Chapter 62: No Change Of Heart

22 0 0

Daniel's POV

Nandito sya. Nasa Pilipinas sya. Kailan pa?. Bakit sya bumalik?. Yan ang mga unang tanong na pumasok agad sa utak ko nang makita ko sya. Hindi agad ako nakagalaw o nakaimik dahil sa gulat.

Kung ano-ano naman agad ang sinabi nitong si Kath kaya hinila ko na sya palayo kay Xandra. Baka madulas na naman dila neto ehh.

"Bitawan mo na nga ako DJ. Dumating lang ulit yang si Alexandra nagiging bayolente ka na naman." binawi ni Kath ang braso nya.

"Hindi okay?. Kung ano-ano kase ang sinasabi mo sa kanya ehh. Manahimik ka na lang. Wag mo na lang sya kausapin." sabi ko habang sya naman sumimangot lang. -.-

Nagpunta na sya sa dresser nya para magbihis. Ganun din ako. Kinakabahan ako kapag magpipictorial na kami. Magiging awkward lahat. Clothing line to at loveteam kami ni Kath, kailangan din na sweet kami kapag photoshoot na.

Natapos na magbihis si Kath, nagpapamake up na sya. Nandito pa din ako sa dresser, ayoko pa lumabas. Kinakabahan talaga ako, parang may pumupulupot na kung ano sa tiyan ko. Tss. Dapat di ako ganito ehh, hindi naman kase ako handa sa pagbalik nya.

Akala ko matatagalan pa sya bago makabalik pero ngayon, nakita ko sya sa harapan ko. Mababaliw na ata ako.

"Hoy DJ!. Lumabas ka na jan!. Ipapagiba ko kay Dumbo tong pinto kapag hindi ka pa din lumabas jan!." sigaw ni Kath sa akin. Tss. Pati si Dumbo isinama pa dito.

Binuksan ko ang pinto at nakita kong tapos na pala sya magpamake up. "Kung magtatago ka jan habang buhay edi wag na natin ituloy tong photoshoot o kaya naman magpapalit tayo ng photographer pa hindi ka nagiging-" I cut her off.

"Okay lang ako, nagulat lang ako kanina kaya ngayon inihahanda ko lang ang sarili ko. She caught me off guard. Now, magpapamake up na ako. Gawin mo na yung part mo para makapagumpisa na." tinitigan pa ako ng Kath ng 2 minuto saka nagkibit balikat at umalis na sa harapan ko.

Pumunta ako sa make up artist para magpamake up at ayusan ng buhok. Don't get me wrong, foundation lang to para lang magcomplement sa mga ilaw. Basta, ang iharap iexplain.

Pagkatapos ko ay ilang sandali pa ako tumingin sa salamin. Sinusigurado ko lahat para maging maayos ang sistema ko. Kanina habang kaharap ko sya parang may mga tambol sa loob ko at pilit kumakawala ang puso ko, hindi ko alam kung dahil sa kaba.

"Daniel, it's your turn." sabi ng RD (road manager) ko. Tumango lang ako sa kanya.

Humugot ako ng malalim na hininga bago lumabas ng silid. Wag kang kabahan Daniel, kaya mo yan. Pilit kong inuulit ulit sa sarili ko yan.

Nakasalubong ko si Kath dahil magpapalit na ulit sya ng damit. "She's a monster, DJ. I can't believe na sya yung dating Alexandra. Napaka professional nya at ang strict nya. Gosh!." nagrereklamo si Kath. Baka pinahirapan sya ni Xandra. Ngumiti na lang ako kay Kathat nagpatuloy sa paglakad.

Nakita ko na sya, nakatayo at nakasabit sa kanyang leeg ang DSLR. Hindi nya na gamit ang DSLR na ibinigay ko sa kanya noon. Ginagamit nya pa din kaya yun?, itinago nya kaya o baka naman itinapon nya na?.

"Hey, punta ka na sa gitna para masimulan na to." sabi ni Xandra habang nakatingin pa din sa DSLR nya. Hindi nya manlang ako tiningnan. -.-

Sumunod na ako sa kanya at pumunta ako sa gitna. Nakasuot ako ng leather jacket with white tshirt na may print, tight jeans at vans pa din na kulay black.

