Chapter 3

120 7 11

Chapter 3

Hindi ako makatulog kinagabihan. Paano kung malaman ng nanay ko na kick-out na ulit ang inabot ko sa pinagtransfer-an kong school? Nakailang beses na kick-out at drop-out na rin kasi ako. Puro OUT. Nang dahil kasi sa mga pesteng lalaking 'yan aba. Oo, tama kayo ng hinala. Napaalis na ako sa iba't-ibang schools dahil sa pagbubugbog sa mga lalaki. Hindi ako takot na labanan sila kasi pinag-aral naman ako dati ni mama magself-defense -- na pinagsisisihan niya na raw ngayon. Paniguradong may hanger na hahabol sakin bukas. Ang saya lang.

"Oh Salem. Bakit hindi ka pa pumapasok? Aba't tanghali na! Huwag tatamadtamad, ikaw bata ka!" nagsimula na naman ang pagbubunganga ng nanay ko sa harapan ko.

Nagkunwari akong painat-inat sa kama, "Ma naman. Ang sama pa ng pakiramdam ko. Please. Feeling ko lalagnatin ako ng sobra. I'm not so feeling well."

Umenglish pa ako para MEDYO mukhang realistic. Sana paniwalaan ni Ma. Natatakot akong pumasok ngayon. Kinakabahan ako. Ayokong mabisto at makick-out. Bigti muna ako, ha?

"I'm not feeling well." ginaya ni mama ang pagkakasabi ko pero may exaggerated at OA. "Aysus bata ka. Akala mo madadaan mo ako sa pag-iinarte mo! Alam ko kung ano ang may sakit sa wala. Langyang bata ka! Magdadrama ka pa! Aba't kumain ka ng monay na nandoon sa mesa at PUMASOK KA NA!"

Dali-dali akong magprepare para sa pagpasok at pumila sa pilahan ng tricycle. Muntik na rin kasi akong habulin ng walis ting-ting sa bahay. Ang bahay kasi namin punong-puno ng fantasy. May mga hanger na nanghahabol, pencil case na lumilipad, walis tingting na nanunuligsa at kung ano-ano pa. Nakakatrauma na talaga.

"Hey miss. Ilabyu." bati sa akin ng isang tambay roon na nakamaluwag na t-shirt, baggy shorts at tsinelas.

Inirapan ko siya, "Ilabyu mo mukha mo! Loko ka hah!"

Tumabi sa sa akin habang nakatayo ako at talsik laway na nagsalita, "Kashi nemen miss. Para kang air dat ay brit, ay kent lib widawt u!"

(Translation: Kasi naman miss. Para kang air that I breathe, I can't live without you.)

"Pwede ba? Bago mo ako banatan ng pick-up, magtoothbrush ka muna?"

Iniwan ko ang tambay na nakanganga at sumakay na sa jeep. Buti na lang bumaba na ang magjowa sa gilid ko kaya may extra space. Hindi na ako magigitgit ng matabang baboy sa tabi ko. Pagkababa ko sa jeep, parang may napansin akong kakaiba. Mukhang tensyonado ang guard na dinaanan ko sa entrance.

"Bakit kaya mukhang kabado si manong? Hindi ko naman siya sisipain below the belt ah?" bulong ko sa sarili.

Walang mga estudyante at teachers na gumagala-gala sa hallway, lobby at corridors. Dumaan ako sa bawat classroom papunta sa classroom ko. Ang tahi-tahimik. Naisipan kong magtago sa likod ng isang locker at silipin ang classroom ng grade 7 o first year.

"WHAT? Walang aamin kung sino ang babaeng nanipa sa reproductive organ ng pamangkin ko, hah? UMAMIN NA KAYO!"

"Tita, I think she's not here. Namumukhaan ko siya and based on what I see, wala 'yung sadistang babae rito."

Nasaksihan ko ang pagsigaw ng principal sa mga kaawa-awang bata. Kasama niya ang pamangkin niya nasipa ko sa err -- basta kahapon. Ganito ba talaga sila kadesperadong mahanap ako? At hindi lang 'yun ha, may kasama pa sila na tatlong men in black in case manlaban siguro ang nanipa. Lipbite. Habang nakatago ako, napapanuod ko ang pag-isa-isa nila sa mga classroom. Buti na lang pala at late na ako. Salamat sa matalinong utak ko.

Agad akong tumakbo sa restroom o CR. Kinakabahan ako na parang maiihi at matatae at the same time. Nagkulong ako sa isang cubicle at umupo sa sahig. Kakaiba ang mga banyo rito. May butas sa may paanan ng pintuan ng cubicle at may mamahaling air freshener pa. Palagi ring naglilinis ang janitor na naka-assign dito kaya hindi madumi.

