Nakakadismaya mang pumasok, heto parin ako na naglalakad sa hallway ng College of Nursing. Napatigil ako nang makita kong maraming estudyante ang nagkukumpulan sa harap ng main bulletin board malapit sa may fountain. Naririnig ko pa ang mga pigil tili ng ibang mga babae. Naglakad ako papunta doon.

"Excuse me, excuse me lang po, padaan." Halos hindi na ako makahinga habang dumadaan ako dahil sa dami ng mga estudyante. Pasintabi lang ako ng pasintabi e wala namang nakikinig sa akin. Nakadaan narin ako sa wakas nang magbigay daan sa akin ang isang mabait na lalaki.Huminga ako ng malalim bago hinarap ang nagpadaan sa akin. Bigla akong natulala.

Ang gwapo pala ni koya! Sus! mas lalong gumwapo nang ngumiti ito.

"Salamat ha, akala ko lahat bingi ang mga estudyanting nandito."

Balewala kong sabi. I heard him chuckled. Ang cute nya! nang tinitigan ko syang tumatawa, bigla kong napansin na may dimple sya sa kaliwang bahagi. Oo isang dimple na nakakadagdag sa taglay nyang kagwapuhan.

" Walang anuman. They're just busy to hear you excuse. What's your name?"

Oh my god! I knew it! He's not pure pinoy. The way he speak tells the truth. But he seems familiar.

Saan ko nga ba nakita ang mukha nya?

Before answering him, I cleared my throat once.

"Sydney.. Jake Aguilar from College of Mathematics." Sabay ngiti ko sa kanya.

"Ay Letsugas!" bigla akong napasigaw nang may walang modong hayop sa likuran ko na nagtulak sa akin pa abante. Hinintay kong sumubsob sa lupa ang mukha ko pero hindi ito nangyari. I smell something but I can't breathe properly. Manly scent. I feel something. Firm muscles.

What? I'm not yet dead?

Iminulat ko ang mata ko at laking gulat ko nalang nang mapagtanto kong nakasubsob ang walangyang mukha ko sa dibdib ng lalaking kausap ko.

Agad akong tumayo ng tuwid.

"Ah, Sorry." Hiyang hiya na ako kaya hindi ko na kinayang lingunin ang taong tumulak sa akin nang mai-lampaso ko ang ulo nya sa lupa.

Narinig ko na naman syang tumawa ng mahina.

"Okay lang. I'm Vishal Wenham by the way from College of Law." tapos inilahad nya ang kamay nya na tinanggap ko naman. Ngingiti ngiti lang sya habang nakatitig lang sya sa akin.

Nakaka-corupt sa pag-iisip ang accent nya! idagdag pa ang dimple nya.

"Major in BS Mathematics?" Tinanguan ko sya. Hindi na ako nagtanong kung anong major nya dahil obvious naman na Law major sya. Bago pa ako matunaw sa katitig nya sa akin at bago pa ako maakit sa nakangiti nyang dimple, ay kailangan ko na tingnan ang pinagkaka-guluhan ng marami.

I flashed one of my sweetest smile at Vishal Wenham.

"Ah Vishal, una na ako ha.. titingnan ko lang kung anong meron sa bulletin board. Thank you ulit." sabi ko habang palapit na ako sa bulletin board.

Being The Playboy's Next TargetBasahin ang storyang ito ng LIBRE!