Chapter- 1. Zzzzzzzzzzzzzzzzz.Kkkkkkkkkkkk.

6 0 0

Chapter-One..

"Uy pre. Anong oras tayo pupunta sa inyo?" tinapunan ko lang ng tingin si Mar.

Si Mar ay bestfriend namin ni Z.K. Mabait naman pero adelentado. Pag trip ka nyang pagtripan. Sensya ka. Pagtitripan ka nya.

"Huy Steven?! Hangin nanaman ba ako?" iritang tanong nya.

Di ko pa din sya inimik. Nagpatuloy na lang ako sa paglalakad sa hallway. Kelangan ko ng makarating agad sa room ni ZK. Mahirap ng masuntok ng pandak na 'yun. Mula sa likod ko naramdaman kong may umakbay sa akin. Di ko na kelangang lumingon. Si Mar 'yan tyak. At isa lang ang ibig sabihin pag umakbay sya saken.

"Pre. Nakakatakot na talaga ang mga tingin ng mga bagong students sa atin dito.. They are creepy." Sabi niya at binilisan ang hakbang.

Napatingin muna ako sa relo ko. "Shit! Mar! Late na tayo! Lagot tayo nito!" sigaw ko kay Mar at dali daling tumakbo papuntang IV-A. Nagtilian naman ang mga babae at nag smirk-an ang mga lalaki. Well.. Di naman sa pagmamayabang. Varsity kami parehas ni Mar at top 2 kame sa pinakamatalino sa School na ito. Top 2 ako while Mar is the top 3. Well kung tatanungin niyo kung sinong top 1 eh..

Walang iba kundi si ZK.

Napatakbo na kami ni Mar papunta sa room ni ZK.

"Okay pre. Breath in. Breath out." hingal na sabi ni Mar saken.

Tumango na lang ako at ginawa ang sinabi nya. Pagkatapos nun ay binuksan ko na ang pinto ng room ni ZK. Pagbukas ko..

"Z---!" di ko na natapos ung pagtawag ko sa kanya dahil sa gulat. Naka akma lang naman ng suntok si ZK sa lalaking kinuwelyuhan nya.

"Ano? Porke bago ka lang dito at malaki ang katawan mo ay mambu-bully kana? Wala kang karapatang i-bully ako! Dahil ako ang bully ng mga bully dito! Gets?! Now you leave!" singhal ni ZK dun sa kawawang lalaki.

*clap* *clap* Pumapalakpak kaming dalawa ni Mar na lumapit sa kanya.

"Hey Z! Nag- incredible hulk ka nanaman ah!"biro ni Mar.

"Oh shut up man! Di ko lang napigilan eh. Wait nga! Why you two are late? 'yan tuloy napa away pa ako." ZK.

Nilapitan ko sya at inakbayan. "Alam mo bansot di ka pa rin nagbabago. Gaya pa rin nung 1st, 2nd, 3rd at pati ngayong 4th year na tayo wala pa ding pinagbago? You're always a hot tempered lady." litanya ko sa kanya.

And yep. She's she. Siya si Zyla Kaye Borja Gascon or simply ZK. Nagi-isang Pinsan ko..

"At laging matakaw!" tudyo naman ni Mar.

"Atleast I'm still fit! Unlike you. Bumababoy na. Hahahaha!"

Inirapan lang sya ni Mar at umarteng diring diri kay ZK. Natawa na lang ako sa kanila at niyaya silang kumain na ng lunch since lunchbreak na.

*

"Pwede ba! Wag nyo na akong ipapagitna sa inyong dalawa. Alam ko naman na mga poste kayo eh. Tama ba namang ipagitna ang isang babaeng 5.3 ang height sa dalawang poste na may 5'11 na height? Kakainis kayo!"

Natatawa pa rin ako hanggang ngayon kay ZK dahil nagaalburoto sya sa ginawa namin ni Mar.

