Naaalala Kita...

179 8 8

Naalala kita... (Mac Baracael Fan Fiction)

Nakahiga kami ni Marns sa damuhan sa likod ng bahay namin. Ginagawa kong unan ang braso niya.

“Ang ganda tingnan ng mga ulap,” narinig kong sabi niya.

”Hoy Mac Baracael, baka masira ang mata mo ah, tapos ma-air ball yung tira mo, nakuuu,” piningot ko ang ilong niya,

“Aish! Michaela Marinay, alam mo namang ayaw kong tinatawag mo ‘kong ganyan. Gusto ko Marns, kasi ikaw si Barns, ang Barney ko.”

“Eww, cheesy,” I rolled my eyes slightly blushing.

Natahimik kami at tumingin ulit sa mga ulap na gumagalaw.

Kalibre kwarenta’y singko, ang Marns ko.

Bata pa lang magkakilala na kami. Naging crush ko siya, at akalain mong crush niya rin pala ako. Niligawan niya ‘ko nung high schoool, siyempre pakipot effect. Halos araw-araw may bulaklak na nakalagay sa mesa ko nu’n tuwing papasok ako ng school. Hindi srin nagtagal sinagot ko siya. Nag-varsity siya sa FEU na pareho naming pinasukan nung ollege, naging PBA Player na siya ngayon, pero hindi pa rin kami naghihiwalay. Of course may tampuhan, of course may bangayan, pero ang mahalaga, may pagmamahalan. I know, I can feel it, he’s the one.

Tiningnan ko siya. Nakapikit siya habang nakangiti, tulog ata.

Napangiti ako pero agad ring nawala.

“You’re father is dying, we need you here Mica. I know it hurts, but we need you here permanently. Ikaw lang inaasahan naming magpapatakbo ng negosyo natin.:

‘Yang napakahabang litanya ang bumungad sa’kin kaninang umaga. Pinapapunta na ko ni Mommy sa Canada, for good. Ako ang panganay na anak at ang sumunod na sa’kin ay 9y/o na si Michael. Ako malamang ang magmamana ng negosyong pinaghirapan ni Daddy.

Hindi ko naman sila masisisi. Bukod sa Business Management rin naman ang tinapos ko with Masteral Degree pa, responsibilidad ko ‘yun. Kaya nga ako nag-BSBA dahil dun eh.

Pero... Pa’no si Marns?

Pinagbigyan nila ako kahit matagal na dapat akong pumuntang Canada. Ako na nga lang mag-isa dito sa Pinas eh, buong pamilya ko nasa Canada na. Alam kasi nila ang relasyon namin ni Marns at ayaw nilang tutulan ‘yon. Pinagbigyan nila ang gusto ko, ngayon sila namna ang kailangan kong pagbigyan.

Niyakap ko si Marns then I whispered. “I love you.”

“I love you more,” he whispered then kissed the top of my head. Ay, gising pa pala.

Naaalala Kita... (Mac Baracael Fan Fic)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!