TPM 17

Gino's POV

Nagising ako sa ingay na narinig ko sa labas ng kwarto. Ang aga aga ang ingay, ganto kaya dito sa bahay nila Mia? Bumangon na ako dahil mukhang hindi na ako makakatulog, ang ingay nila may sumisigaw pa nga eh. Tinignan ko ang kabilang kama kung gising na si Cess at gising na nga nakakunot noong nakatingin sa pinto. Mukhang nasira umaga neto ah.

"Bumangon ka na dyan Cess hindi ka na makakatulog nyan sa ingay nila" sabi ko at napatingin naman sya sakin sabay nagpout. Napakamot naman ako ng pisngi, hindi ako sana makitang ganyan si Cess eh.

"Gusto ko pang matulog" inaantok na sabi nya. Mukhang nga.

"Peram ako ng cellphone mo at earphone o headset" sabi ko, yun na lang gamitin nya na makatulog pa sya at hindi marinig yung ingay sa labas.

"Bag" medyo natawa ako sa kanya halatang antok na antok na sya, nakapikit ba naman sabihin yon.

Napailing na lang ako at kinuha bag nya ang cellphone at earphone nya. Niligay ko sa music at pinlay ang kanta nya rito. Lumapit ako kay Cess at niligay sa magkabilang tenga nya ang earphone at sa tabi nya ang cellphone nya. Aalis na dapat ako ng magsalita si Cess.

"Thanks Gino" napangiti na lang ako at lumabas na ng kwarto. Bumaba ako at pinuntahan kung saan naggagaling ang ingay nila.

"Hotcake talaga!" sabi ni Kath ng pagkapasok ko ng kusina. Nagulat ako ng makita ko sila Kyle at Cyrus na may mga sugat sa mukha. Anong nangyari sa kanila?

"Bakit ganyan ang mukha nyo?" takang turo ko sa kanilang dalawa. Parang napaaway pa ang dalawang to eh si Cyrus may sugat sa labi at kanang pisngi, si Kyle naman sa labi din at sa medyo malapit sa mata.

"Wag mo ng itanong pa Hero ang mahalaga okey na sila" sabi ni Gela, mas lalo tuloy ako naguluhan. Hayaan na nga wala din naman akong alam sa nangyayari eh.

"Awww! Pancake naman wag mong diinan" sabi ni Kyle.

"Ewan ko sayo! kasalanan mo yan kaya wag kang maarte Kyle Sy" sagot naman ni Kath kay Kyle tsaka dahan dahan ginamot sugat ni Kyle.

"Hero si Cess tulog pa?" napatingin ako kay Gela habang ginagamot din ang sugat ni Cyrus.

"Oo sarap ng tulog eh"

"Buti hindi na gising yon sa ingay" sabi ni Cyrus.

"Nagising nga eh antok lang yon kaya natulog ulit" at tsaka puyat din yon kakalaro ng laptop nya kaya inaantok pa.

"Tabi" nagulat ako na may magsalita mula sa likod ko, agad ako tumabi dahil boses palang alam na, na si Mia yon.

The Probinsyano in ManilaBasahin ang storyang ito ng LIBRE!