For every story tagged #WattPride this month, Wattpad will donate $1 to the ILGA
Pen Your Pride

Chapter 10

80 1 0

Nakatingin ako ngayon sa salamin, pinagmamasdan ang mukha ko. At saka naghahanda narin kasi papasok pa akonsa school ngayon. 2 days na ang nakalipas simula nung huli naming pag uusap ni Enrique at 2 days na rin akong ginugulo ng mga sinabi sakin ni Enrique that day. Naalala ko na naman.

•••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••

"You." sagot niya. "You are my problem, Haley because im already falling inlove with you!" That made me shut up. Di ko na alam kung ano yung isasagot ko sa kanya. Di ko nga rin alam kung ano dapat ang reaksiyon ko. Dapat ba akong matuwa kasi si Enrique may gusto sakin, ang isang napakagwapong nilalang sa balat ng lupa. Di ko na talaga alam kung ano yung isasagot ko sa kanya. Alam ko namang di question yung sinabi niya sakin but it feels like a question for me.

"Haley-" di ko na siya pinatapos sa sasabihin niya. Hindi pwedeng umurong na lang siya basta basta, nakasalalay yung buhay dito ng bestfriend ko. Buti sana kung buhay ko na lang pero hindi. "Enrique please dont do this." Pagmamakaawa ko sa kanya.

"Why, Haley? Give me some reason, why i dont have to do this." he says. Hindi ko alam, basta na lang akong naiyak. Nakakainis talaga tong mga luha na to basta basta na lang bumabagsak, di man lang marunong magpaalam. "You need to do this because-" di ko ata kayang sabihin sa kanya yung totoo lalo na't kakasabi pa lang niya sakin ng nararamdaman niya.

"Because what, Haley?" naiirita nihang tanong sakin. "Because kapag hindi kita pinakasalan, sisirain ni mom yung buhay ng bestfriend ko and I dont want that to happen." Sabi ko sa kanya. Nakita ko siyang napapikit na lamang. Naiinis na rin diguro talaga siya sa mga nangyayari. "Please Enrique, nagmamakaawa ako sayo. Gagawin ko ang lahat ng gusto mo." pagmamakaawa ko sa kanya. Wala na akong pakialam sa pride na meron ako, kakainin ko muna yun ngayon. Kailangan ko namg kapalan yung mukha ko para lamang sa bestfriend ko. Tumingin siya sa mga mata ko and he caresses my cheek.

"Love me." bigla niyang sabi. Nagulat naman ako sa sinabi niya. Di ko akalain na ganun ang higingiin niyang kapalit.

Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko sa kanya. Pero maya maya lamang binitiwan na niya yung mukha ko and sumandal siya sa upuan ng kotse niya. "Alam ko na yung magiging sagot mo, sasabihin mo sakin, Im sorry Enrique. Yun yung isasagotmo diba? kasi kahit kailan di mo parin nakakalimutan yung ex mo." bigla niyang sabi.

"What are you talking about?" nagmamaang maangan kong tanong sa kanya kahit na alam ko nang yung tinutukoy niya ay si Lloyd, yung ex ko na nameet niya lang kanina. "Nung nakita kita kanina, the way you look at him. Its different. I know that you still love him." sagot naman niya habang nakatingin na sa mga mata ko.

"No, I dont!" sigaw ko. "Please stop!"

"Nagpakatanga ka na para sa kanya dati and now na nakita mo na siya ulit, handa ka na naman na magpakatanga sa kanya ulit! Are you really that stupid?!" Sabi niya. Di ko na talaga napigilan yung sarili ko, sinampal ko siya ng malakas sa mukha niya. Masyadi na kasing masakit yung mga sinabi niya sakin.

"Im sorry, Enrique. I didnt mean to hurt you, galit lang talaga ako." Paghingi ko sa kanya ng paumanhin. Hinawakan naman niya yung manibela ng mahigpit at ipinikit yung mga mata niya. "Get out." bulong niya. "Please Haley, get out of the car now." agad naman akong lumabas ng kotse niya. Pagkalabas na pagkalabas ko agad na suyang umalis, iniwan ako na nakataho sa harap ng bahay namin na umiiyak.

•••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••

Nagulat naman ako nang biglang tumunog yung cellphone ko. Tiningnan ko kung sino yung tumatawag, si Audrey. Bakit naman kay siya tumatawag sa akin? Minsan lang naman niya lang kasi akong tawagan kasi tumatawag lang naman suya pag may kailangan sa akin. Pinindot ko na yung button na accept sa cellphone.

The Business ProposalBasahin ang storyang ito ng LIBRE!