Kabanata 1

99 4 2

Kabanata 1

Mga Insecure

Monday nanaman at makikita ko nanaman din ang matayog na mga buildings sa buong eskwelahan ko. Siyempre mas masaya ngayon kasi may kasama na ako. Bestriend ko pa. Napag-usapan din namin ni Kyla na sasamahan ko siya sa pagenroll gayong mamayang alas nwebe pa ang klase ko.

Tiningnan ko ang wall clock sa may taas ng pintuan ng kwarto ko at napagtantong medyo malilate ako kung hindi pa ako kumilos ngayon. 7:00 na ng umaga. Agad kong ni-text si Kyla.

Ako :

You ready now, Ky?

Ni-click ko ang sent. Ilang minuto ang lumipas at nagreply din siya. Napairap ako sa kanyang text. 7:08 nung nagreply siya.

Kyla :

Ang aga hah. Will take a bath now. I‘ll text you pag natapos na ako.

Ako :

Alright.

Bumangon ako at naghilamos ng mukha. Bumababa na rin ako sa may kusina at walang lakas na kinuha ang cereals sa may tray. Kinuha ko ang fresh milk at walang lakas ding itinapon ng bahagya ang kaunti nito sa bowl na pinaglagyan ko ng cereals.

Kumakain ako ng biglang sumigaw si Mama.

“Eleanor! What’s taking you so long?!” Anong linya yan, ma? Umagang umaga. Naku!

“What is it, Ma?” Sigaw ko rin.

“Your kuya’s here! Akala ko ba siya ang maghahatid sayo?” Shit! Nakalimutan ko!

Pupunta na sana ako ng sala ng biglang sumulpot si Kuya Zach.

Inirapan ko siya. “Hey, Kuya Zach.”

“Hey, baby, akala ko ba ako maghahatid sayo?” Sabi niya.

“I texted you last night, 8:45. Kasabay ko si Kyla. Masyado kang maaga.” Sagot ko sa tanong niya.

“Masama bang magbreakfast dito?” Nakangisi niyang sabi.

“Tss.” I hissed. “Kamusta pala si Ate Yvette? Is she doing well?” Pago-open ko ng bagong topic.

“She’s fine. Malapit na ang labor niya.” Oo nga pala. Kasal na ang kuya ko. They are 3 years married now. At mukhang magkaka-anak na. Malamang. Malapit na labor, diba? Isip isip din pag may time Eleanor!

“Yie. I’m so excited, kuya. Magkakapamangkin na ako.”

Ngumiti si Kuya Zach sakin ngunit mapupungay ang kanyang mga  mata. What’s his problem now?

Ipinagkibit-balikat ko nalang ito at itinuon ang sarili sa pagakyat ng hagdan patungo sa kwarto ko. Iniwan ko na rin si Mama dun, talak ng talak e. Si Papa di pa ata gising.

Balang ArawBasahin ang storyang ito ng LIBRE!