XXXV - Longing For You

2.8K 64 4

"PERISIA who's that gorgeous guy with you?" Napalingon si Hades sa pinanggalingan ng boses, isa sa mga staff nila, nasa studio sila para naman sa pagtingin nila ng mga pictures na pipiliin upang ilabas sa magazine na irerelease nila.

Nakita niyang kasama nito ang isang lalaki na matipuno at hindi maitatanggi na may kung anong karisma sa mga babae, lahat ng babae dun ay halos napalingon sa lalaking iyon.

Maamo ang mukha nito na parang sa isang anghel at halatang kinikilig ang ibang naroroon dahil dito, napakunot ang kanyang noo at tumingin lamang sa dalawa.

Magkahawak kamay ang dalawa, dahil doon ay nagtagis ang kanyang mga bagang, pinakiramdaman niya ang lalaki, isa lang itong normal na tao.

Inalis niya ang tingin sa mga iyon dahil baka kung anong magawa niya sa nilalang na kasama ng kanyang minamahal na si Persephone pero kahit pa nagawa niyang alisin ang paningin dito ay hindi niya maiwasang hindi marinig ang usapan ng mga ito dahil na rin sa ginamit niya ang kapangyarihan ng pandinig.

"Perisia sino yang kasama mo?" Tanong ni Thea dito.

"His name is Dimian, guys I would like you to meet my special guy..." Halos magtilian na ang mga naroroon habang siya ay parang gusto ng batuhin ng ubod lang ang kasama nito, "...We are currently dating."

"Dating? Baka mamaya boyfriend mo na siya ah." Narinig niya ang masayang pagtawa ni Persephone, napasulyap siya sa mga ito, nakita niyang nakangiti ito na parang wala ng sakit na nararamdaman, ni hindi man lamang siya sulyapan nito, nakapulupot ang kamay ng lalaki sa baywang nito habang ito ay nakikipagusap, parang gusto niyang lumapit at baliin ang kamay ng nasabing lalaki.

"No but nothing is impossible pero kakakilala pa lang naming ano..." Nakita niyang papasulyap ito sa direksyon niya kaya bigla ay kunwari nagbasa siya ng magazine, narinig niyang nagpatuloy lang ito sa pagsasalita, "Maybe someday baka magkatotoo din yan at malay mo hindi lang basta boyfriend kundi married couple."

"Aaahh..." Halos lahat ay parang kinilig sa kasweetan ng dalawa, maliban sa kanya.

"Sige mamaya na ulit ang chikahan get back to work..." Biglang nagsipagkilos ang lahat ng marinig nila si Cyrus na magsalita mula sa likuran nila Persephone.

Nagulat siya ng lumapit sa may banda sa tenga niya si Persephone at nagsalita na parang nangaakit, "Heids ganyan ka ba magbasa ng magazine?"

Napatitig siya dito at nakita niya ang magagandang mga mata nito, ngumiti ito ng pagkatamis tamis at biglang hinawakan ang magazine na kunwari'y binabasa niya, "May hangover ka pa ba kahapon?"

Ibinaliktad nito ang magazine at saka niya lang narealize na nakabaliktad pala yun.

Napatikhim siya at umayos sa pagkakaupo.

"Binaliktad ko talaga para makita ko yung pictures ng maayos bawat detalye." Palusot niya.

"Okay whatever you say, uulitin ko lang bawas bawasan pagkakape ah." Muli siyang napalingon dito at siya naman ang ngumiti ng matamis dito.

"I'm happy to know that you still care about me." Kinindatan niya ito at para naman itong natulala.

Napatitig siya sa mga labi nito ng biglang may tumikhim sa harap nila at sabay silang napalingon, ang damuhong lalaki na kanina ay gusto niyang bugbugin.

"Ahm you are Heindy?"

"Heidrick, Heids for short." Nabwisit pa siya sa maling pagbigkas nito sa kanyang pangalan.

"Oh I'm sorry, I'm Dimian." Iniabot nito ang palad sa kanya, siya naman ay tumayo at tinitigan ang kamay nito bago inabot din yun at ngumiti ng mapakla dito sabay titig ng matalim.

Agad nitong binawi ang kamay, lumapit dito si Persephone at iniyakap ang isang kamay sa bewang ng lalaki, "Sige pare dun na muna kami."

Tumalikod na ang mga ito ng bigla ay hilahin niya ang kamay ni Persephone at napalingon ito, nagtatanong ang mga mata nito kung bakit niya ginawa iyon.

