For every story tagged #WattPride this month, Wattpad will donate $1 to the ILGA
Pen Your Pride

Nakatingin pa rin ako sa side mirror at sa paglapit ng motorsiklo at ang angkas nito. Huminto siya sa kaliwang bahagi ng sasakyan at marahang kinatok ang bintana.

Nakatingin pa rin ako sa side mirror at napukaw sa pagkatulala nang katuking muli ng lalaki ang bintana. Sa pagkakataong ito mas malakas na.

Ibinaba ko ng kaunti ang bintana upang marinig ang sinasabi niya. Sa pagkakataong ganito mas mabuting panatilihing sarado ang mga bintana ng sasakyan at naka-lock ang pintuan. Pero kasabay ata ng pagbuhos ng ulan ay inanod ang kakayahan kong mag-isip ng tama.

Jusko...panahon ko na rin ba para..

Bakit naman halos hubad ang mamang?! Anong pakay niya? Carnapper ba siya?

Sabagay kahit hot na kagaya niya pwedeng maging hoodlum sa panahon ngayon.

"A-eh ano kamo?", tanong ko sa kanya habang dumidistansya ng tingin sa dibdib ng lalaki.

"Ang sabi ko walang pag asa itong sasakyan mo. Baon na sa putik ang mga gulong mo. Saan ka ba pupunta?", pag uulit nito.

Kasabay ng pagbibigkas niya ng mga salita ay ang pagdaloy ng butil ng tubig sa labi nito. Basang-basa ang buhok niya at ang pantalon na suot.

Ngayon ko lang napansin na medyo humina na ang buhos ng ulan. Binuksan ko ang bintana at sinilip ang mga gulong.

"shucks....tsk", napakagat ako sa aking mga labi sa nakita. Lubog na ang unahan at likurang gulong ng baby ko.

"Mabuti pa sumabay ka na sa akin. Magdidilim na hindi mo gugustuhin maiwan dito mag isa. Saan ka ba?," anyaya niya. Nakasakay pa rin siya sa dirtbike ngunit nakababa ang kanang binti pang suporta.

Ano sasama ba ako sa estranghero na ito o papalapa nalang sa kung anumang meron sa burol na ito. Bahala na nga.

"Sa Casa Mirabella ako", sagot ko sa tanong niya.

"O sakto pala doon din ako papunta. Tara na", sabi ni at aktong bubuksan ang motorsiklo.

"Hah? A-angkas ako? Teka paano  'tong sasakyan ko?", nalilitong tanong ko. Hindi ko alam kung natataranta ba ako sa takot o ano.

"I-lock mo lang. Hindi yan mawawala dito. Tara na at ginaw na ginaw na ako", pagmamadali nito. Medyo may tono ng pagkairita sa boses niya kaya naman nabahala ako.

Hot nga pero hot headed din... Tss.

"Eto na", naiiritang sabi ko. Akala ko babae lang ang may mood swings. Meron rin pala ang topless na lalaking ito.

Sinara ko ang pintuan ng sasakyan at tuluyang sumugod sa ulan. Nakalipat na sa unahan ng kotse ang lalaki at naka abang. Sinipat ko ang kapaligiran. Tinignan ko kung saan ako pwedeng tumakbo kung sakaling may maling gawin ang lalaki ito.

Umangkas ako sa likod niya at kumapit sa hawakan sa likuran ng motor.

"Miss kung gusto mo mahulog ayos lang sa akin pero siguruhin mong mabubuhay ka. Eto suotin mo", may halong pang iinis niyang sabi kasabay ang pag-abot niya ng helmet sa akin.

Sinuot ko ang helmet ng may halong gigil at nagpasalamat.

Sinimulan na niyang paandarin ang motor at tinahak ang daan. Medyo malubak na ang daan hindi katulad kanina. Malambot na kasi ang lupa. Pinipilit kong kumapit ng mahigpit sa bakal sa likod ng motor upang hindi mahulog at maging dahilan ng aking kamatayan. Pero sa paalon-alon na daan mukhang mahuhulog ako at maiiwan.

Jusme.. tama ba ang naging desisyon ko na umangkas sa taong ito este sa motor ng lalaking ito. Aatakihin ata ako sa puso.

Hindi pa sapat ang payugyog ng kahit na anong pwedeng mayugyog sa aking katawan dahil kinailangan kong kumapit sa beywang ng lalaki. Kamuntik na ako mahulog dahil madulas na ang hawakan sa ulan.

Nakita ko ang pag guhit ng ngiti sa mga labi ng lalaki. Kitang kita ko sa side mirror ng motor kung paano siya umismid at ngumiti.

Tsk.. kung hindi umulan naku sir hindi tayo magtatagpo. Dalian mo na lang nang maghiwalay na ang landas nating dalawa.

Ilang sandali lang ay nasa casa na kami. Ipinasok ng lalaki sa garahe ang motorsiklo at pinatay ang makina. Nagtataka man ay pumasok ako sa veranda kung saan ako lumabas kaninang tanghali.

Akap-akap ng sarili pinagmasdan ko ang dahan dahang pagbaba niya sa motor at pagtakbo papunta sa kung saan ako nakatyo ngayon.

"Sir Luke..naririto na pala kayo", bungad ni Mang Hector na nagmula sa kusina.

Sir Luke...?

Napa-awang ang bibig ko sa pagkabigla. Sino nga ba ang estrangherong ito.

Guest din kaya siya? Pinadala din kaya siya ng kaibigan dito para makalimot.

Fix You Miss No GoodBasahin ang storyang ito ng LIBRE!