Chapter 15

32 1 0

Una's POV

"Brad, ngayon ka na nga pala aalis papuntang school mo. Pwede ba ako sumama?" -Jared

"Nako brad. Saktong sakto. Di naman sa gagawin kitang kargador pero parang ganun na nga. Kailangan ko talaga ng taga buhat ng mga gamit ko."

"Yun oh! Ayos lang. Bubuhatin ko lahat yan. Ako pa. Laki kaya ng mga muscles ko. Talo ko pa nga si Superman." Sabay pakita pa ng muscles nya kuno sa braso nya. Pero infairness meron nga.

"Teka kelan ka pa nag gym huh?"pagkabigla ko naman.

"Push Ups lang yan. Tsaka tamang diet at exercise."

Wow. What a word.

"Fine -.-" haha. Di ako makapaniwalang ganito na pala kaganda ng katawan nya.

Napalingon naman ako sa kanya nang bigla syang magsalita.

"Gusto ko lang talaga makita yung papasukan mo."

Sabi na nga ba, gustong sumama ni Brad. Di naman din kasi yan papayag na aalis ako ng hindi sya ang maghahatid sakin.

-----------_-----------_------------

Nakarating na kami sa RIP saktong 10 am.

Naalala ko tuloy yung panaginip ko.

Naalala nyo ba yun? Yung time na di ako pinapasok ng guard dito kasi wala akong ID.

Buti na lang at dala ko na yun ngayon this time.

"Anak. Saan nga pala ang dorm mo?" Si mama yan.

Dali dali ko naman silang nilead kung saan patungo. Alam ko na ito ngayon dahil nalibot na namin ito last time ni Prince Austin.

And speaking of that Prince, 'saan na nga kaya yun?'

So yun na nga..nakarating na kami sa room ko.

-Room 5-

Nice. Room 5 pala ako. Excited na akong mameet ang mga makakasama ko dito sa room.

Sabi nila 3 daw kami dito.

"Really? Me too! I have Balancing subject."

Sabi yan ng girl na kakapasok lang sa room namin.

She looks cute.

" That's great! Oh wait. Hi!" Nagulat naman ako ng bigla akong batiin nung pangalawang pumasok sa room.

"I'm Mycah. And she's Claire." Pagpapakilala nung pangalawang pumasok.

"Ahm. Hi! I'm Una. Una Angeles."sabi ko naman

"Oh I see. So you're our new roommate,huh." -Claire

Okay. So sila din pala ang bago kong roommates.

Nice. Englishera pala ang mga makakasama ko dito. For sure, dugo dugo ilong ko nito.

Tissue please.

Natapos ang introduction part buti naman at di dumugo ang ilong ko. Namanage ko naman sya.

:)

Tinuro na nila sakin yung sarili kong locker at bed.

Sinabi rin nila na kapag nagutom naman ako it's either magpadeliver na lang or pumunta sa cafeteria.

Kung alam nyo lang, grabe pala ang presyo ng pagkain dito. Ginto.

Binayaran na ito ni Mayor kaya wala na daw akong iisipin pa. Nahiya tuloy ako.

Gruuuuuu

Hahaha.

Sabay sabay kaming napahawak lahat sa tyan.

Isang sign kapag nagugutom ka na.

"Tara Brad. Kain na tayo." Pag-aya naman ni Jared.

Since nandito na rin naman ang mga roommates ko sabay sabay na lang daw kami kumain.

This Poor PrincessBasahin ang storyang ito ng LIBRE!