FYIP 8

74K 1.9K 435

Hello kuya Gyno! Yung ibang jokes,gusto ko lang icredits kay Kuya Gyno! Sa kanya ko nakukuha yung iba mula sa TILOFIL,FILOA and dito sa FYIP! <3 and sana matuloy din yung pagkakaroon niya ng book! Waaaah. Oorder talaga ako,sa kanya mismo para may sign! Hihi :””>

FYIP 8: Fiance

Dustin’s POV

Haaay. Gravity ang buhay! Gravity din si Author sa love life ko at family life ko. gravity!

 Minsan nakatulala lang ako at nakatingin sa langit,iniisip ko kung bakit hindi na lang ako naging.. SEXBOMB DANCER! Edi sana masaya. JOKE. Hahaha.

Napabuga ako ng hangin ng maalala ko ang nangyari nung isang gabi.

**Flashback

“Miss naman,bitawan mo na—“

“Excuse me Miss. Asawa ko ata yang dinidikitan mo.” napatingin kami sa nagsalita. Lumapit ito sa amin.

“Akala ko sa hipon ka lang pumapatol,pati ba naman sa hito?” tanong niya sa akin. “I didn’t know na sea food lover ka pala.”

Eh?

“Kilala mo ba tong babaeng to?” tanong ng babaeng lasing.

“A-asawa ko. kaya bitawan mo na ako. Nakikiusap ako kung ayaw mong maging inihaw na hito bitawan mo na ako.” Bwisit naman oh! Bakit kasi ako pa tong nahagilap nitong babaeng to?

“Akala niyo ba maloloko mo ako? You look young and fresh—Hey bitch! Don’t touch my hair!!!” sigaw ng babae. Kasi naman si Hanako sinabunutan na ang babae. Etong babae naman ayaw pa ako bitawan kahit sinasabunutan na ni Hanako.

“DON’T EVER TOUCH MY HUSBAND AGAIN YOU FCKING COW!!!!” kanina hito,ngayon cow? Yung totoo Hanako?

Si Hanako po ba ito? Pati ako natatakot!

Inalis na ng babae ang pagkakakapit sa akin at sinabunutan na din niya si Hanako. Naku naman oh! Late na ng gabi may nagsasabunutan pa ng dahil sa akin. Ang gwapo ko nga naman. Ang mga babae nga naman talaga oh. Tsk tsk.

“Tama na Hanako!” pagaawat ko. linalayo ko na si Hanako dun sa babae pero mahigpit ang laban. Hahaha. De kasi naman ayaw nilang bitawan ang buhok ng isa’t-isa.

“Hanako,wag mo na yan patulan. Lasing yan.”

“Ikaw nga pinatulan mo tong half hito half cow na ito!” sigaw ni Hanako habang nakikipagsabunutan pa.

“Hindi ko sya pinatulan,siya tong lumapit! Mamatay man siya,peksman!”

“Kahit na! hinayaan mo pa rin na dumikit siya sayo.”

Forever You and I,Promise! (FYIP)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!