For every story tagged #WattPride this month, Wattpad will donate $1 to the ILGA
Pen Your Pride

Chapter 2

Daniel's POV

Nagising ako na masakit ang katawan. Nilibot ko ang paningin ko, teka hindi namin ‘to bahay ah? Ano bang nangyare?

Nakahiga ako sa higaang nasa sahig lang pero malambot naman, alam niyo yung pwedeng tupiin? Tapos sa tapat merong maliit na lamesa. Sa kanan may banyo tapos sa kaliwa may maliit na kusina, lutuan lang tapos lalagyan ng mga pinggan at pagkain. Dun sa lutuan, may nagluluto na nakatalikod.

Ang liit naman nito, mas malaki pa yung banyo ng prinsesa =___= Teka, prinsesa? O____O Naalala ko na!

Napabangon ako nang maalala ang nangyari pero napahawak sa likod ko na masakit. Nahilo pa ko ng konti.

“O gising ka na pala.”

Lumingon ako sa nagsalita.

“Thea!” agad akong tumayo at niyakap siya. Maliit lang yung bahay kaya isang hakbang lang naabot ko na siya.

“T-teka nga!” tinulak niya ‘ko. “Thalia! Thalia ang pangalan ko hindi Thea! Psh, kanina ka pa eh.”

Tyaka ko lang napansin ang bangs niya. Mas maiitim siya sa prinsesa pero KAMUKHA TALAGA NIYA! At magkaboses pa, pati ka-sexyhan ng prinsesa nakuha niya! Thalia, konti na lang malapit nang maging Thea ah.

“Teka nga, sigurado kang hindi ka si—“

“HINDE! Aish! Sawang-sawa na ko sa pangalang yan ah! Pati sa pagtulog Thea ka ng Thea, kaumay pramis."

“Ang dami mo namang sinabi, oo hindi lang hinihingi ko -____-”

Hindi nga ‘to si Thea, hindi naman siya maingay eh -___-

“O kain na,” binigyan niya ako ng lugaw. “Upo ka muna diyan sa kama.”

Susubo na sana ako ng lugaw nang mapansin kong iba na ‘yung damit ko.

“Teka, s-sinong nagbihis sa’kin?” ako

”Tch, baka yung pusang nagnakaw ng tuyo ko -___-” sarcastic niyang sabi.

“IKAW?!”

“Ay hinde, sabi ko yung pusa di ba? -__-”

“Tatawa na ba ko? -___-”

“Eh nakakabobo naman kasi yang tanong mo eh. Tyaka wag kang mag-alala, nakapikit ako nung bihisan kita. Buti na lang ako ang nakakita sa’yo at dun ka sa tapat ng bahay namin nag-collapse. Marami kayang nakakalat na bakla sa lugar na ‘to, baka ni-rape ka na nu’n kung wala ako.”

"We're meant for each other."Basahin ang storyang ito ng LIBRE!