For every story tagged #WattPride this month, Wattpad will donate $1 to the ILGA
Pen Your Pride

selca po ng ating bida yung nasa gilid :))

---------------

Catherine's POV

wooow! ang ganda talaga, lalo na yung mga kulay nila parang ayaw ko nang umalis dito, Eh pano naman kasi sobrang ganda ng mga puno ng cherry blossom dito sa korea. NOOO! hindi na ako uuwi ng bahaaay! dadalihin ko yung puno ditoooo! syempre joke lang yun, corny ko no? Libre Mais! Libre Mais!

dami ko nang dinaldal no? hindi pa ako nag-papakilala.

By the way, Ehem! ako nga pala si Catherine Celestine Yoon 19 years old at mahal na mahal na mahal ko si rilakkuma at ang ice cream pati donut tapos milkis ayaw ko sa butiki dahil bukod sa mapayat sila kadiri na ang inggay pa AT NUMBER ONE FAN AKO NG GIRLS GENERATION lalo na ni Kim Taeyeon sobrang ganda niya, para siyang diyosa! nakakaiyak at higit sa lahat Paborito ko ang cherry blossom. kilala mo na ako ngayon? sige na ipagpapatuloy ko na yung sinasabi ko kanina.

Kung pwede lang sana magtanim ng Cherry Blossom sa Loob ng bahay namin matagal ko ng ginawa kaso di pwede eh hohoho, hindi ko rin alam kung bakit gustong gusto ko yun, pero kasi simula bata pa ako pag dumadalaw kami ni mama kay papa dito sa Korea lagi akong pumupunta sa park na maraming ganon at tuwang tuwa akong pinapanood iyon.

Nandito ako ngayon sa parke na iyon daladala ko yung camera ko at pinipicture ko ang mga puno, marami na ngang nag bago dito, mas lalong dumami yung mga puno, mas lalong gumanda.

"ganda no?" rinig ko sa kaliwa, di pamilyar yung boses niya kaya tinignan ko siya. "umm. oo nga eh" sabi ko sa kanya.

"matagal kana dito?" tanong niya saakin.

"medyo." sagot ko sa kanya at kinuhaan ko ulit ng litrato ang mga puno.

tinignan ko ulit siya, umiinom siya ng kape pero hindi talaga pamilyar yung muka niya eh, siguro ngayon lang talaga kami nag-kita.

"Ako nga pala si Kurt," sabi niya sabay taas ng kamay niya na parang gusto niyang makipag shake hands.

inabot ko naman yung kamay ko sa kanya. "Catherine, Catherine yung pangalan ko" sabi ko sa kanya.

"hhmm.. Catherine? Taga dito kaba sa korea?" tanong sakin ni kurt.

"actually, binisita lang namin si papa dito. Babalik din ako ng pilipinas pag malapit na yung pasukan"

"aahh! pareho pala tayo, san ka nag aaral sa philippines?" tanong niya saakin sabay inom sa kape niya. kung makipag usap siya saakin parang matagal na kaming mag-kakilala parang ang friendly friendly niya.

"sa St. Nicholas" sagot ko sa kanya na ikinagulat naman niya, may nakakagulat ba dun? diba wala naman?

"Mag ka schoolmate pala tayo?" tuwang tuwa niyang tanong ulit. mahilig tong mag-tanong ah.

"ahh ha-ha" pilit kong tawa hoho.

"gusto mong mag-libot libot muna? Kasi parang boring dito eh." yaya niya sakin.

"ah! Sige, sige!" sagot ko naman at nag lakad lakad na kami hanggang sa mag-dilim na ang ulap. ang saya pala niyang kausap makulit din siya, AT! Girls Generation fan din siya tapos yung mahal kong si taeyeon din ang bias niya, sarap sana mag-wala kanina eh pero kakakilala pa lang namin tapos aawayin ko na? Saya diba? madami kaming ginawa kanina kaya ang sakit sakit nitong paa ko. Pumunta kami sa Ice Cream Store at naka limang order nanaman ako ng ice cream. Tuwang tuwa naman siya dahil ang takaw ko daw. Di pa siya na kuntento at dinala ako sa Donut House. Palibhasa di niya pa alam kung gaano ako ka takaw at pinagdadadala niya ako rito. Pero Thank you na rin dahil Nilibre niya ako.

