22nd Chapter of Destiny

(Ryen Eve's POV):

"So, Zethe? Kumusta? Kinakabahan ka ba?" Tanong ni Jaira kay Zethe. Tinawagan ko na si Layne and he secretly put the phone on the center of the table para marinig ko pinag-uusapan nila. Sana wag pumalya. 

"Ahh, hindi naman. Nahihiya lang ako--"

"Wag kang mahiya! Sus! Ikaw naman! Sooner or later tayo-tayo na rin naman magkakasama eh!" I'm sure that's Aisis. Vote na vote kasi yun kay Zethe. -__- Kung alam niya lang.

"So, Zethe. Nililigawan mo na pala bestfriend namin?" Seryosong tanong ni Layne. Patay ka, Zethe. Uwahahaha!

"Ah, oo, Layne. Kaya ko nga kayo gustong kausapin eh..." Kalmado lang boses ni Zethe. O__O 

"Bakit naman kami papayag na ligawan mo siya? Give us one reason." That's Jaira. 

"Gusto ko siya..." *@_@* Tsk-- That's not enough. Hmp. Madali lang sabihin yan. 

"Gusto lang pala eh. Liligawan mo agad?" Malamig na sabi ni Layne.

"Mahal ko siya." What the?! 

"Oh ngayon mahal na agad? Napilitan ka lang eh." 

"No, gusto ko siya. Mahal ko din siya. Gusto ko siya at mahal ko siya." *O__O* Hindi totoo yan! He's lying!! 

"Paano mo mapapatunayan yan?" Sabat ni Aisis.

"I don't know..." Zethe sighed... Ang cute ng boses--ni Layne! -__-

"See? Hindi mo pala alam eh! So, yun na yun? Liligawan mo siya tapos yun na yun?" Layne retorted. I'm sorry for having you meet with Layne, Zethe. Sorry not sorry. =}

"Hindi yun. Ang ibig kong sabihin is... Hindi ko alam kung paano niyo makikita. Willing akong gawin lahat, pero hindi ko alam kung paano niyo makikita." Yan na yung pinakamahabang sinabi ni Zethe na narinig ko! 

"What can you do for her, aber?" Mataray na sali ni Jaira sa tanungan. Alam kong pinipilit lang nila ni Aisis na kumuwestyon pa kay Zethe. Si Layne lang naman yung atat talagang magtanong. Hehe.

"Anything. E-Everything." Hindi ko masyadong maramdaman kung kanina pa ba kinakabahan itong si Zethe. Hindi ko rin kasi masyadong ma-identify yung tone talaga ng boses niya kasi sa phone lang ako nakikinig... 

"Everything? Even if it will result to your own death?" Si Layne talaga ang lalim. -__-

"Death ko lang pala eh." Sagot ni Zethe. O___O I want to believe you, Zethe. Pero ayaw talaga nitong utak ko. Oras-oras pumapasok sa isip ko yung narinig kong usapan nila ni Ven. I don't trust Zethe. Not anymore.

"Sa dami ng babae sa University niyo, mas maganda, mas matalino, mas matangkad, mas maputi, mas sexy, mas, mas, mas! Oh bakit si Ryen Eve?" Aray naman! Nainsulto ako dun ah! T^T Ansama mo, Aisis! Huhu!

"Siya talaga eh. Siguro nga, maraming mas hihigit pa sa kanya." Tang-mother mo Zethe kinumpirma mo pa--! "Pero para sa'kin, siya ang pinaka. Pinakamaganda, pinakamatalino, pinakamatangkad, pinakamaputi, pinaka--ano pa ba yun? Wala na akong pakialam... B-Basta para sa'kin wala nang makakatalo sa kanya..." 

='(

=''(

Zethe naman eh! Wag mo naman akong papaniwalain diyan sa pinagsasabi mo! Tunog seryoso ka talaga eh, pero sa totoo kasinungalingan lang lahat ng yan! Just--shut up!

Loving a WeirdoBasahin ang storyang ito ng LIBRE!