(First) Buhay-Buhay! Hayahay!

174 3 1

Buhay! Buhay! Hayahay

Minsan akala natin ang buhay ay madali lang, yun pala nagpapaka-Positive lang tayo. Minsan nga eh, wala na tayong makaen.

Life must go on guys, Just go with the flow. Tuloy lang ang buhay, Wag kang aayaw.

O sige, O sige..

Iisa-isahin natin ang mga pamantayan na nakatala sa batas ng buhay! (Chos!) Basahin mong maige ah, Wag mong palalampasin, Wag mong lalagpasan. Baka sakaling kapag nabasa mo, magbago ang pananaw mo sa buhay, Mga Hijo at Hija!!

1.Galaw-Galaw baka Ma-Stroke.

- Ano to? Porket may inaasahan hindi na tayo kikilos, katamaran po ang tawag dyan mga tsong at tsang. Bangon-Bangon din pag may time, baka mahanginan ka sige ka baka lalo kang matuluyan. Lagi nating isipin na kailangan din natin magtrabaho para sa pamilya natin.

Single man o Married. Bata man o Matanda. Because dito po sa mundong ibabaw, hindi po tayo mapapakaen ng Awa at Pagmamahal. Lahat ng taong nabubuhay dito ay gumagalaw.

Tandaan na ang mga bagay dito ay binabayaran, kumbaga wala ng libre. Dyosmiyo mga ateng! Ang mamahal na ng mga bilihin ngayon. Bigas. Asukal. Karne. Tubig. Gasul. at kung anu-ano pa man. Kung hindi dahil kina Donya Janet Napoles at sa Tropa nila Enrile, Jinggoy Estrada at Bong Revilla ay naku, baka mayaman na ang bansang Pilipinas.

Hoy! hindi nakakatulong sa ating minamahal na bayan ang mga katulad niyong palamunin at walang silbi (Ang hard ni author). Syonga! hindi ka nakakatuwa, baka akala mo. Sa panahon ngayon, mas sigurista na ang mga tao ngayon. Karamihan ng mga mayayaman ngayon ay nagsumikap sa buhay at nagtrabaho ng mabuti para sa kanilang mga pamilya. Wag nating ugaliin na umaasa sa iba, panget kayang tingnan.

Ngayon, bago ka umarte. Try mong maghanap ng trabaho. Yung marangal at maipagmamalaki na trabaho ang kunin mo para di ka maka-perwisyo. Syempre mangangarap ka na rin lang, itodo mo na diba? Nakakahiya naman sa bansang Pilipinas Hijo at Hija. Gawa-gawa din kasi ng paraan ah! Malay mo yumaman ka, hindi pa tapos ang lahat.

Hangga't may pag-asa ka pa, Hangga't bata ka pa. Huwag mo ng intayin na bumuka ang lupa at kainin ka nito. Hayy Naku! Ikaw din ang bahala sa sarili mo. At the end, wala kang pwedeng sisihin kundi ang sarili mo. Hindi na uso ang Awa effect ngayon ah. Baka san ka pulutin niyan! Try mong kumilos, wala namang masama eh!

Sabi nga nila, Try and Try until you die este until you succeed. Kaya nga Kuya at Ateng, Go! Go! Go!

Work! Work! Work! And have a prosperous life. Goodluck mga tsong. Sana magtagumpay ka! Nawa!

2. Kubo. Bahay. Palasyo!

-Siyempre mga Ate at Kuya! Kapag mga asensado at may sapat ng pera o ipon. Dun sa mga taong may ipon na, pwedeng pwede ka ng magpagawa ng sarili mong bahay. Kahit para kanino pa ang bahay, kahit para sa pamilya mo o para sa inyo ng asawa mo. Kailangan lang ng tamang paghahanda para sa pagpapagawa ng bahay. Bongga man o simple lamang.

Aba! Maraming nakatira lang sa lansangan, sa kariton, sa ilalim ng tulay, sa gilid-gilid ng mga estero at kanal. Nakakaawang isipin na bakit may mga taong walang matirhan. Sa kabila ng pagsisikap nila sa kanilang mga buhay. Maswerte nga kayong may mga sariling tahanan kahit na ito'y kubo man o barong-barong. Atleast may nasisilungan kayo sa oras ng ulan at matinding sikat ng araw.

Talagang napaka-hirap na ng buhay ngayon noh? napagtitiisan na lang ng marami ang ganitong sistema. Lagi niyong isaisip mga madlang pipol ang inyong mga future, na dapat maging matagumpay kayo sa buhay. Kawawa naman kasi ang mga susunod na henerasyon kapag wala na siyang naabutang maganda sa Pilipinas. Try to do better naman, simulan niyo sa inyong mga kabahayan at tahanan. Hindi pa katapusan. Dun sa mga nagsisimula pa lang sa buhay may asawa, paghandaan niyo muna para di kayo magsisi sa huli. Mahirap magsisihan. Atleast hangga't maaga inayos niyo ang magugung buhay niyo.

H.U.M.A.N Ang Utak mo!Basahin ang storyang ito ng LIBRE!