"Sige Catherine, Uwi na ako ha?, Uwi kana rin gabi na" sabi niya sa akin tumango lang ako at tumalikod na.

Naka tatlong hakbang na ako nun nung tinawag niya ako ulit.

"hhhmm.. Catherine," sabi niya sakin

"bakit?"

"pwede ba Cath nalang tawag ko sayo para mas maikli?" tanong niya saakin.

"Oo naman, sawang sawa narin akong naririg yung catherine eh, Sige Cath nalang" sabi ko sa kanya. Si mama kasi pati si kuya kahit si papa, Catherine tawag sakin, minsan lang nila ako tawagin ng Cath.

"sige bye bye" sabi ni at nag lakad na papalayo.

pumunta na ako kung saan naka parada yung bike ko, buti naman at walang kumuha! ayy wait? hala! baka pagalitan ako ni mama at papa dahil gabi na ako makakarating doon sa bahay, ito palang kasi yung  unang beses kong umuwi ng gabi e, talagang yung  mga puno lang yung pinupuntahan ko dito.

"Anak naman! may balak ka bang tumira sa park? gabi  na  oh!" pagpasok na pagpasok ko sa bahay yan agad narinig ko sa mama ko, ni hindi pa nga ako nakakaharap eeh.

"ma, kasi nag-enjoy  ako ng sobra dun e," totoo naman yung sinabi  ko ah! sobra akong nag enjoy dun..

"aba, sinong kasama mo ha?' tanong ni mama

"baka boyfriend niya ma!" sagot ni kuya habang kumakain ng TEKA! donut ko yun ah! napakagaling talaga ng kapatid kong  ito oo!

"Hoy pagkain ko kaya yang nilalamon mo!" sigaw ko sa kanya.

"ikaw bata ka wag mong iniiba  usapan, sino kasama mo?" tanong ni mama sakin.

"si kurt po," sabi ko

"Kurt?" gulat na tanong ni mama, aba! di ko naman siya ginulat  diba? diba?  tumango lang ako.

"diba ma? sabi ko sayo eh may boyfriend nayan si catherine!" sabi ni kuya at kumagat  ulit sa  donut. 

"ano may boyfriend kana? anak naman! ang bata mo pa!"

"tama! pero ma, di ka ba masaya?" tanong ni kuya kay mama.

"aba! anong ikakatuwa ko doon?" mama

"hindi, kasi diba ma! dati tinatanong mo sa hangin kung kailan ma de-develope yung pagka dalaga niyang si catherine? ayan na oh! Dalagang dalaga  na!" sabi ni kuya sabay tawa, alam mo nakakainis talaga 'to e! masasapak ko ito hanggang  mamaya.

"alam mo?  manahimik ka nalang please? kinain mo na nga yung donut ko dami mo  pang sinasabi! epal!" sabi ko kay kuya sabay agaw sa box ng donut.

"may  boyfriend kana? kurt pangalan? saan nakatira? san nag-aaral? nako naman anak." sunod-sunod na tanong ni mama.

"Ma! Relax! kakakilala ko palang sa kanya kanina no! tsaka ka-schoolmate ko iyon sa pilipinas..  tsaka b-bakla yun bakla!" jusko lord sorry! bakit ko ba  kasi sinabing baklaaa? nakooooo!

"sigurado ka diyan sa sinasabi mo ha?" tanong ni mama

"oo naman ma! sa tingin niyo ba mag bo-boyfriend ako ng bading?"  

"oh! sige na pumasok kana sa kwarto mo." sabi ni mama, sumasok na ako sa kwarto ko. juice colored talagaa! bakit ko ba sinabing bakla siya? tanga ko no? pero di naman niya siguro malalaman iyon.

Cherry BlossomBasahin ang storyang ito ng LIBRE!