Bakit ba napakalupit sakin ng mundo? Papaano na lang kung makick-out ako? Anong school na naman kaya ang pakikiusapan ni mama? Sinampal-sampal ko ang sarili ko at nag-walling pa sa loob ng cubicle. After thirty minutes, napagdesisyunan ko na rin na umupo sa sahig pagkatapos ng mahaba-haba at madamdaming pag-eemote. Pero teka, hindi naman ako ang may kasalanan! 'Yung mga lokong lalaki kasi ang sarap bugbugin! I really really hate them! Dahil sa kanila, nandito ako sa malinis na kulay blue na CR!

"Wait, kulay blue?" buffering ang utak ko. Nagpalinga-linga ako sa loob ng cubicle. Ang tiles nito, may manly designs. Ang ceiling, kulay white unlike sa usual na banyo na pinupuntahan ko na may girly designs. So ibig sabihin ... "ANAK NG TOKWA! NASA BOY'S CR AKO?"

Malas. Bakit ba tadtad ng kamalasan ang buhay ko? Wala naman akong balat sa pwet o kung ano man? Yumuko ako at nagplanong matulog na lang. Wala na rin naman akong magagawa. Kahit anong pambubugbog ko sa sarili ko, walang epekto. Sisigaw lang din naman ako ng 'ARAY'.

*BOGSH!* Narinig kong bumukas ang main door. Naku po. May paparating. Tinakpan ko ang bibig ko dahil baka makagawa na naman ako ng kung ano mang kabaliwan. Pasensya na, bestfriends kami ng malas. Ayos ba? Kalaunan ay narinig ko ang faucet na nagbukas at tubig na umaagos. Siguro ay naghuhugas sila ng kamay.

"Clyde, you sure na wala talaga sa mga classroom na pinasukan natin 'yung babae nanira ng itlog mo?"

"Yeah. That girl should really hide right now. I'll make sure na kick-out ang abot niya. Pasalamat na lang siya at hindi ko natingnan ang ID niya kahapon nung nagcutting siya."

Tumawa ang isang lalaki, "Ang babaw mo pre. Dapat hinayaan mo na lang. Malay mo, chicks pala. At least, na-touch ng paa niya ang treasure mo. Worth it ang pain. No pain, no gain."

"Baliw ka, Clarence. Ang bakla mo pre. Don't be too conceited."

"Anong bakla ka diyan? Ang pogi ko kaya. Full body package kaya ako. Ang gwapo na nga ng mukha, sexy pa ang katawan! May abs 'to pre!"

Malapit na ako masuka sa kinaroroonan ko sa sobrang kayabangan ng lalaki. Ang lakas ng hangin niya. Ang baho naman. Umirap ako kahit wala naman nakakakita.

"So let's go back to the ugly girl who kicked my treasure."

Panigurado ako na ang dalawang lalaki na nag-uusap ay sina Clyde at ang kaibigan niyang mahangin. Medyo kinakabahan ako na mahuli o ano. Who knows? Baka may CCTV itong banyo pero nakakadiri naman kapag ganun. I mean, sinong titingin? 'Yung guards? Ang manyak naman nun. Tsaka as if may matinding krimen na mangyayari sa banyo o sa loob ng cubicle.

"Yeah. Masyadong ano naman -- Wait bro, parang may tela sa sahig dun sa cubicle. Ano 'yan, may naligaw na palda? Sinong nagladlad?"

"Let's see. Bago lang tayo dito. We shouldn't expect that all the guys here are for REAL." sabi nung englisherong lalaki at tumawa silang dalawa.

Automatic na tumingin ako sa palda ko. BADTRIP. Nakalimutan ko na may butas pala ang pinto sa baba kaya kita ang nakaladlad kong palda habang nakaupo ako. Tumayo ako at itinaas ko ang palda. Patay. Mukhang ang pagtatago ko sa CR ang nagbigay pa ng mas lalong kapahamakan sa akin. Lipbite.

May kumalabog sa pinto ng cubicle na pinagtataguan ko. Tingin ko kinakatok nila ako. I'm so dead na talaga. Nagulat ako nung nahatak bigla ang kahoy na pinto. Wasak. Winasak nila. Umupo ako sa sahig at tinakpan ang mukha ko. Sana hindi nila marecognize ang mukha ko. Sana, sana ...

"Tss. Pare, babae pala? Hi Ate." sabi ng isang lalaki.

"Wait." sagot pa nung isa. "Pamilyar ang buhok at figure niya sa akin ... You're the one who kicked my precious treasure."

Tumawa ako ng peke sabay peace sign, "Hehehe?"

OnceBasahin ang storyang ito ng LIBRE!