That Words

14 0 0

Ang saya ng pagsasama namin ni Karl bilang magkaibigan. Kahit makulit, napag titiisan ko naman siya kasi nga mahal ko siya. Di ko nga alam kung tama pa ba tong ginagawa ko. yun bang Umaasa sa kaibigan na magugustuhan niya rin ako .

____________________

After Dismissal

"guys! gusto niyong magbasketball? " yaya ni Benjamin kina Karl with matching taas pa ng kamay  .

"Game !!" sagot naman agad ni karl.

kaso pagkasabi niya non , humarap siya saken at tumingin sa Mata ko na parang may gusto siyang sabihin.

pagkatapos nun humarap ulit siya Kay Benjamin at

"Benjo! joke lang! Pass muna ako, dyan. May lakad pa pala ko  , sorry" tsaka niya nilagay ang kanang kamay niya sa batok niya  .

"ahhhhh!! pano niyan? Edi HND kumpleto ang tropa? " nagtatampong sagot ni benjo.

"sorry pre ah! sa susunod nalang!"

pagkasabi niya nun ay agad niyang hinawakan ang kamay ko , at kumaripas ng takbo.

"OOOOYYYY!! KARL!! MAGDAHAN DAHAN KA NGA! ANU BA! SAN BA TAYO PUPUNTA LETSE KA?" hingal na hingal na sigaw ko sakanya habang nauuna siya sa pagtakbo

" mamaya ko na sasabihin , sunod ka muna ahh? " nang maabot nanamin ang sakayan ng jeep, huminto na siya for God's sake. At dun lang ako nakahinga ng maluwag .

pagkarating namin sa sakayan ng jeep bigla niyang hinablot ang bag ko saying

"San? ako na magdadala niyan"

wow ang gentleman naman into ngayon. pagkatapos nun.

" oh? sakay ka na " sabay turo sa jeep, at ako naman sumakay na din .

pagkasakay ko, umupo sa tabi ko si Karl . Habang NASA biyahe,  napapaiglip ako na parang halos mahulog nako sa kinauupuan ko . Habang enjoy na enjoy akong umiiglip, may kamay na humawak sa ulo ko at ipinatong sa balikat niya.

I can't imagine why Karl is doing this?  sobrang bait niya saken at pinagsisilbhan niya ako? di kaya itp na yung pinapangarap ko na mangyari? nagkagusto na kaya siya skn? kaya ba niya ako hinila papunta dito, dahil aamin na siya ng pag ibig niya saken?

Habang NASA biyahe, ninanamnam ko nalang ang pagsandal ng ulo ko sa balikat ni Karl. Hindi ko mapigilan na ngumite sa sobrang excited kung ano ba talaga ang sasabihin niya saken mamaya.

Maya Maya pa habng nag eenjoy ako.....

"PARA PO!" at biglang huminto ng bonggang bongga yung jeep, yun bang as in nasubsob ako sa sahig ng jeep. gege! panira.

" OH! Nics! OK ka lang?" pag aalalang tanong ni Karl, sabay hawak sa dalawa kong balikat para tulungan akong makatayo. kilig naman ako. ahihihi ;">

"ahh oo naman! si nicole ata to ahaha!" sabay tawa ng malakas kahit deep inside , sumisigaw ako sa sakit .

pagkatapos nun bumaba na kame sa isang disenteng restaurant at Dali daling pumasok sa loob. grabe! wla pa man kinikilig nako !

" Karl! uy! anong gagawen nation dito? wala akong pera!" sabi ko sakanya kahit alam ko naman na ililibre niya ako.

"hah?? ahaha! adik ka.  Siyempre ako magbabayad, don't worry about the money , just order Ok?" sabi niya at inoffer ang isang upuan na kung saan ako uupo.

grabe! dream come true na ! xD

. kinikilig ako ! Hindi ko na mahintau yung sandali na aamin na siya saken.

" ahm nics ....." kyaaaahhhh! eto na!! grabe ! ang init! air please!

"Ano yun?" pasimpleng tanong ko.

"sasabhn ko na talaga nics...."

"sasabihin ang alin?"

*dugdug dugdug*

"aaminin ko na Kay mika na gusto ko siya! Nics!! liligawan ko na talaga siya :) "

This ChanceBasahin ang storyang ito ng LIBRE!