// 2

208 8 0

// 2

Pag-uwing pag-uwi ko galing sa school, hinigas ko agad ang katawan ko sa kama ko dahil sa sobrang antok at pagod. Tinawag pa nga ako ni Mama na kumain muna pero wala akong gana. Papikit pikit na rin ako habang nakahiga sa kama. Kahit anong laban ko sa antok ko, napapapikit pa rin ako.

Sa kalagitnaan ng kaantukan ko, narinig kong nag-ring ang cellphone kong nasa tabi ko lang. Sinubukan ko itong kapain tapos ay agad kong sinagot ang tawag habang nakapikit pa rin. Hindi pa ako naghe-hello, agad nang nag-salita ang nasa kabilang linya.

“Janina, busy ka ba?”

Nang sabihin ‘yon nung nasa kabilang linya, agad kong napamilyaran ang boses niya. Napaayos ako ng upo at tinignan ko ang cellphone ko para makumpirma kong ito nga ang taong iniisip ko. Nang makita ko ang pangalan niya, kumpirmado. Agad kong binalik ang cellphone sa tenga ko.

“B-bakit?” tanong ko.

“Yayayain sana kita bukas sa mall kung wala kang gagawin at kung okay lang naman sa’yo.”

“S-sa mall? Bakit, a-anong gagawin natin do’n?”

Hindi ko maitago ang nauutal kong boses. Nanlaki ang mata ko at para bang nagka-mini heart attack din ako sa imbitasyon niya sa’kin. Niyayaya niya akong mag-mall bukas, ibig sabihin ba no’n niyayaya niya akong makipag-date? Naramdaman ko ang pagngiti ko pero agad din ‘yong nawala nang maalala ko si Princess. May girlfriend si Chris at kaibigan ko pa, at ako naman ay ilusyonada lang dito.

“Basta. Ayaw mo ba?” ramdam ko sa boses niyang parang nagtatampo tampuhan siya para lang makonsensya ako, “Sige, maghahanap nalang ako ng ibang mayayaya.”

Kilalang kilala ko si Chris at kilalang kilala ko na ‘yung ganyan niyang style na mangongonsensya siya para lang masunod siya. Pero kahit na gano’n kabisado ko na ‘yang style niyang bulok, hindi ko pa rin siya matiis. Kahit madalas nag-aalinlangan akong pumayag, sa bandang huli rin naman papaya din ako.

Gusto kong tumanggi sa imbitasyon niyang mag-mall dahil naiisip ko si Princess, pero naiisip ko rin ang kasiyahan na mararanasan ko pag pumayag ako sa imbitasyon niya. Sa hindi ko malaman na dahilan, nakita ko nalang ang sarili kong pumapayag.

“S-sige na. Pumapayag na ‘ko.”

 ***

The Cherry Blossom TreeBasahin ang storyang ito ng LIBRE!