CHAPTER 6 :)

28 4 0

"Ang LOVE parang ALLOCATIVE EFFICIENCY lang yan kung san ang factors of production are limited and if something is produced something else you must to sacrificed. Tulad sa love hindi pwedeng lahat ibigay mo, there are limitations. At kapag nagmahal ka dapat marunong kang magsacrifice. Kung di talaga para sa iyo try to think and find the right goods and services.

~Bea c:

--------------------

JUNIEL's POV

Pagdating ng lunch break nagkagulo sa loob ng office namin. Di na ako ng abalang tingnan o silipin pa kung anong meron at kung anong pinagkakaguluhan nila. I'm too busy doing my job. Pero sobrang ingay nila lalo na yong LOKA-LOKA SISTER, silang dalawa ang nangingibabaw ang boses. Naglagay na lang ako ng headphone at naka-MAX ang volume para di ko sila marinig.

*type ..

*type ..

*type ..

Habang nagta-type ako feeling ko may nanunuod sa akin sa likuran ko. Since nakatalikod ako so, di ko pa sure kung may tao nga o wala. Dahil sa tinatamad nga akong lumingon di ko na inabala ang sarili kong tingnan kong sino o ano yong nasa likod ko.

*poke ..

*poke ..

>_> --tingin sa likod in a very, very, very slow motion

OoO -- Ako ulit

"Hi!!" --siya

"K-kailan ka pa andyan huh?" Tanong ko kay Kenneth sabay humigit siya ng upuan at tumabi sa akin.

"Kanina pa."

"Ahhh.. ganun ba!!" Sabay binalik ko na lang ulit yong tingin ko sa monitor ng computer ko. Pero wala pang 3 seconds na nakatingin ako dito ng mapatingin naman ako sa mga kaibigan ko na nakangiti sa akin at iniwan na ako sa loob ng opisina. Wala na ang atensyon ko sa ginagawa ko dahil kay Kenneth - naco-concious kasi ako sa mga tingin niya sa akin.

"So, ano yang pinagkakaabalahan mo ngayon?" Basag ni Kenneth sa katahimikan sa pagitan naming dalawa. Eh, diba obvious ang ginagawa ko?? Malamang nagbabasa ng mga LOVE STORY ng mga writers niya dito sa company. Utak men - utak. Pero syempre di ko yan pwedeng sabihin kahit naman papaano eh, may pag-galang pa naman ako sa bossing ko at si Kenneth yon.

"Editing .. " 

"Good. But di ka ba nakakaramdam ng gutom??" Tanong naman nito sa akin.

"Nope..." pagkasabing-pagkasabi ko ng sagot ko ay biglang nagtaksil sa akin ang tyan ko na nagsasabi ng totong kalagayan niya.

~GGRRUUUUUUU ..

"I guess your stomach did not like your answer." Naka-grin na sabi sa akin ni Kenneth. Yong totoo, gutom na talaga ako kasi di naman ako kumain ng almusal kaninang umaga dahil sa maaga nga ang pasok ko. At swear to GOD kanina pa nag-vo-volunteer yong tyan kong kumain na kami, kung pwede nga lang na umalis yong tyan ko sa katawan ko siguro nauna na ito sa canteen kanina pa.

"Tara kain tayo. Libre ko - may kasalanan ka pa sa akin."

"Huh? Eh, ano .. " Wala na akong nagawa ng higitin na ako ni Kenneth palabas ng opisina namin. Hawak-hawak niya ako sa kamay (yong parang magkaholding hands) hanggang sa makapasok kami sa elevator.

Marami kaming nakakasabay na nasa ibang department at lahat sila ay napapatingin sa kamay naming magkahawak especially sa akin. Hihigitin ko na sana yong kamay ko pero lalo lang niyang hinigpitan yong hawak sa kamay ko.

Yong ibang kasabay namin ay mga kakilala ko at yong iba naman ay hindi. O baka naman kilala ko kasi nginingitian nila ako kanina nung pumasok kami sa elevator o baka naman hindi ako - at si Kenneth ang nginingitian nila kasi gwapo yong kasama ko at diba remember siya yong CEO nitong company na pinagta-trabahuhan ko.

You + Me = LOVEBasahin ang storyang ito ng LIBRE!