VI

333K 5K 56

Chapter Six

  
Maaga akong nagising kinaumagahan, tulog na tulog pa si Warren at naghihilik pa. Hindi ko na napansin kung anong oras siya natulog kagabi dahil ilang minuto lang matapos akong mahiga ay nakatulog na ako.

Tinignan ko ang orasan sa night table at nakitang alas otso na. Bumangon na ako para maghanda ng almusal namin.

Nagluto ako ng hotdog, bacon at fried rice. Bumalik ako sa kwarto pagkatapos para sana yayain na si Warren mag-almusal pero tulog pa rin siya. Balak ko sanang gisingin pero napansin kong mahimbing pa rin ang tulog niya, pagod na pagod siguro siya kahapon kaya hinayaan ko na lang muna siya at nagdesisyon akong maligo muna.

Nasa isip ko pa rin siya habang naliligo. I wonder what's causing him stress gayong simple lang naman ang mga itinuturo ko sa kanya sa office. Well, aside from his meetings with demanding investors and board members, wala namang nakakapagod doon. But despite all that, he still looks good. Sa tingin ko ay mas bumagay pa nga sa kanya ang takbo ng mga pangyayari. When he's too busy with work, he tends to care less for himself. He lets his facial hair grow longer, and he leaves his hair disheveled. This negligence is turning him a thousand times hotter and it's not helping me.

I'm supposed to get over what I am feeling. Paano ko magagawa 'yon kung araw-araw ay bubungad sa akin ang gwapong mukha niya?

Napabuntong hininga na lang ako sa tinatakbo ng isip ko. Sa halip yata ng paglimot sa kanya ay pinagnanasaan ko pa siya! It's so frustrating.

Tinapos ko na agad ang pagligo. I took a towel to dry myself and my hair, and another one to cover my body. The white towel is not enough to cover my long, shapely legs but it will do since tulog pa naman si Warren.

Paglabas ko ng banyo ay sakto namang lumabas ang lalaking kanina pa tumatakbo sa isip ko mula sa kwarto.

"Uhh.. good mornig," sabi niya na medyo disoriented pa.

"G-good morning," halos bulong lang na saad ko.

Nakakahiya! Bakit ba nakalimutan kong magdala ng damit at nang makapagbihis na ko do'n? Bakit hindi na lang siya natulog ng mas matagal p

"Uhm, nagluto na 'ko ng almusal, mauna ka nang kumain..." sabi ko at dumirecho na agad sa kwarto. 

Sinigurado kong naka-lock ang pinto bago huminga ng malalim. 

Nakakahiya talaga. Baka isipin niya pa sineseduce ko siya.

Maglalakad na sana ako patungo sa cabinet ko ng makarinig ako ng mga katok mula sa pinto ng kwarto. Napapikit ako ng mariin.

Ano na naman ba?

"Mary Claire?" tawag ni Warren habang tuloy pa rin sa pagkatok sa pinto.

"Yes?" sagot ko nang hindi siya pinagbubuksan.

"Let's eat together. Bilisan mo d'yan, ah." narinig kong saad niya.

"Okay!"

  

"What are your plans today?" tanong ni Warren nang kumakain na kami.

Nagkibit ako ng balikat. "Wala, pahinga siguro." simpleng saad ko.

Kumunot ang noo niya. "Still the same girl I know." narinig kong bulong niya, meron pa siyang mga sinabi bago 'yon pero hindi ko na narinig dahil sa hina ng boses niya.

Itatanong ko sana kung ano ang sinasabi niya nang dinugtungan nito ang sinasabi.

"You know what? I think after several years of being away from each other, I'm quite sure that you still don't have social life like before." prangkang saad niya na nakapagpataas ng kilay ko.

"What? Tama naman ako, 'di ba?" natatawa pang saad nito, inirapan ko siya sa inis.

I have a Facebook account. I am not that active but that social media account should count, right?

Nabigla ako nang humalakhak siya. "See? I'm telling the exact truth." sabi niya na tila proud pa sa pamamahiya sa akin.

"Oo na, bwisit." Umirap ako ulit bago nagpatuloy sa pagkain.

"Let's date," narinig kong sabi niya kalaunan. Akala ko nagbibiro siya pero nang tinignan ko siya ay seryosong-seryoso ang kanyang ekpresyon. Ang mga mata niya'y tila nakikiusap taliwas ng matikas na dating ng panga nito na tila nagmamalaki.

"Ha?" wala sa isip kong saad. Naisip kong samahan o tulungan si mama sa trabaho niya ngayon para kahit papano ay makapagbonding kami dahil hindi na rin kami gaanong nakakapag-usap dahil sa sobrang busy sa trabaho. Bigla kong naalala, nagpapasama pala si tita Cess mag-shopping!

"Let's hang out together. It's been a long time since I went out with you." sabi ni Warren. Gusto ko man siyang paunlakan ay hindi ko magawa dahil nakapangako na ako sa mommy niya.

"Hindi pwede, eh. Nagpapasama pala ang mommy mong mag-shopping ngayon, noong Thursday niya pa sinabi." sabi ko nang nakangiwi.

Ngumiti siya. "Walang problema. Sasamahan ko na lang kayo." aniya na parang napakasayang pakiramdam dito na mapaligiran ng maraming tao eh ayaw nga niya ro'n.

"Sure ka? Mall yung pupuntahan namin ah?" tanong ko para sigurado.

"Yep. Let's just finish eating then we can go." balewalang saad niya.

  

"Wala po ang mama niyo sir, umalis siya kasama si ate Barbs." ani Liezel, ang dalagita na isa sa mga kasambahay ng mga Lazares na tumutulong sa mama ko sa mga gawaing paglilinis.

Ang mama ko kasi ay medyo may edad na kaya luto na lang ang maaari niyang serbisyo sa mga Lazares, ewan ko nga kung bakit hindi pa nila tinatanggal si mama, eh. Mas gusto ko ngang tumigil si mama sa pagtatrabaho at magpahinga na lang dahil kaya ko naman ng tustusan ang mga pangangailangan namin pero dala na rin ng hiya at utang na loob, patuloy pa rin ang pagbibigay serbisyo ni mama sa mga Lazares.

"Ha? Ano namang gagawin ni mama kasama si tita Cecile?" nagtatakang tanong ko.

"Hindi ko po alam ate eh, basta maaga po silang umalis, kasama pa nga po si sir Winston." sagot ni Liezel.

"Baka nag-shopping na o baka nag-golf?" ani Warren.

Kumunot ang noo ko sa suggestion niya. "Hindi naman marunong mag-golf si mama bakit siya sasama? Saka 'di naman mahilig mag-shopping 'yon o kahit lumabas man lang ng bahay."

"Oo nga pala, sa kanya ka nga pala nagmana." natatawang sabi niya na nagtamo ng irap mula sa akin. "C'mmon, let's not mind them. Tayo na lang."

"Tayo na lang ang alin?" nagtatakang tanong ko.

"Lalabas? Masyado ka namang makakalimutin, kakasabi ko lang kanina, eh." parang napipikon nang sabi niya.

"Ah, sorry." Akala ko kasi gusto mong maging tayo na lang. "'Di ka man lang ba maliligo?" natatawang tanong ko, mukha kasi siyang iritadong negosyante na nalugi sa business na hindi pa man nasisimulan.

Bumuntong hininga ito. "Wait for me, I'll be quick." aniya at umakyat na ng hagdan bago pa man ako makapagsalita.

He's Not Just My Boss (Published under PSICOM)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!