KYLIE'S POV

''Kylie.'' napatingin ako kay Sehun nung tinawag nya ko. Bwisit, ang bigat bigat ng maleta na to. Pupunta kasi kami sa Canyon Woods sa Batangas, mga one week kami dun. 

Nagulat ako nung kunin sakin ni Sehun yung maleta ko tsaka yun nilagay sa likod ng sasakyan. Nag-shrug na lang ako. Boyfriend duties? Ganun? Umakyat ulit ako sa kwarto tsaka tinignan kung may naiwan ako. 

Paglabas ko ng kwarto, nakita ko si Sammy na naiiyak. Nilapitan ko agad sya. Pinunasan nya yung luha nya tsaka ngumiti sakin. 

''Kwento ko sayo pagdating natin dun.'' sabi ni Sammy. Tumango na lang ako sa kanya. Ano kaya yung nangyari? Tungkol kay Baekhyun ba? Bumaba na kami tsaka sumakay sa sasakyan. 5:30 pa lang ng madaling araw. Tumabi sakin si Sehun. Ayoko nga sana na sya ang katabi ko kaso wala na kong magagawa. By partner ata to eh. -_- 

''Nandito na ba lahat?'' sabi ni Suho. Katabi nya si Erril na tulog na. Mas nauna matulog samin si Erril kagabi tapos hanggang ngayon mas nauna na naman syang matulog. 

''Yeah. Nandito na kami.'' sabi ni Chanyeol. Nasa harap namin sila ni Julien. 

Nag-start ng umandar yung sasakyan. Nakakahanga lang dahil ang laki nung van. Nagkasya kaming lahat. Hahaha! Bale ganito ang pwesto namin. 

Driver - Suho - Erril - Maxinne - Lay

Julien - Chanyeol - Baekhyun - Sammy

Ako - Sehun - Chen - Szarene - Kai

Andrea - Xiumin - Tao - Jam - Luhan

Dyo - Yosh - Terrence - Hana - Kris

''Off we go!'' sigaw ni Chen. Hayy. Ke aga aga, nag-iingay na naman si Chen! 

Naglagay ako ng earphones at pumwesto na para matulog kaso di ko magawang matulog. Nanigas ako sa pwesto ko! Walangyang Sehun to! Bakit nya ginagawa sakin to? Di ba nya alam na aatakihin ako sa pinaggagawa nya?

Sumandal sya sa balikat ko tapos niyakap ako, ''Baby, tulog muna ko ah? Tulog ka na din.'' bulong sakin ni Sehun. Napatango na lang ako. Kylie, huminga ka naman! Wag puro inhale!!

''Suho hyung, patugtog ka dali!'' sabi ni Chen. Pumikit na lang din ako nung nagsimula na yung tugtog sa earphones ko. 

365 days with ExoBasahin ang storyang ito ng LIBRE!