Chapter 2

43 7 0

“Don't you remember me?” At first I thought I saw pain in his eyes. Pero namalikmata lang yata ako. That question bothered me a lot. Bakit ganon na lang sya kung umasta? Ano ba talaga sya sa buhay ko? Pinsan lang ba talaga? At bakit ba ako nage-expect na meron pang iba?

“Hi sweetheart, alam mo naman siguro na date natin to ngayon diba?” Mom asked and chortled like a kid. Tumango lang ako. Sabi ni mom, pupunta daw kami sa company for a walking tour and then drop by to the nearest mall to shop some things and clothes. Hindi naman ako makahindi dahil mapilit talaga siya.

Ilang beses ko na ring pinilit si mom at dad na sabihin sa akin ang totoong nangyari sa akin, but they just refused and told me that it may cause me stress. Kaya tinigilan ko na lang ang katatanong. Malaki yung company nila mom. At yung surname ko ay surname din pala ng pinsan kong si Carl. It's so odd to think na wala kahit isang kamag-anak na maipakilala sakin sila mom, not that I mind, pero masyado lang kasing surreal. Parang may malaking question mark pa rin na bumabagabag sa akin.

Isa rin sa mga napansin ko ay lahat ng empleyado madalas ay tinititigan ako, yung para bang nakakita sila ng multo. Mababait naman sila. Yung iba nakausap ko at sinasabi pa sa akin na napakabait ko daw noon pero parang ingat na ingat silang magbitiw ng salita. Meron silang alam na hindi ko alam, ganon ang napansin ko. Malamang may kalimot disease ako.

Matapos ang tour pumunta agad kami sa isang mall na malapit lang din doon. Mahigit isang dosena ang pinamili namin. Isa pa sa ipinagtataka ko ay wala akong gamit sa bahay namin. Mangilan-ngilang damit lang pero halatang bago pa. Hindi naman sa paranoid ako pero parang may tinatago sila mom at dad.

“Vixi!” Someone called from behind. Nasa isang boutique kami ng sapatos. Napalingon din si mom sa tumawag sa akin. I saw something in mom's eyes, but I can't define it. Somewhat fear or nervousness or I don't really know.

“Hija, lipat tayo sa kabila.” Nagmamadali akong hinatak ni mom. Weird.

“V-vixi! Teka s-sandali! Tawag nong babae, may binibili kasi sya kaya di nya kami agad nalapitan.

“Mom sino po yon?” Tanong ko.

“Sino?” Takang tanong nya.

“Yung babae po na tinatawag ako bago po tayo lumipat ng ibang shoe boutique. ” Napaisip si mom. Mukhang inaalala nya pa.

“Baka na misheard mo lang Verdandi. Wala kasi akong maalala na may tumawag sayo.” Napatango na lang ako. Baka nga?

--

tin's note: Hi!!!!!

What Mind Forgets, the Heart Remembers [ ON HOLD ]Basahin ang storyang ito ng LIBRE!