Chapter 8

27 1 0

Chapter 8

Finally, he found where he belongs. Somewhere away from me.

Di na siya lumapit pa sa akiin after nung katangahang ginawa niya kahapon. Which was a good thing. Baka mas lalo ko lang kasi siyang masaktan kasi lalayuan ko na naman siya o baka may masabi na naman akong masama sa kaniya.

I want him to be gone. Or to at least stay away from me. I hurt him because I have to, because that's the only way to deter him from me. Pero ayoko siyang saktan. I've felt pain and I know how hard and grave it was. But he was asking for it anyway, kaya binigay ko na lang.

But still, I'm not a heartless prick. Nasasaktan pa rin ako kapag nakikita ko siyang malungkot. He was a dear friend to me. We went through a lot of things and experiences, happy or sad. Before. But because of love, well, and bitterness, our friendship fell apart.

But the blame is still on me. Ba't daw di ko na lang patawarin kung nasasayangan lang rin naman pala ako sa friendship namin. Ba't di ko na lang daw patawarin para tapos na.

But if I forgive him, that's the same as giving him another chance. He might think that I can bend just because I see him in pain and I pity him. And maybe in the future, he'll use that trick just to control me with what he wants. Kaya ayoko. He hurt me once, I won't let it happen twice.

Iniiwasan ko na lang tong mga kasama namin na namimilit because they really don't understand. Most of them are caught in a too-good-to-be-true love story. Unlike mine, they're all happy with their relationships. Especially Jas. Kaya di talaga nila maintindihan kung gano kasakit at kahirap at kagulo yung relasyon namin ni Pierre. Because prior to their standards, what happened to us can still be fixed. But prior to mine, what happened to us is something unworthy of being fixed.

Pain is a major deterrent of loving someone again.

"Mga hijo't hija," biglang sambit ni Lola Martha habang kumakain kami ng almusal. “Pupunta kami sa bayan ngayon para mamili. Gusto niyo bang sumama?”

Nakita kong nagsilakihan yung mga mata nila Radha, Mj at Ria. Pati ni Juin na tumingin pa kay Darwin na busy naman sa pagtingin kay Jas. Ugh. Alam ko na kung anong plano nitong mga taong to. Ilang taon ko rin silang nakasama kaya alam na alam ko na kung anong balak nilang gawin kapag pumupunta sa “bayan”.

Lahat kami nagsitinginan kay Jas kasi siya naman ang magdedesisyon bilang leader naming lahat. Tumigil lang siya sa pagkain at kalmadong tumingin kay Lola Martha. Maintain na maintain yung posture niya. She doesn’t stutter or even shiver. Her composure is… so composed. It’s like she’s a pricess of some far-away kingdom who got lost here in the Philippines.

“Mag-uusap lang po muna kami Lola,” nakangiti niyang sabi. “Anong oras po ba kayo aalis?”

“Mamayang hapon pa naman, hija.”

“Ipapaabot ko na lang po sa inyo mamaya yung mensahe bago magtanghalian.”

Ngumiti lang si Lola Martha at bumalik na sa pagkain. Sumilip siya sa akin ng saglit at ngumisi. I wonder what she means.

Nagpaiwan ako pagkatapos naming kumain ng almusal. Nagsabi ako na ako na lang ang tutulong kay Lola Martha na magligpit ng pinggan. Pero ang totoo, kakausapin ko lang naman talaga siya.

“Nasubukan mo na ba?” pangunguna sa akin ni Lola Martha.

Bumuntong hininga ako. “Itatanong ko pa nga lang po sana sa inyo kung pano yun gagamitin eh,” sambit ko habang nilalapag sa lababo yung mga plato.

“Pano ka ba gumamit ng lipstick?” kalmado niyang tanong habang sinasabunan yung mga pinggan.

“Pinapahid po sa labi?” sagot ko. Inabot ko yung may sabon na pinggan at hinugasan gamit yung tubig sa gripo. Sakto, dumating si Raven. Nagngitian lang kami at kinuha niya na sa akin yung plato para punasan ng tuyong basahan. Maya-maya, dali-daling pumasok si Alden at kinuha yung plato galing kay Raven at nilagay sa lagayan ng pinggan. Napansin kong nakabusangol na pumasok si Marvin at walang ganang umupo sa mesa at kumuha na lang ng pulang mansanas.

