// 4

151 3 0

// 4

“Janina, si Chris nasa baba. Sabay daw kayong pumasok.”

Napatigil ako sa pag-aayos ng sarili ko nang marinig kong sabihin ‘yon ni Mama. Marahan kong binuksan ang pintuan ng kwarto ko.

“’Ma, pasabi naman sakanya, pumasok na ‘ko,” pabulong kong sabi. Tinignan lang ako ng nagtataka ni Mama, “Basta, ‘ma. ‘Wag mong sabihin na nandito pa ‘ko. Sabihin mo nauna na akong pumasok.”

Hindi ko inantay pa ang sasabihin ni Mama, agad ko na ring sinara ang pintuan ng kwarto ko. Napahinga ako ng malalim, ito na baa ng simula? Sigurado na ba ako sa desisyon ko ‘tong na iiwasan ko na talaga si Chris? Kayanin ko kaya? Sana, sana.

Mula sa baba, narinig ko ang pagpapaalam ni Chris kay Mama. Pasimple akong sumilip sa bintana ko para makita at masigurado kong nakaalis na siya. Nakita kong kumaway pa siya kay Mama bago naglakad palayo. Tumingin pa siya ng isang beses sa bahay namin, dito sa bintana ng kwarto ko kaya agad akong nagtago. Pag silip kong muli, nakita ko pa rin siyang nakatitig at nagkatitigan kami. Nabato akong saglit sa kinatatayuan ko habang siya ay daretsong nakatingin sa’kin. Napa-iling siya at saka nag-simulang ituloy ang paglalakad niya.

Nakita kaya niya ako? Kasi kung oo, buking na ako.

Pagbaba ko sa kusina namin para kumain, nakita ko si Mama na naghahanda na sa hapag kainan. Ako naman ay tahimik lang na naupo. Kahit na hindi ako nakatingin kay Mama, ramdam kong sa’kin naka-pako ang titig niya habang naghahanda.

“Hindi ka rin daw nakita ni Chris kahapon kaya gusto niya sanang sabay kayo ngayon,” panimula ni Mama, “Hindi raw tuloy siya nakapagpasalamat sa’yo sa pagtulong mo sakanya sa sorpresa para kay Princess.”

Sa mga sinabi ni Mama, hindi ako umimik. Kinuha ko lang ang lalagyan ng kanin at ulam saka ako naglagay sa pinggan ko, at nag-simulang kumain. Si Mama naman ay napa-sandal lang sa counter habang titig pa rin sa’kin at saka nagsalita ulit.

“Alam ko nahihirapan ka sa sitwasyon mo, pero ikaw lang din ang nagpapahirap niyan para sa sarili mo.” panimula niya.

Napatingin ako sakanya at nakita kong seryoso ang itsura niya na may halong parang pagkaawa sa’kin. Binaba ko ang kobyertos ko dahil nawalan na ako ng gana pang kumain. Napayuko lang ako at napa-isip sa mga nangyayari ngayon.

“E anong gusto mong gawin ko, ‘ma?” inangat ko ang ulo ko at daretso siyang tinignan, “Sinusubukan ko namang padaliin ‘tong sitwasyon, ‘di ba? Umiiwas na ako para hindi na ako mahirapan pa, pero bakit pakiramdam ko mas nahihirapan lang ako sa ginagawa ko?”

The Cherry Blossom TreeBasahin ang storyang ito ng LIBRE!