Chapter1: Section 4-S

1 1 0

[Cassey's Pov]

Papunta na kame ngayon sa magiging classroom ko, sinamahan ako nung principal para daw makasiguro siya, ewan ko kung ano dahilan. Lahat ng mga estudyanteng nakakasalubong namin, binabati siya.

"Good Morning Sr."

"Hi Sr."

"Morning po."

"How are you Sr?"

"Hello Sr."

See? Ang gagalang nila dibuh? =) SANA NGA. ^___^

Siguro lahat ng mga estudyante dito mayayaman, ang laki kasi ng school at halata ko din na branded mga gamit nila and mostly English ang naririnig kong salita nila.. SPOILED siguro tong mga to..

"Calling on Sr. Jason Villanueva, pls. proceed now at the office. I repeat.." sabe nung nagsasalita sa speaker.

"I guess hindi na kita masasamahan." sabe ni Sr. Jason.

"It's Ok." sagot ko.

"Hanapin mo nalang ang section 4-S sa 3rd floor, un ang magiging section mo. " sabe ni Sr. Jason, tumango lang ako atsaka siya umalis.

     *****

Kanina pa ako paikot-ikot dito pero hindi ko parin makita kung saan ang room 4-S.

Nakalagay dito sa Student's Handbook na 8:00am ang time pero 7:30am na at di ko parin makita ung section ko, psshhh. Pano ba naman kasi ako hindi maliligaw eh ang laki laki ng school na to, daig pa ang hotel.

Lahat na siguro ng room dito sa 3rd floor napuntahan ko na maliban nalang sa isa, ung classroom dun sa dulo.

Everytime na may papasok sa room na yun, nagsisitilian lahat ung mga estudyante sa corridor. Siguro Star Section nila un.

Sa lahat ng mga estudyanteng andito ngayon, ung lalake na nasa sulok ng kabilang corridor ang kapansin pansin. Mag-isa lang kasi siya at halatang umiiwas siya sa mga taong nagtitilian. Naisipan kong tanungin siya, wala naman sigurong masama kung magtatanong ako dbuh? Lalapitan ko na sana siya pero ...

*boooogggssshhh*

"Ouch!" -Ako. May bumangga kasi sakin at napaupo kameng pareho sa sahig.

"Hoy! may mata ka ba? Di mo ba alam kung sino ang nabangga mo!?" pasigaw na sabe nung nakabangga sakin. So siya pa ang may ganang magalit? Sa boses palang siguradong babae ito.

"Bakit? kilala mo rin ba kung sino ang binangga mo?"sagot ko. Nakakaasar kasi eh, siya kaya ung tumatakbo sa corridor. Pagkaharap ko dun sa babaeng nagsalita ... O________O

"IKAW?!"

"IKAW?!"

Sabay nameng sinabe.

"Oh my Gosh! Tignan mo nga naman. Sadyang napakaliit ng mundo, hindi ba?" Sabe niya. Tinignan niya ako mula paa hanggang ulo. Napataas naman ako ng kilay sa ginawa niya.

"Hindi ba halata? Kaya nga nakita ko ulit yang napaka- hindi kaaya aya mong mukha." Nagsmirk lang ako at inirapan siya. Napansin ko rin na nasaamin na ang atensyon ng lahat ng tao dito sa corridor.

"What did you say?!" sigaw niya. Itinaas niya ang kamay niya at akmang sasampalin na niya ako nang yakapin nameng dalawa ang isa't isa.

"I miss you Cassey!" sabe niya.

"I also missed you Claire." Sagot ko.

"Di ka pa rin talaga nagbabago, you're still beautiful as ever." pambobola niya saakin.. Haynako, sanay na ako diyan!

I am The BossBasahin ang storyang ito ng LIBRE!