KOURTNEY'S POV

"Ano ba nasasaktan ako! Let go of me!" sigaw ng napaka arteng babaeng to. Hindi ko sya kinikibo. Marahas ko syang kinaladkad palabas ng Mall at papasok sa loob ng sasakyan ko.

Napaka arte.

Isang linggo na mula ng nagsayang ako ng luha dahil sa pesteng babaeng to at ngayon gusto ko malaman kung ano bang meron sakanya na wala sakin!

Halos isang linggo ko na rin silang sinusundan. Bakit bumaliktad ata ang sitwasyon. Ang saya saya nila. Kita ko ang bawat ngiti sa labi nila.

Kung noon masaya na kami kami lang. Ngayon masayang masaya na sila sila nalang. At dahil yun sa babaeng ito. Naiyukom ko ang kuko ko sa aking palad.

Nakakainis.

"Ano ba bakit mo ba ako kinaladkad. I don't even know you. Bigla bigla ka nalang manghahatak. Can't you see baka hinahanap nako ng mga Kuya ko--"

"--walang hahanap sayo! Kaya pwede ba itikom mo yang bibig mo kung ayaw mong takpan ko yan ng tape! Nakakairita ka!"

Sigaw ko sakanya.

"I HATE YOU!" sigaw nya pabalik.

Sinamaan ko sya ng tingin. Punong puno nako sa babaeng to. Kung pilya ako mas pilya sya. Spoiled Brat kung baga.

Hindi ko alam kung anong nagustuhan sakanya ni Kid at pati narin si Jin! Di hamak na mas lamang ako sakanya! Pinaandar ko ng mabilis ang sasakyan ko.

Kita ko ang pamumutla nya. "H-hey p-please ibalik mo nako sa kuya ko. I-i don't feel good. J-just p-please.." ani ni Alexa.

"Ibabalik kita pero mag uusap muna tayo. Kaya manahimik ka dyan."

Damn Kourtney! Ano ba tong ginagawa mo. Sabi ko sa sarili ko. I let myself drive, hanggang mapunta kami sa highway.

Tinigil ko ito agad malapit sa may tulay.

"I hate you. I really hate you!" sigaw ko sakanya. Naihampas ko ng malakas ang palad ko sa manubela. Ramdam ko ang malamig na parte nito kasabay ng mabilis na pagmanhid ng palad ko.

Pilitin ko mang pakalmahin ang sarili ko pero hindi ko kaya.

"W-what?" Ani nya.

"Awa! Awa lang nararamdaman nila sayo! Anong akala mo mahal ka ni Jin?! Na gusto ka pa nila makasama gayong patay ka na noon?! Nagpapatawa ka ata. May gusto sakin si Jin.  kahit kailan hindi ka nya magugustuhan. Lalong akin lang si Kid. Dahil hinding hindi ko sya ibibigay sayo!"

Binuhos ko ang lahat ng galit ko sakanya. Isang malutong na sampal sa kaliwang pisngi ang binigay ko sakanya.

*PAK

Ang sakit. Ang sakit sakit. Sa buong buhay ko ngayon lang ako nainggit.

Oo. Inggit na inggit ako sakanya. Dahil madaming nagmamahal sakanya. Samantalang ako... wala.

"Hindi totoo yan! S-sabi ni Jin gusto nya ako. Alam ko yun. A-at gusto ko rin sya! At lalong hindi ka nararapat para kay Kid. Dahil hindi sa tulad mo lang sya dapat mapunta. Sa tulad mong makasarili!"

Napatulala ako sa sinabi nya. Makasarili? Napangisi ako at nailing iling nalang. Sa tulad kong makasarili? Sa lahat ng nagsabi sakin nyan bakit sakanya yung pinakamasakit dahil ba sa sya ang gusto ng taong mahal ko.

At pano nya nasabi na hindi ako dapat para sa taong mahal ko? Ano bang alam nya--

Napakunot noo ako at tinitigan sya ng seryoso. Sabay naman ang pag iwas nya ng tingin sakin.

HER REASONSBasahin ang storyang ito ng LIBRE!