Chapter 3 - Unexpected Visitor

23 3 0

Chapter 3 – Unexpected Visitor

 

Nikki

OMG. Anong ginagawa niya dito sa loob ng compound namin ngayong malalim na yung gabi?!

Agad-agad akong lumabas ng bahay at pinuntahan siya sa basketball court namin. Nadatnan ko siyang nakaupo sa bench. Ngumiti siya agad pagkakita niya sa’kin.

*PAK*

“Aw!” Binatukan ko siya. He’s ka-ray-zee!

“Adik ka ba? Nacheck mo na yung relo mo? Swatch pa man din yan tapos di mo man lang papakinabangan?! Gabi na Seth!” Nakapameywang ko sermon sa kanya.

Hinihimas-himas niya pa yung ulo niya. Napalakas ata pagbatok ko. Ooops.

“Gusto kitang makita e.”

“Hindi ka ba makapaghintay ng bukas? Yung may araw, maliwanag at medyo desenteng oras para makita mo ko? Kaya ka nagrounded e!”

“Can’t wait for tomorrow.” Nakangisi niyang sagot sa’kin. Napahawak ako sa noo ko. Kumikirot eh. Bakit ang tigas ng ulo ng lalaking ‘to?!

“Ugh. You’re so impossible. Umuwi ka na nga. Baka magrounded ka na naman ni Tita.” Tinulak-tulak ko pa siya. Sa gate siguro ng court ‘to pumasok. Hindi yun madalas ilock ng dalawa kong magagaling na kapatid.

“Ang layo pa man din ng nilakad ko, tapos pauuwiin mo lang ako?”

“Kasalanan ko? Uwi na. Gusto mong ipahatid pa kita kay Kuya Mico?” Banta ko sa kanya. Agad naman siyang kinilabutan sa banta ko kaya nagbago ekspresyon ng mukha niya.

“Sige sige. I give up. Gusto lang naman talaga kitang makita. Saka, I want to apologize in person, hindi yung sa Skype lang.”

Nabigla naman ako sa kanya kaya napatigil ako sa pagtulak sa kanya. Napaiwas ako ng tingin.

“I don’t mind staying outside for 10 minutes. Sa labas tayo ng compound. Dun tayo sa gazebo. Itetext ko nalang si Kuya.”

Sa gazebo. Ahhhh nostalgia. Malapit sa guardhouse ng subdivision yung gazebo na yun. Ang dami naming memories sa lugar na yun. Dun kami nagkakilala, dun niya ako tinanong kung pwede niya kong ligawan at dun ko siya sinagot.

Walang nagsasalita habang naglalakad kami. Nagtext na’ko kay Kuya na lalabas lang ako sandali. Hindi naman siya nagreply, lagi naman. -_-

Umupo ako sa upuan sa loob. Ang ganda talaga ng gazebo na ‘to. Parang lighthouse tuwing gabi. Ang daming maliliit na iba’t-bang kulay ng ilaw sa paligid.

Umupo naman si Seth sa tabi ko. “So.. 10 minutes.” Paalala ko sa kanya.

“Right. Umm.. Nicole, babe. I think this is the perfect time to ask you this, after everything that happened. D-do you still-“ Agad ko siyang pinigilan. Alam ko naman kasi kung ano yung tanong niya.

Bumigat bigla ang pakiramdam ko. Parang hindi ako makahinga. Ayokong masaktan siya, pero ayoko ring magsinungaling. Sa loob ng isang buwan, according sa recent time, maraming nagbago. Hindi lang ang mga tao sa paligid ko, pati ang nararamdaman ko at ang sarili ko mismo.

“Seth, ayokong magsinungaling sa’yo.” Hindi niya rin ako pinatapos dahil niyakap niya ako ng mahigpit.

“Don’t..”

“Pero-“ Humigpit pa lalo ang yakap niya sa’kin. Nasasaktan na siya pero wala pa’kong sinasabi.

“Please. Wag.” Ako na mismo ang humiwalay sa kanya. Nakita kong may kumawalang luha sa kanang mata niya.

“You have to hear me out. Seth, yes, I liked you. I still like you. Pero pure infatuation lang ‘to. Until..” Napayuko ako. Hindi ko matatagalan ang pagtingin sa kanya. Ang hirap. Parang mawawalan ako ng hininga.I’m so guilty.

“You met someone..” Pagtatapos niya sa sasabihin ko. Wala na’kong ibang nagawa kundi tumango.

“Haha. Right. How pathetic of me.” Napatingala ako sa kanya. Nakita kong pinunasan niya ang pisngi niya. Oh no no no no.

“Seth…”

“Kilala ko ba siya? Taga-saan siya? Is he better-looking than me?” Nakangiti niyang tanong sa’kin, pero that smile doesn’t reach his eyes.

“Tama na Seth. Please. Hindi mo siya kilala, at mas lalong hindi siya taga-rito.”

“Really?”

“Yeah.”

Nabigla nalang ako ng bigla siyang tumayo at inayos ang sarili niya. Napatayo na rin ako.

“Malaki pala advantage ko sa kanya.” Huh?

Humarap siya sa’kin, wearing that same confidence that I really liked about him.

“Mapupuntahan kita whenever I want to. Same university lang rin ang pinapasukan natin. Remember this babe, I won’t give up on us.” Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.

“Kahit anong mangyari, Nicole Anne Villamayor, akin ka lang. I don’t f*cking care who’s that guy you’re talking about. Even if it takes forever, I won’t give up. Mahal kita. Remember that. Itaga mo pa sa bato.” I’m so dumbfounded. Speechless.

“So..Good night babe. I’ll see you soon.” He gave me a chaste kiss on my lips and he’s gone. Samantalang ako, still tulala.

He just kissed me on my lips. He just said that he won’t give up. And lastly, he said that he loves me. That’s a lot of firsts.

Okay.. This is ka-ray-zeeeeee!

(A/N: Laaaame)

It Takes Some Time - On-holdBasahin ang storyang ito ng LIBRE!