DREV'S POV

Nandito na kaming lahat sa swimming pool, at kami lang ang naliligo dahil ipinareserve ni Steve para mag-enjoy kami.

Lahat ng girls na kasama namin ay naka two-peice, may nadagdag pang isa. Kababata ni Steve, kilala ko rin siya pero hindi kami close...Trisha daw ang pangalan niya.

Ang saya-saya ng mga girls na naglalaro ng volleyball sa pool.

10pm na pero naglaro pa talaga sila, ang lakas tumawa ni Shin. Tumatakbo kasi ang kapatid ko pag papalapit na sa kanya ang bola. Habang kaming mga boys ay nanunuod lang sa kanila sa gilid. Nakatingin naman si Steve sa ate ko.

Manliligaw ni Ate si Steve nuon, nagkakilala sila at naging close ng dahil sa akin.

Playboy si Steve pero unti-unti siyang nagbago lalo na nung umalis si Ate ng hindi man lang nagpaalam.

Pumunta kasi si Ate ng france para mag-aral bilang isang fashion designer.

Mga isang taon rin, sandali lang kasi nakapag-aral na siya dito pero pinalipat siya ni Dad para daw magfocus. Pero alam kong hindi lang yun ang rason, dahil everytime na pupunta si Steve sa amin at nandun si Dad, biglang mag-iiba ang timpla ni Dad. At alam namin na hindi siya boto kay Steve.

Pero ngayon, hindi na niya pinapakialaman si Ate.

Matanda si Ate ng isang taon sa amin, at gustong-gusto niyang tinatawag namin siyang Ate. Pero si Steve lang ang hindi tumatawag sa kanya nun, dahil hahampasin niya ito.

Kung maging sila man ni Ate, boto ako. Masaya kasi si Ate pag nandyan si Steve, kaya nga pinasama ko siya ngayon.

Malay niyo, maibalik nila yung dati. Tumigil na silang mag-laro at lumapit sila sa amin. Nakangiting lumapit sa akin si Shin.

"Anong iniisip ng boyfriend ko?" Tanong niya.

"Nothing. Maliligo pa ba kayo? B-baka magkasakit na kayo niyan."

"Hindi pa eh." Nakangiting sabi niya, at nagtinginan silang apat.

Hindi ko alam kung ano ang ibig-sabihin ng mga tingin nila, parang silang mga babae lang ang nagkakaintindihan.

"Drev, kayo naman ah." Nakangiting sabi niya, at—

SPLASH!

Sabay kaming mga lalaking nahulog sa pool. Nagkatinginan kaming lahat, nakita naman namin silang tumatawa na parang wala ng bukas.

"Run!" Sigaw ni Andrei ng simulan siyang habulin ni Trav, nakakatawa dahil hindi sila makatakbo dahil hanggang dibdib nila ang tubig.

Hinabol rin ni Steve si Ate, at hinabol naman ni Drake si Trisha habang tumatawa. Nakita ko sa gilid si Shin na nakasmirk.

Lumapit ako sa kanya at nagsmirk, sumigaw naman siya at pinaliguan ako gamit ang kamay niya.

Nadidistract ako sa tubig na napupunta sa mukha ko kaya para malapitan ko siya ay lumangoy nalang ako at hinawakan ko ang beywang niya. Umahon ako at pinunasan ang mukha ko, nakita ko siyang nakangiti.







CAMILLE'S POV

Sarap pagtripan ng boyfriend ko, nakahawak ako sa leeg niya. At ang loko hindi mawala sa mukha ang smirk. Ang gwapo niya ha! Wet look.

"Pinagtripan niyo pa talaga kami ah." Nakasmirk niyang sabi.

"Hindi kasi kayo naliligo eh. Nangangamoy na nga kayo oh." Pang-aasar ko sa kanya at sinimulan kong amoy-amoyin ang kili-kili niya. Hindi mabaho, ang bango ha... in fairness.

The Bad Boy is MineBasahin ang storyang ito ng LIBRE!