CHAPTER 11

13 1 1

Heart's POV

Totoo ba lahat ang nangyayari? si Amy at Kris?

Bakit hindi sinasabi ni Amy?

Bakit hindi sinasabi ni Kris?

Bakit inaasar pa ko ni Amy?

Bakit... Bakit nagawa ni Kris na... Halikan ako?

Napatayo ako sa pagkakaupo ka sa likod ng school, I need an answer.

Kay Amy kung bakit hindi niya sinasabi na si kris ang boyfriend niya, ang alam ko lang meron siyang long time bf, hindi ko alam na si Kris yun at Bestfriend niya ko dapat alam ko yun!

Hakbang... hakbang

Kay Kris imposibleng hindi ako nakikwento ni Amy sa kanya, bakit niya ko pinaikot, bakit niya ko hinalikan, bakit niya ko pinaasa?

tigil.

Pinaasa Heart?

I mean pinag mukang tanga, haist! Basta I want their explanations.

Mabilis akong pumunta sa harap ng school at hinanap sina Amy,

Nakita ko silang sweet na magkausap sa may second floor.

Parang may gumuhit sa puso ko, grabe ganito ba talaga ka sadista ang pag ibig? o ang mga taong nakakaramdam nito? masakit na nga pilit pa ring lumalaban. Kahit una pa lang, alam na nila ang kahihinatnan.

Basta magkapira piraso man ang puso ko sa sakit ngayon haharapin ko sila, hindi pwedeng hahayaan ko na lang ang mga nangyari.

Naglakad ako papalapit kay Amy at kris naka dungaw sila sa baba kaya hindi nila napansin na paparating ako.

"Kris bakit ba hindi mo na lang ako kaagad kinausap nun? nakipagkaibigan ka pa kay Heart?"

"Plano ko magpatulong sa kanya para magkabati tayo, kaso ang easy to get naman nung kaibigan mo konting pacute ko lang ayun na inlove na ata saken"

Aray! napaatras ako sa narinig ko, easy to get?ako?

"Kris diba sabi ko naman sayo she never been inlove, walang manliligaw since birth dahil sa sobrang kabaduyan. Nagtitiis lang naman ako sa kanya for the sake of my grades"

Double ouch! napaatras na naman ako,

"Matalino ka naman ah"

"oo nga pero mas matalino si Heart"

"That's why you want me to flirt with her para mawalan siya ng focus sa studies?"

"No I just want her to feel how to be loved, you know that she will never have a boyfriend right?she's too boring and ugly"

Hindi ko alam kung dapat ba kong sumingit sa usapan nila, para akong papel na pinipira piraso habang naririnig ang mga salitang mula sa mga taong inakala kong bumubuo sa buhay ko.

Imbis na mas lalo pang bugbugin ang sarili ko sa pakikinig sa kanila, tahimik akong umalis.

pakiramdam ko naulit ang mga nangyari kay mommy sa akin, hindi nga lang kami ni cris, wala lang din akong karapatan, I knew it.

alam ko ng mangyayari to, nakalimutan ko lang na mas mabigat ang ending nito.

Ending na literal na katapusan ng lahat ng meron kami ni Amy, katapusan ng lahat ng pag asang nabuo sa konting panahon ng pagsasama namin ni Cris, katapusan ng isang chapter ng buhay ko na sana ay hindi ko na lang sinubukang buklatin pa.

LOVE RESEARCHBasahin ang storyang ito ng LIBRE!