♡ Chapter 6: Maling Akala ♡

50 2 2

Lovely's POV

.

Kinabukasan balik school na ang bestfriend kong retarded! And same routine dinaanan nanaman nya ako sa bahay para sabay kameng pumasok. Unfortunetly late nanaman ako kaya umuusok nanaman ang ilong nitong si Red.

.

" Move faster! We're late! " sigaw sakin ni Sunget sa baba. Hay naku heto na nga oh halos madulas na nga ako sa pagtakbo!

.

Hindi ko na tuloy masuot mga accessories ko. Haist lagay ko na lang sa bag sa school ko na lang ilalagay!

.

Pagbaba ko ng hagdan nakita kong masama nanaman ang tingin sakin ni Calvin. Ano ba yan ke aga aga sunget nanaman! Nakita ko naman si mama na hinihintay din ako sa baba.

.

" Nak binigay ko na kay Calvin yun breakfast mo! Kase naman late nanaman kayo. Ayan tuloy mainit nanaman ang ulo ng bestfriend mo! " mangonsensya pa mami sige lang!

.

" sige ma alis na kame! " I kissed her cheek and wave her  goodbye. I ran as fast as I can para maabutan si Red ang bilis kaseng maglakad ng isang yun!

.

" hoy naman bestfriend waaaaaait!!! " sigaw ko sakanya. langya mangiwan ba?!

.

Bute na lang naabutan ko sya. " hoy daya mo di man lang naghintay! " pagiinarte ko sakanya.

.

" hindi naghintay?! eh halos tubuan na ako ng ugat sa sala nyu kakahintay sayo! tapos sasabihin mo hindi naghintay? " yan na! umuusok nanaman ang ilong nya!

.

" hoy kalma ka nga! kaloka to! dinaig mo pa ang Mayon! " ang cute nya talaga pag nagagalit. Ay erase erase! mukha pala syang ewan!

.

Sinamaan nya na lang ako ng tingin ang dali daling naglakad. Kainis hindi na yata ako makakapag breakfast!

.

Habang naglalakad kame isa isa kong sinusuot mga accessories ko, pero napatigil ako nang hindi ko maisuot ang necklace ko! Bigay pa naman to ni Mama!  Hindi pwedeng hindi ko to suot. Napatigil ako at pinipilit kapain ang lock (ng necklace ha! wag GM! ) pero di ko mailock. Nagulat na lang ako nang biglang may umagaw sakin ng kwintas at nilagay nya sakin.

.

Bakit ganon? Parang iba nararamdaman ko tuwing nararamdaman ko ang hininga nya sa likod ko. Pakiramdam ko nagkakagulo ang sistema ko. Feeling ko nilalagnat nanaman ako! Geeesh! Nanghihina tuhod ko.

.

Napatigil ako sa pagkausap sa sarili ko nang may naramdaman akong dumampi sa mga labi ko.

.

" oh kumain kana habang naglalakad! Wag kung ano anong kaartehan pinaggagagawa mo! " sabi nya pag ka bigay sakin ng sandwhich na sinaksak nya sa labi ko! Naka wrap pa naman sa aluminium! Akala ko.. Akala ko ano... Akala ko.!! Ayyy sheeet ano ba iniisip ko?

.

Pero akala ko talaga yun na yun? medyo malamig kase! Waaah ene beh! Bakit ba parang naiinis ako at hindi tama yun naisip ko kanina. Kaloka! Of all people kay Pusit ko pa iisipin yun? Ay grabe erase erase! Kainis!

.

Nung makarating kame sa school binilhan agad ako ni Red ng tubig. Nakakinis kase pakiramdam ko namumula ako pag nasa harap nya!

.

At naiinis parin ako bakit ko iniisip 'yun' sa kanya. Kadiri lang! Perv na ba ako? Geesh.

.

Uwian na! Pinilit ko talagang ifocus ang sarili ko sa lessons namin kesa kung ano ano iniisip ko. Pag labas ko ng room nandun na yun 2 kong bestfriend at pinagtitinginan nanaman si Red. Tsssk sino pa naman hindi mapapatingin sakanya? Eh kahit naka poker face sya at mukhang pinagsakluban ng langit at lupa ay ang hawt hawt nyang tingnan *Q*

.

Ghad I cant believe I'm saying those words. Pero totoo. Nakakadagdag appeal sakanya yung pagiging suplado nya. At ang mga babae dito naiingit sakin bakit daw ako pumayag na maging bestfriend lang si Red. Gagaya kasi sa kanila landi inuuna. Lol

.

Pagkakita sakin ni Red nagsimula ba syang maglakad habang si Eduardo naman nakangiting wagi.

.

" oh bakit tinalo mo pa ang endorser ng toothpaste sa lawak ng ngiti mo? kadiri pate gums labas! " pang aasar ko sakanya.

.

" hoy babaita tigil tigilan mo ko ha! May napansin lang kase ako ahihihi " sabi nya at parang kinikiliti kung tumawa.

.

" ano naman yun? " tanung ko

.

" wala kana dun! " sabi nya sabay takbo kay Red at ipinulupot na parang sawa ang braso nya sa braso ni Red. Inis na inis namang inalis yun ni Pusit.

.

@sa bahay namin..

.

Bakit ganun mukhang walang tao? Saan kaya nagpunta si Mama?

.

" nasan kaya si Mama? bakit mukhang walang tao?" napatingin naman ako kay Eduardo at para nanaman syang kabayi na humahalinghing.

.

" Nagtext sakin Mama mo. She's with her friend from Canada magbobonding muna daw sila sa Tagaytay. Sa sabado pa daw sila uuwi. " kalmadong sagot ni Red. Perk hanu daw? Si Mama out of town? And whuut?! Iniwan nya ako ng walang kasama? T.T

.

" so wala akong kasama mamaya? Nooo! " pagmamaktol ko! Aissht sino ba namang matutuwang magsolo sa bahay namin. Eh may kalakihan din naman to tapos ako lang ang tao? Nooo!

.

" Naginarte nanaman ang mahal na prinsesa! " pang aasar ni Red. " wag kang magalala dito kame matutulog. Pinakiusapan kame ni tita na samahan ka." dagdag pa nya.

.

"really? this would be fun! " sabi ko at parang batang nagtatatalon sa harap nila.

.

" Yeah. This night will be fun girl I assure you! " at parang baklang ngumiti nanaman tong si Eduardo. Pero yiie nakaka excite namimiss ko na kase yung ganitong bonding naming tatlo! Gosh! Ano kayang gagawin namin!

.

Itutuloy..

I love you bestfriend!Basahin ang storyang ito ng LIBRE!