family bonding

9 0 0

Kath's pov

malling today!! Naman medyo matagal na rin simula nung nagmall kami. Hahaha

"Andito na pala tayo anak!" San ba to na mall? Matanong na lang si mom mamaya.

"anak, saan mo gusto kumain?" 12 pm na pala? Nakakagutom rin pala ang traffic.

"Kahit Saan na lang Dad" ang dami namang tao ngayon, ang daming students. Ano kayang feeling na maglunch kasama yung mga classmates or bestfriends mo ano?

"Anak diba si Dj yun?" hmmm si dj andito? Ahh baka naman kumain rin ng lunch. Pero sino naman kaya mga kasama niya? Hay ang dami kung tanong!

"Baka kumain rin dito dad."

"sino kaya yang mga kasama niya? Bat di mo pansinin?" nakakahiya naman sa mga kasama niya.

"Ahh wag na po mom. Kumain na lang tayo ni dad gutom na ko."

"pansinin mo na lang kasi anak. nalakahiya naman sa kanya diba kung dadaanan lang natin siya."

"Cge na anak, sundin mo na ang mommy mo."

"Okay Dad!" nakakahiya talaga eh. saka may mga kasama siyang mga babae baka ano pang isipin nila.

ito na! Ito na! ito na!

"ohhmm HI dj"

"oy Kath kaw pala! Hi tito at tita" ay galing ako yung naghi tapos sa magulang ko nag hi! Edi WOW!

"Hi iho, kumusta ka naman? " nakakahiya talaga to si mommy masyadong feeling close. o_O

"okay naman tita"

"Iho, salamat nga pala sa pagbabantay dito sa anak namin" Dad namin eh! nakakahiya naman daming nakakarinig!!

"oy Dj mauna na kami ha? bye"

di ko na pinasalita si dj baka humaba na ang usapan. inaasar na nga siya ng mga barkada niya eh pero iwan ko bat ang sama ng tingin sa akin nung isang babae? o_O wala naman akong ginawang masama. eh hindi ko siya kilala. Baka ganun laag talaga itsura noon? maarte? maldita? pero hindi eh. iba talaga pag sa akin siya tumitingin. may something !

"anak lalim naman ng iniisip mo?" - mom

"Lunod na lunod na nga kami anak oh" - dad

ang labo nitong dalawa minsan. hahaha

"sasagipin ko na ba kayo? o tatawag muna ako ng tulong?"

"HAHAHAHAHAHAHA" - kaming tatlo

"Halika na nga anak, masyado kang palabiro eh"

"syempre naman dad. saan ba ako magmamana? diba sa kacornihan niyo ni mom?"

"anong ako? ang daddy mo lang kaya ang corny?"

"yeee! tangapin mo na lang kasi na mais ka rin"

hahahaha inaasar naman ni dad si mom. pag ito napikon nako suyuan 101 na naman ang labas nito, which is so corny yet sweet little effort. kaya bago pa ako makakita noon ...

"hep! tama na, okay na hindi na kayo corny. kakain na tayo. gutom na ako kanina paaa ehhh"

"Okay, baby saan mo gusto?"

"Doon na lang po sa wala masyadong tao mom."

"Okay, doon na lang tayo sa sea food Island."

papunta na kami ngayon sa sea food Island. hindi naman ako masyadong ignorante sa mga ganyan kahit lage lang akong nasa hospital kasi nagdadala rin naman niyan si mom or dad minsan kapag gusto kong kumain ng food galing sa kahit anong restaurant. Favorite ko dito is yung Baked scallop.

"Kath!" sino ba yun? makatawag naman parang kami lang ang tao.

"kath! oy?"

"Dj? saan mga kasama mo? bat mag-isa ka na lang?"

"may mga pasok pa kasi sila. half day lang kasi ako ngayon."

"Saan ka ba papunta?" malamang kath dito sa loob ng restaurant diba? nandito na nga. ay tanga!

"Kakain!" oh buti naman at hindi pilosopo kausap kung hindi kanina pa ako na bara.

"iho ikaw na naman?  hahaha di biro lang" Dad stop! baka tutuhanin niya. hahahaha

"ikaw naman love. iho may mga kasama ka ba? "

"ahh wala naman po, may pasok pa po kasi sila"

"sumama ka na lang kaya sa amin iho, total wala ka na rin lang pasok." mommy naman eh! Di ba niya alam na nakakahiya sa kanya!

"actually tita dito rin ako kakain."

"Edi ali ka na iho."

"okay lang ba kath?"

"Okay lang!" hindi naman talaga okay eh! Nakakahiya alam ba niya yun? Baka kung ano pang itanong sa kanya ni mom and dad! Alangan naman sabihin kong hindi okay.

NEVER GIVE UP (KATHNIEL)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!