For every story tagged #WattPride this month, Wattpad will donate $1 to the ILGA
Pen Your Pride

CHAPTER 7 :)

34 2 0

"HAPPINESS makes you sweet, TRIAL makes you strong, SORROW makes you human, FAILURES keeps you humble, SUCCESS makes you eager and JESUS makes you a winner."

~Prince c:

--------------------

KENNETH's POV

Hinatid ko si Juniel sa opisina nito. Di na niya ako tiningnan pa ng makapasok siya dun. Napangiti na lang ako sa kawalan. Pumunta ako sa opisina ko at dun ko na lang inabala ang sarili ko sa pag-iisip ka kanya.

After all those years of being apart - lalo ko lang napatunayan sa sarili ko na mahal ko na talaga si Juniel at hindi lang CRUSH ang nararamdaman ko sa kanya. 

And marami na talaga akong di alam sa kanya. Ang tahimik at iyakin na babaeng nakilala ko dati ay ibang-iba na sa babaeng nakakausap ko ngayon. Di ko akalaing drag racer siya. Wow!! Astig - bihira ang babaeng racer at si Juniel pa ang isa dun. Nakakatuwa naman.

Juniel was the finest girl that I've ever known but now she's the coolest and wonderful lady that I've ever known. Oh! How much I love this lady.

//

(RJ Notes: Sorry po at masyadong maikli ang POV lagi ni Kenneth. Ang hirap kasing gumawa ng POV niya. Kaya puro kay Juniel na lang - try ko next time habaan ang POV niya. Oh! para po di niyo ko i-hate. Ito po ang picture ni Kenneth ----->

<a><img/></a>)

JUNIEL's POV

Pagkatapos ng trabaho ko ay dumiretso ako sa memorial park para pumunta sa puntod ni Daddy. Dito kasi ako dinala ng mga paa ko - wala kasi akong mapagsabihan ng nararamdaman ko. Kasi pag sinabi ko ito sa mga kaibigan ko siguradong pagtatawanan lang ako nung mga yon. Alam niyo na LOKA-LOKA nga diba??

"Ahhhhh..." naihilamos ko yong kamay ko sa mukha ko dahil sa inis ko sa sarili ko na parang ewan basta ganun na nga.

"I'm stupid, stupid, stupid. Bakit ganun Daddy? Bakit pag nakikita ko siya feeling ko di kami bagay kahit na maging magkaibigan lang. Kasi siya coke in can ako yong tigsi-six pesos lang na coke sakto. I tried to do what you told me, "the believing-in-yourself-thingy". But I swear Daddy, I tried but sometimes, I succeed but a lot of times, I fail." Dahil sa awa ko sa sarili ko naibato ko na lang yong hawak-hawak kong bato dun sa kabilang nitso. Sorry po sa matatamaan, nadala lang ng sama at awa sa sarili.

Dahil sa gabi na umalis na ako kasi baka mapagalitan pa ako ni Mommy pag di ako umuwi ng maaga ngayon, kasi may bisita daw siya ngayon sa bahay. Pakialam ko naman kung may bisita sila dun ni Andy ngayon as if naman na sasabay ako sa kanilang kumain ng dinner o mas magandang sabihin eh, gusto ba talaga akong kasabay nila Mommy at Andy sa dinner?

//

Pagpasok ko ng bahay ay si Mommy kaagad ang nakita ko at katulad ng dati napagalitan ako. Napahinto ako sa pagpanhik sa hagdan ng sitahin ako ni Mommy.

"SAAN KA NAMAN GALING, JUNIEL?" Galit na tanong sa akin ni Mommy. Sasagot na sana ako kaso napatingin ako sa likuran niya dahil andun si Andy kasama si Kenneth at si Ninang.

^_^ -- Andy

O_O -- Ako

"May p-pinuntahan lang po ako Mommy." Nakatungong sagot ko kay Mommy.

"Bakit di ka na lang sumabay mag-dinner sa amin hija." Sabi naman sa akin ni Ninang at hinigit pa ako nito sa dinning room namin at pinatabi ako kay Kenneth nakita kong nakatingin lang sa akin si Kenneth kaya syempre ang tendency nun sa akin ay aakyat na naman ang lahat ng dugo ko sa ulo at magiging autistic na naman ako.

"Haaay, naku Carmina di ko na alam kung anong gagawin ko dyan kay Juniel. Aalis ng maaga dito sa bahay at dadating dito gabi o kaya ay madaling araw. Pag hindi sugat ay galos ang meron dyan. Ewan ko ba kung anong trabaho niyang inaanak mo."

