It's been two days. Tinatanong ko yung guard kung dumarating yung asawa ko sa bahay pero hindi daw. He's always checking the house pero hindi daw umuuwi yung so-called-husband ko.

"Ija, ihahatid na kita." sabi ni Lola at pinatayo ako mula sa sofa.

Sumakay na ko sa kotse niya then we're on the way home. After two days I decided to leave my grandma's house, wala pa din akong contact kay Rence since... Whatever.

Iniwan na din ako ni lola since kaya ko naman mag-isa sa bahay. *sigh* Seeing those places made me miss him. Okay, I admit it. I miss Rence, mahirap lang tanggapin na lahat ng ka-sweetan niya noon ay panandalian lang.

Hindi rin ako makapaniwala sa sinasabi ni Jeff sakin, na nakita niya daw may kasamang babae si Rence kahapon. Ayokong maniwala dahil alam kong hindi ganun si Rence.

Umakyat ako sa kwarto saka inayos yung mga damit ko. I'm not expecting him na umuwi ngayon. Bahala na. I decided to sleep with all windows and doors closed. Wala naman akong hinahantay dahil wala namang dadating.

*fast forward*

Nagising ako sa sobrang ingay sa baba, lumabas ako ng kwarto at sinilip sa hagdan kung sino yung nandun. And I regret doing that.

Rence and his friends, and their girlfriends. Totoo ba yung nakikita ko? Tumalikod ako at bumalik sa kwarto ko, ugh! I won't cry because of that. I won't, so please. Anong gagawin ko?

"Cami?" narinig ko yung boses ni Dustine sa likod ko, pinunasan ko yung mukha ko at lumingon sakanya.

"Yes?" Tanong ko then smile.

"Nakauwi ka na pala." Sa tanong niya, parang hindi ko bahay 'to. Pinilit kong kumalma hanggang sa nginitian ko na lang siya, tinawag na rin siya ni Rence sa baba.

Nakakagulat dahil umuwi si Rence ngayong bumalik na din ako. Instead na bumalik sa kwarto ko, bumaba ako pero hindi na nagulat si Rence dahil malamang, nasabi na ni Dustine sakanya.

"Hey, who's this Rence?" tanong nung isang girl na nakasandal sa balikat ni Rence. Her question made me want to kill her right now, kahit na kaharap ko pa sila, pero hindi ko ginawa dahil hindi ako ang dapat niyang tinatanong kung sino. I looked at Rence, I keep my both eyes on him.

"Who am I Rence? Do you want me to answer her question?" tanong ko sakanya, still without breaking our eye contact. Umiwas siya at parang walang narinig.. It hurts here again.

"Maid nyo ba yan? I thought wala kang kasama dito?" tanong pa nung isang girl na kasama di nila. I mean, yung kalandian niya.

Maid?

This face? This look?

I'm a maid?

Sure you're kidding me.

"I'm. Not." sagot ko sakanya clenched-fist. I feel my face burning from anger.

"Then who are you?" tanong pa niya.

"I'm the one-"

"She's Rence's wife." Nagulat naman ako at napatingin kay Travis. He has the guts to answer the question unlike Rence. I started to feel the tension inside the house, tahimik lang sila, yung mga babaeng kasama nila, napayuko lang, lalo na yung kalandian ni Rence. Walang gumagalaw except Travis who's playing with his glass.

Rence?! Wala ka man lang sasabihin?

"Sorry for interrupting." I said then tumuloy na sa kwarto para doon maglabas ng galit. Tumulo na yung luha ko pagtalikod ko at dahil yun sa galit. Wala nang iba, sa galit lang. Nilock ko yung pinto pati yung mga bintana at nagkulong sa walk-in closet, wala siyang spare key ng walk in closet kaya hindi niya ko makikita dito.

He Opened My Closed HeartBasahin ang storyang ito ng LIBRE!