"Sus. Dati pa namin yun ginagawa. Ngayon ka lang naman na conscious kasi nakita ng crush mo na naka-akbay sayo ang dalawang hot hearthrob ng school na 'to." tudyo ni Mar habang kumakain kaming tatlo.

Tahimik ko lang silang pinapanuod. May mga bagay kasi akong dapat Harapin mamaya sa bahay.

Di pa pala ako nagpapakilala. I'm Steven Kurby Gascon Villa. ZK is my cousin at mother side. I'm 17 yrs old and currently studying @ **** National H.S. Nasa Graduating year na rin sa wakas.

Si Mar naman or Marco Jelal Alvarez ay bestfriend namin ni ZK he's also at my same age. Same also with ZK. Iba iba ang attitude naming tatlo at di namin alam kung bakit nag click kame. Maybe coz we are intelligent? Or anything else?

*snapping fingers* "Earth to Sterby! Hey Sterby! Anyare? Tulaley much?" tinignan ko lang si ZK at binatukan tyaka nginitian. Am I that weird?

"Ow! How could you!?" at aakmaan nya ako ng suntok. Sinamaan ko sya ng tingin para tumigil na and voila! Effective!

" Okay. okay. I'll stop na. So. What's the matter my dear cousin?" Sincere nyang tanong.

"Nothing I'm just tired." sagot ko sa kanya.

Hanggat maaari di ko sinasabi ang problema ko sa kanya coz she's the jolliest person you'll meet in wattpad world at ayokong problemahin niya ang problema ko. Tumango tango sya at tinigilan na rin ang pagtatanong.

* "Mar! Kumusta? Ngayon ka na lang ata ulit nadalaw?" salubong ni Shanen kay Mar.

"Hi Ate Shan! Ok naman. Pasensya na po at minsan lang madalaw, 'to kasing si Sterby eh. Minsan lang magyaya." nakangiting tugon ni Mar kay Shanen. Dumiretso naman sila kusina dahil nagugutom na daw ang unggoy.

Dumiretso naman ako sa sala at umupo saglit. Sinama ko pala si Mar dito sa bahay dahil maglalaro kameng apat nila Shanen, ZK at Mar ng Xbox.  Si ZK naman ay umuwi sa bahay nila para magbihis.

Si Shanen Qiel Lim Ochoa o Shan sa amin ay Yaya namin ni Sab, 20 pa lang si Shan pero siya na ang nag-alaga samen ni Sab. 14 ako at 4 years old si Sab noong kinuha siyang yaya ni Mama. Alam ko 17 lang siya nun at graduate lang ng high school. Gipit na gipit daw sila noon kaya pumayag na magtrabaho sa amin. Nung una ay ayaw ko talaga sa kanya dahil magkaiba kame ng ugali. Kaya lang kelangan ko siyang pakisamahan dahil kameng tatlo lang lagi ang naiiwan sa bahay.. Pumapasok ako nun bilang Grade 9 student at si Sab Naman inaalagaan nya.

Napapikit ako ng maalala ko ung kakaibang nararamdaman ko para sa kanya. Tuwing malapit sya ay kumakabog ng malakas ung dibdib ko. At natutuwa ako pag nakikita ko siyang nakangiti at tumatawa.

"Uy.." napadilat ako nung marinig ko ung boses niya.

Lub.Dub.Lub.Dub.

Ayan na naman. Kumakabog na naman puso ko. Naupo siya sa tabi ko at kinuha ung paa ko. Tinanggal nya ung sapatos pati medyas ko.. Lagi nyang ginagawa un pag galing akong school. Pinagmasdan ko sya.. Mahabang buhok na mejo brownish, lampas balikat nya ata... Makintab un at bagsak. natatabingan nun ung mukha nya. Hinawi ko un at iti-nuck sa tenga nya. Napatingala sya sa akin.

"Thanks Ven" tapos ngumiti sya.

Lub.Dub.Lub.Dub.

__

Next Update.? Pag sinipag :)

Play the Music Vid. sa gilid. Paki-click ung Url ;)

A Man's TearsBasahin ang storyang ito ng LIBRE!