"Ahhh gu-gusto ko lang magpa-pasalamat para sa concern mo kanina." Halos mautal na siya sa sinasabi dahil hindi naman yun talaga ang nais niya.

"Yun lang ba ang gusto mong sabihin?" Tanong nito na parang naghihintay pa ng sunod niyang sasabihin.

Binigyan niya ito ng isang tipid na ngiti sabay iling iling, "Oo yun lang."

Tumango tango ito bago tumuloy sa pagalis papunta sa upuan nito, tumitig lang siya sa mga ito, ang kanyang pinakamamahal ay nasa piling ngayon ng ibang lalaki.

Alam niyang siya ang dapat sisihin, hindi pa man opisyal ang relasyon ng dalawa ay sobrang pagseselos at sakit na ang nararamdaman niya.

~~~~~~~

PATULOY na nakatitig lang si Persephone sa mga naglalakihang gusali sa itaas ng building na iyon, pagka pack up nila ay doon muna siya tumuloy, "Magisa ka lang ba dito?"

Napalingon siya sa boses ng nagsalita, "Dimian, oo wala sila Cyrus o Hermes, ako lang." Lumapit ito sa kanya at nagabot ng isang maliit na baso ng kape, napangiti siya ng maalala niya si Hades na pinaalalahanan niya kanina ng tungkol doon.

Lumingon ito sa kanya at binigyan siya ng isang napakatamis na ngiti, parang may mahika ang taglay nitong kagwapuhan na kahit na siya ang nangaakit ay parang siya pa ang naaakit dito.

"I'm happy to know that you still care about me." Kinindatan siya ito.

Nakita niyang tumitig ito sa labi niya ng biglang may tumikhim at napalingon siya.

"Muntik ka na kanina ah." Napahinto siya sa pagalala ng nangyari ng marinig ang tinig ng kausap niya ngayon.

"Salamat sayo na napigilan mo ako kanina." Napatawa siya, "Muntik na naman sana ako dun."

"Ayos lang mahal na dyosa, alam ko naman ang plano at handa akong tumulong sa bagay na yun, hindi ko hahayaang magkamali ang sino man sa atin." Ngumiti ito, gwapo ito, maamo ang mukha na parang gaya ng kay Eros ngunit ang pinagkaiba lamang ay isa lamang mortal ito, iba naman ang pagkagwapo ni Hades, parang punong puno ng misteryo ang pagkatao nito, misteryo na dahilan kung bakit siya nahumaling dito.

"Buti na lang nandyan ka, salamat sa naitutulong mo."

"Walang anuman, pati rin naman ako makikinabang dito hindi ba?" hinawakan nito ang kamay niya, "Basta tandaan mo lang lagi akong nandito, tutulungan kita sa kung anong kaya ko."

Ngumiti din siya dito, binitawan na nito ang kamay niya at humingang malalim bago muling nagsalita, "Alam mo bang kahit makapangyarihan siya, nabubulag siya ng selos niya kaya hindi niya ganun nagagamit ng maayos ang mga kakayanan niya, kaya siguro hindi niya pa alam talaga ang plano, bukos sa pagsasanay niya na gaya ng naikwento sa atin ni Cyrus, ikaw lang ang binabantayan niya, pagdating sayo nabubulag siya dahil sa ikaw lang nakikita niya."

Napalingon siya sa gawin nito at nakita niyang nakatitig ito sa buwan, ang araw ay kasalukuyan ng bumababa kasabay ng pagahon ng buwan, alam na niya ang dahilan, maging ito ay nangungulila sa taong minamahal.

Halos pareho lang sila ng nararamdaman, yung pangungulila sa taong mahal mo pero hindi mo siya makasama dahil lahat ay may tamang panahon at ang panahon na iyon ay hindi pa ngayon.

Bigla siyang nalungkot sa isiping iyon, ang pagkakaiba nila ni Endymion ay hindi pa nito makasama ang taong mahal na kahit isang minuto man lang ay di pa rin pwede.

Kaiba sa kanya na napakalapit lamang ni Hades pero ang maipadama dito kung gaano niya kamahal ay hindi niya magawa, lagi na rin silang nagkikita at nagkakasama pero matagal na panahon na rin ng huli niyang banggitin na mahal niya ito, doon niya naisip na sobra na pala talaga siyang nangungulila dito, ang mahawakan at mayakap ito pero dahil sa mga bagay bagay ay kailangan nilang magtiis.

END OF CHAPTER 35

~~~~~~~

PLN_JN6

Soul Of A Greek God [R18]Basahin ang storyang ito ng LIBRE!