// 3

166 4 0

// 3

Dahil pumayag ako sa kagustuhan ni Chris na tulungan siyang sorpresahin si Princess, naging busy din tuloy ako kakaasikaso do’n. Nagsabi siya ng ideya niya, nagsabi rin ako. Nag-brainstorming kami para makabuo ng magandang sorpresa para kay Princess.

Araw ng Sabado no’n, pero nasa school kami para lang pag-usapan ang sorpresa para kay Princess. Para na rin maikot ang garden ng school at makahanap kami ng magandang pwesto kung sa’n pwedeng isagawa ang sorpresa, medyo may kalakihan kasi ang garden ng school. Hanggang sa umabot kami sa parte ng garden kung sa’n nakatayo ang paborito kong puno.

Napangiti nanaman ako nang matanaw ko ‘yon. Naglalakad si Chris patungo sa punong ‘yon at nawala ang ngiti ko sa sinabi niya.

“Dito nalang natin gawin,” nakangiting sabi ni Chris habang nililibot ang mata sa lugar, “Ano sa tingin mo, Janina?”

“B-bakit dito? Marami pa namang ibang puno rito ha. Ikutin pa natin.” pagyaya ko sakanya.

“Hindi na, okay na ‘to. Isipin mo kung dito natin ise-set up ‘yung surprise, ang ganda, ‘di ba?” ngiting ngiting sabi ni Chris. Umikot siya para tignan kung ga’no kaganda ang pwestong napili niya, “This is perfect.”

Malungkot ko lang siyang tinignan at nakita ko kung ga’no siya kasaya, kung ga’no kalaki ‘yung ngiti sa mukha niya. Napayuko ako at pinigilan ko ang luha ko sa pagtulo pero hindi ito nakaligtas, agad kong pinunasan ang iilang luhang nakawala habang hindi nakatingin si Chris.

Umupo ako sa ilalim ng puno at umupo rin siya sa tabi ko. Nakatingin ako sa malayo habang siya ay alam kong nakatingin sa’kin mula sa kaliwa ko.

“Janina, may problema ba?” tanong niya.

“H-ha, w-wala. Ano nga ulit ‘yung sinasabi mo?” pilit kong ngiting tanong sakanya at nilabas ko ‘yung notebook ko at ballpen, “Dali, para mailista ko ‘yung gagawin natin.”

“’Yan naman ang gusto ko sa’yo e!” tuwang tuwa niyang sabi at nagulat ako nang bigla niya akong yakapin, “Salamat talaga, bestfriend ha.”

Agad naman akong kumawala sa yakap niya nang sabihin niya ang salitang bestfriend, isang simpleng salita pero parang balang tumagos sa’kin sa sobrang sakit. Pinilit ko nalang ngumiti at ngumiti rin siya. Sinimulan na rin niyang isa isahin ang mga naiisip niyang plano para sa sorpresa at ako naman ay nakatingin lang sakanya.

Sobrang saya niya, hindi ba dapat masaya rin ako para sakanya? Kahit na masakit para sa’kin, kailangan kong ngumiti. Kailangan kong tanggapin na kahit kailan, hindi ako ang magiging dahilan ng mga ngiti ni Chris. At kung ang ibig sabihin no’n ay kay Princess siya sasaya, masaya na rin ako. Kung pagkawala rin ni Princess ang magiging dahilan ng kalungkutan niya, handa rin akong gawin lahat para ibalik si Princess sakanya, para lang makita ko ulit ang ngiti sa mukha niya.

The Cherry Blossom TreeBasahin ang storyang ito ng LIBRE!