pagka baba ko, naghahanda na ng pagkain si Mama at busy naman sa pag-aaral ang dalawa kong kapatid sa maliit naming na sala. Nilapitan ko si mama, "Ma" sabay mano. "Oh, gising kana pala, 'di nakita inisturbo kanina ang himbing ng tulog mo,sandali nalang to at kakain na tayo." Saad ni mama at tinu-on ang pansin sa pagluluto. "Sige po Ma".

"Ate?" si John, "O, busy ha?" tanong ko sa kanila, " 'te, tumawag si kuya Bray sa'kin kanina" ngiting-ngiti pa si Sam, "Okay" yun lang sinabi ko at umupo sa tapat nilang dalawa. "Ay, confirmed! L.Q talaga!" sabay wagayway ng kamay niya sa hangin. "ate.. ang ingay mo, nagco-concentrate ako" inis na sabi ni John. "Ay... sorry dong.. pwede magsorry?" sarcastic na sabi ni Sam. "Sige na nga sasabihin ko na..." saad ni Sam, huh? Tinanong ko ba siya? "So ayun, tumawag siya kanina, sabi niya naka off daw yung phone mo, kumusta ka daw? Kumain kana ba daw? Tapos ayun, sinabi ko tulog ka pa." huminto siya at parang pinipigilan sumigaw, "tapos?" tanong ko, "eto yung magandang part at super kilig toda bones tagos sa bunga-nga, sabi niya, ehem, pakisabi nalang sa ate mo, mahal na mahal ko siya at mag ingat siya palagi papakasalan ko pa siya" sabay tili at sinabunutan pa si John, natawa naman ako sa reaction niya, pero aaminin ko kinilig naman ako 'dun, pero masakit pa kasi eh, "Ate! Masakit" sigaw ni john kay Sam. "Ay, sorry baby, na over laugh ako!" saad ni Sam at tumili, "Ate.. ang ganda mo talaga, grabe yung ganda ohh..." sinukat sukat pa niya ang mukha ko, natawa narin ako.

"Oh, kain na tayo... mauna nalang daw tayong kumain matatagalan daw papa niyo, may meeting sila" sabi ni mama. Tumayo na kami at pumunta nasa kusina.

Habang kumakain, "Ay ma, pupunta pala ako ngayon sa Mactan Shrine, may group study kasi kami ng mga kaklase ko, para sa Report naming sa Lunes, kalian kasi ngayong gabi na, 'di kasi available tomorrow kasi Sunday is Family Day, at huwag kang mag alala, before 10pm uuwi na kami at para 'di ka mag worry magpapasama ako kat ate Sophia, So okay lang ba ma?" masiglang sabi ni Sam, napanganga lang kami sakanya. "May masasabi paba ako? Mukhang planado muna lahat eh?" napangiti nalang si Mama, "Yes, so okay na, at susunduin kami ng kaklase kong may Van, sabay nakaming pupunta para makatipid narin kamini ate, 'di ba teee?" tanong niya pa sakin. "Tinanong mo pa talaga ako?" sarcastic kong sabi, "Ayyy.. I love you na talaga" tumili pa siya.

Pagkatapos namin kumain ay umakyat na kami sa kwarto para maligo muna at magbihis. Wala pang isang oras ay dumating na ang kaibigan ni Sam na si Althea At Marj. Nagpa alam na kami kina mama at John. Mactan Shrine here we come!

----------------------------------------------------------

[KAINIS... hinahanap ko po yung night view ng Mactan Shrine, pero wala. Isipin niyo nalang po gabi yan, maganda noh??? Naka-attached po sa gilid ang picture po ng Lapu-Lapu City -Mactan Shrine. ----->>>>]

iLabyu Langga (Completed)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!