?_? -- Ako

Alam ni Mommy na madaling araw o kaya ay gabi na ako umuuwi? Wow, kaya pala kung pagalitan na lang ako nito kinabukasan pag nagigising ako. At alam din ni Mommy na umaalis ako ng maagap sa bahay. Infairness kahit pala papaano eh, may sense ako sa nanay ko. At kahit pala papaano eh, anak din ang turing nito sa akin.

"Katulad ngayon.." Pagpapatuloy nito sa sasabihin niya.

"Panay ang alis ng bahay, pero di ko alam kung saan pumupunta. Swerte na lang kung makakasabay mo yan sa pagkain." Nagsimula na lang akong kumain at ng makaalis na ako ngayon dito, dahil siguradong hanggang andito ako eh, ako ang gustong topic ni Mommy. Binilisan ko na ang pagkain ko pero inirapan lang ako ni Andy dahil sa manners na ipinakikita ko. Paki ko ba.

"Wala ka bang ipapakilalang girlfriend hijo sa Mama mo?" Biglang tanong naman ni Mommy kay Kenneth na katabi ko. I heaved a sigh of relief ng matapos na ang panenermon ni Mommy sa akin.

"Wala pa, Tita" sagot naman ni Kenneth.

"But what about Brinette? Sabi ni Tita Carmina, madalas mo raw kasama si Brinette nung nasa States ka pa. Isn't she your girlfriend?" Tanong naman ni Andy kay Kenneth pero sa akin siya nakatingin. Alam kong sinadyang itanong ni Andy yon kay Kenneth.

"She's not my girlfriend, Andy." -- Kenneth

"She's not your girlfriend? Or not anymore?" Pangungulit na tanong ni Andy kay Kenneth.

"Not anymore.." sagot naman ni Kenneth.

Dahil sa tapos na rin naman akong kumain, nagpaalam na ako sa kanila at umakyat na ako sa kwarto ko. May tinanong pa kasi si Andy kay Kenneth kaya di ko na hinintay pa ang sagot ni Kenneth kaya umalis na ako.

Pagdating ko sa kwarto ko ay nagpalit lang ako ng damit at kinuha ko yong laptop ko at bumaba ulit ako pero di na ako bumalik sa dinning room. Pumunta ako sa garden at dun ako humiga habang tinitingnan ko yong mga stars sa langit.

Me and Andy had never been close ever. Kahit na nung mga bata pa kami - di kami nag-uusap, nagkaka-usap lang kami pag inaasar niya ako o kaya ay magbabalita siya ng kung anu-ano tungkol kay Kenneth para inisin ako.

"This is life .. " mahinang sigaw ko na tanging ako lang ang makakarinig dahil pag narinig na naman ito ni Mommy siguradong di na naman ako nun titigilan. Habang pinagsasawa ko ang sarili ko sa mga stars biglang tumunog yong phone ko. Sinagot ko ito without looking kung sino ang tumatawag.

"Hello??" Sagot ko sa tumatawag sa akin.

(Hello, is this Ms.Juniel Fernandez?)

"Yes speaking, who's this?"

(Thanks God at ikaw ang nakasagot ng phone mo ngayon. Ako yong nagsabi sa iyo na gusto kung makuha kang recording artist.) Napaupo naman ako dahil sa sinabi nung kausap ko.

"Ah, eh .. I made a decision na po. Sorry po pero ayaw ko po eh. Thank you na lang po."

(Ah, okay I respect your decision. Bye! Pero kung magbabago ang decision mo tawagan mo lang ako.) At pinatay na niya yong phone. Humiga ulit ako sa bermuda grass at kumanta na nga lang ako. Maganda ba talaga ang boses ko?

"Will it just takes a star to get up so high. One touch of blue, to paint up the sky and it only takes a master of art to paint a mother and child ..  " My voiced trailed off. Nalimutan ko na naman ang susunod na lyrics. Ganito ba ang kukunin nilang recording artist?Tskk..  parang nakaka-insultu sila sa feelings ko. Inatake na naman ako ng memory gap ko.

Dahil nga sa hindi ko na alam ang susunod na lyrics inulit-ulit ko na lang yong kanta. Ginawa kong rock, RNB basta kung anu-ano. Parang tanga lang ako eh, naghe-head bang pa nga ako eh. Okay lang naman wala naman sa aking nakakakita sa mga ginagawa kong kabaliwan.

"Bravo! Palakpakan, promise ko sa iyo pwede ka ng ipasok sa mental hospital dahil sa mga ginagawa mo."

Napabangon ako dahil sa may nagsalita sa likuran ko. And here he comes, standing a few feet away from me - at ang masama siguro nakita niya lahat-lahat ng ginawa kong katangahan. Heto na naman po siya.

You + Me = LOVEBasahin ang storyang ito ng LIBRE!