Ang weird. Parang alam nila na dapat may gawin sila. Parang may koneksyon silang tatlo kay Lola Martha.

Lumunok na lang ako at di na lang sila pinansin. May ibang oras naman siguro para itanong kay Lola Martha yung mga bagay na gusto kong malaman.

Tumango-tango si Lola. “Pero dahil hindi naman yan ordinaryong lipstick”—inabot niya sa akin yung sumunod na pinggan—“hindi mo iyan ipapahid sa labi mo. Kundi sa labi ng taong gusto mong lipatan.”

Napakunot ako ng noo.

“Once she wore that lipstick, your soul will automatically transfer to her body. And her soul will go to your body, then.” Napansin kong ngumisi siya kahit na nakatagilid yung ulo niya. “You’ll undergo a soul transfer with that lipstick.”

“M-Masakit po ba yun?” tanong ko agad-agad.

Naalala ko kasi yung sa Karmic Hearts. Yung umaakyat na sakit hanggang mabinggi si Mina kapag nililipat nina Cupid at Psyche yung kapangyarihan nila sa kaniya. Natatakot ako kasi baka ganyan din yung pagdaanan ko at baka dumilat ako tapos maging kalahating tao na lang ako kasi yung kalahati ko ay stuck na sa ibang dimension.

“Hindi, hija,” malumanay niyang sagot. “Parang isang iglap lang, basta napahid na yung lipstick sa buong labi ni Jas, magiging ikaw na siya.”

Tuamngo-tango ako. “Kailangan ko rin po bang isuot yung lipstick na yun?”

“Hindi na, hija,” sagot niya. Inabot niya na sa akin yung huling pinggan at humarap na sa akin. “Dahil nga nakakonekta na sa’yo yung lipstick, automatic na na sa’yo eepekto yung magic ng lipstick.”

Hinawakan niya yung braso ko pagkatapos kong mahugasan yung huling plato. “You have to use that lipstick efficiently. Magic doesn’t work forever. It also ran out.”

“Hanggang kailan po?”

“When happiness is already attained.”

Pumunta na ako sa kubo namin pagkatapos naming maghugas. In some weird way, nakapila talagang lumabas sila Raven sa kubo nila Lola Martha habang nakasunod sa matanda.

Pagkapasok ko sa kwarto, busy na ang lahat sa paghahanda. Mukhang pumayag na yata si Jas na sumama kami sa bayan. Nagpapaganda na sila Radha, Thea, Mj at Ria. Hinatak na nga rin nila si Pia at Chrystel na ayaw na ayaw na ayaw maglagay ng make up sa mga mukha.

Saktong kakapasok lang ni Jas kaya tinanong ko na lang siya sa plano, kahit alam ko na naman talaga kung ano yun.

“Sasama na ba tayo sa bayan?”

Tumango-tango siya. “Huling hirit na natin to bago tayo magseryoso sa case study na kailangan nating gawin.”

Tumango-tango lang rin ako bilang sagot sa kaniya at tumingin kanila Thea na nag-aayos ngayon. Pagkapasok ko ng kamay sa bulsa ko, nakapa ko yung lipstick. At biglang may plano na pumitik sa utak ko. Nice.

“Tara, Jas!” Hinigit ko siya sa braso. “Makigulo tayo sa kanila!” masayang-masaya kong aya kaniya.

Napakunot siya ng noo kaya medyo kumalma ako ng kaunti kais mukhang nawirduhan siya sa inasta ko.

“Pero di pa ako naliligo,” natatawa niyang sagot.

Napakamot ako ng ulo. Oo nga pala. Kahit ako, di pa rin pala ako naliligo.

Gamitin kasi ng maayos ang utak, Lorena.

“Pagkatapos na lang nating maligo,” nakangiti niyang sabi.

“Okay.” Ngumiti ako sa kaniya pabalik at sinundan siya ng tingin habang lumalapit siya kay Darwin.

Maya-maya rin, magiging ako na ikaw, Jas.

Days as Jas [CURRENTLY REVISING]Basahin ang storyang ito ng LIBRE!