Inaayos nya ang mga ilaw, may pagkakataon pa akong titigan sya. Sobrang gumanda pa sya lalo ngayon, nagmatured din ang mga features nya. Mas naging sexy din sya ngayon at pumuti pa sya lalo. Humaba din ang buhok nya at kulay brown ang kulay nito. Ibang-iba na sya ngayon.

Saktong paglingon nya ay yumuko ako at kunwari ay inaayos ko ang pantalon ko. Inintay nya ako matapos.

Relax Daniel.

"You ready?." tanong nya. Tumango lang ako, hindi ako makapagsalita. Natatakot ako.

"Ngumiti ka sa camera okay?. You'll make actions na parang nageenjoy ka. Think happy thoughts habang ginagawa mo yan. Pagkatapos dun tayo sa serious side mo, more of dangerous side. Clear?." litanya nya habang nakatingin ng diretso sa mata ko.

"Okay." maikli kong sagot.

Nagsimula na sya magclick at ako sinunod ang mga sinasabi nya. Madali lang pala sya makatrabaho, professional nga talaga sya sa ginagawa nyang ito. Kung maituring nya ako parang hindi kami magkakilala.

"Let's end this way Daniel. Let's end hating each other. Kapag nagkita tayo ulit, na sana ay hindi na mangyari. Magpanggap tayo na hindi magkakilala. Kakalimutan kita hanggang sa abot ng makakaya ko pero hindi ko kakalimutan ang sakit na binigay mo sa akin. Sa ngayon, ang gusto kong gawin mo ay umalis sa paningin ko. Nakakasuklam ka Daniel."

Umalingawngaw ang mga huli nyang sinabi sa akin noong bago sya umalis ng Pilipinas. Bigla akong napahinto at sumeryoso.

"Hey, wala pa tayo sa serious side mo." reklamo ni Xandra. Ngumiti lang ako ng malungkot sa kanya.

Agad nyang kinunan ang ngiti kong malungkot, ilang shots ang kinuha nya at agad nyang tiningnan sa DSLR nya. "Mas magaling ka sa serious side mo. Mas natural sayo to." sabi nya na nakatingin pa din sa DSLR na parang sa sarili nya yun sinasabi.

Biglang nagbago ang expression ng mukha nya. "Okay, sa dangerous side na tayo. Magisip ka ng taong kinaiinisan mo o may galit ka. Sumandal ka jan sa pader at ituon mo ang isa mong paa sa pader habang ang isa mo namang kamay ay ilagay mo sa loob ng bulsa mo. Tumingin ka dito sa camera, isipin mo na ang camera na ito ang taong kinaiinisan mo o kinagagalitan mo."

Seth. Yan ang agad na pumasok sa isipan ko. Sya ang kinaiinisan ko, naiinis ako dahil sya ang nasa tabi ni Xandra. Pero mas naiinis ako sa sarili ko dahil pinakawalan ko si Xandra.

Agad kong inayos ang pwesto ko at tumingin sa camera. Kinuhanan nya agad ang pose ko. Tumingin pa ako sa kabilang side ng kwarto at tumingin ako ng diretso sa kanya.

Biglang napangiti ako sa kanya at kinuhanan nya din yun. Nakailang shots pa at tiningnan nya na ang resulta sa DSLR.

"Come here, tingnan mo mga shots mo." sabi nya na nakatingin pa din sya sa DSLR.

Lumapit ako at naamoy ko ang sweet scent ng pabango nya. Ano kaya ang pabango nya ngayon?.

Ipinakita nya mga shots ko. "What do you think?." tanong nya sa akin.

"Well, it looks like me?." di sigurado ang sagot ko sa kanya.

Napatawa sya sa sinabi ko sa kanya. Atleast kahit papaano nagagawa ko sya mapasaya. Kahit noon puro sakit lang ang nangyari sa aming dalawa. Napatitig lang ako sa kanya.

"Dito, medyo bad boy ka dito." naputol ang pagtitig ko sa kanya at tumingin sa camera.

Napangiti na lang ako sa camera at napailing. Dumistansya na sya sa akin. "Magchange ka na ng clothes. Sabay na kayo ni Kathryn para sa final shots."

Tumango na lang ako at sya naman nagpatuloy sa pagscan sa camera. Umalis na ako at pumunta sa dressing room para makapagbihis.

Hindi pa din sya nagbabago, kahit nagbago ang physical appearance nya. Hindi naman nagbago ang puso nya.

You Found Me (On hold)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!