Erris' POV

Lagot na, nakita ni Jino ang pag-iba ng kulay ng buhok at mata ko na tanging ang Infinity Princess lang ang dapat na makagagawa..

Namamawis na ang mga kamay ko. Ano na ba gagawin ko? Paano kung isiwalat ni Jino sa lahat na ako ang Infinity Princess, hindi pwede. Hindi pa pupwede. Magugulo lang ang lahat.

"Anong.." kunot-noo na umpisa ni Jino. Pero hindi na niya itinuloy ang sasabihin at naguguluhan na hinintay lang ang explanation ko.

Nag-aalala na tinignan ko si Aspen at Flint. Parehas silang ngumiti at nagkibit-balikat lang..wala ba silang plano tulungan ako?

Agad na napagdesisyunan ko na gamitan nalang ng mahika si Jino. Buburahin ko ang ala-ala niya.

Kita ko ang gulat sa mukha niya nang magsimula gumapang ang kulay dilaw na kulay sa buhok ko..

"Erris!" Aspen. Nilingon ko ito, umiling ito sa'kin. Nakuha ko naman ang ibig iparating ng iling niyang 'yon. Kaya inihinto ko ang paggamit ko ng mahika..

"Nasa Magic Paradise Academy tayo..Gusto mo ba na matunton ka ng mga teachers at professors.." Aspen

"Mararamdaman nila ang presensiya mo bilang Infinity Princess kung gagamit ka ng kapangyarihan.." Flint

Mabilis na tinignan ko si Jino. Gulong-gulo ito..

"Ikaw...talaga ang..Infinity Princess?" Jino

Naramdaman ko ang paghawak nila Aspen at Flint sa balikat ko..nakalutang ang mga ito,

"Hindi ka gagamit ng kapangyarihan..gawan mo ito ng paraan, Erris Lily.." Aspen

"Tsaka, oo nga pala, yung clone mo sa kwarto mo, kapag bumalik ka roon mawawala na rin 'yon. Malamang kasi naramdaman na ng mga kaibigan mo ang presensiya ng Infinity Princess sa kwarto mo kaya kailangan na ilayo ka muna namin roon.." Flint

Tumawa ng pagak si Aspen, "Hindi lahat doon kaibigan, remember.." Aspen, "Aalis na kami."

"Teka..saan ba kayo pumupunta?" tanong ko.

"Dun sa a--" Flint.

Kinurot ni Aspen ang tagiliran nito, "Bawal sabihin..babush!" Aspen

Biglang parang bula na nawala ang dalawa pagkatapos umilaw ng wand ni Aspen.

Humarap ako kay Jino at magsisimula na sana magpaliwanag nang hawakan nito ang kamay ko at hilahin ako palabas ng room na 'yon..

**

Magic Paradise: The Lost Prodigy PrincessBasahin ang storyang ito ng LIBRE!