CAMILLE'S POV

Saturday na ngayon, at wala ako sa mood para ituloy 'tong outing namin. Lahat sila nandito except kay Drev na mula pa kahapon ay hindi ko pa nakikita.

He didn't even text or call me, yun ba yung way niya para maaga ko siyang sagutin.

Plano ko pa naman sanang sagutin siya maamayang gabi pag narating na namin ang Batangas. Nakakainis siya, lagot talaga siya sa akin.

"Sis naman, let's go. Malelate na tayo, kailangan natin makaabot dun before mag 5 sa hapon." Naiinis na sabi ni Andrei sa akin.

Inirapan ko lang siya, grabe tong babaeng 'to. Hindi niya man lang hinahanap si Trav na wala rin ngayon.

"Hey, Camille! Hurry up, cheer up girl." Pag-aaliw niya sa'kin.

"Hoy Andrei! Ikaw kaya sa posisyon ko, hindi ko siya nakita kahapon tapos wala rin siya ngayon. Hindi mo man lang hinahanap si Trav." Naiinis kong sabi sa kanya, alam na namin lahat na nanliligaw rin si Trav sa kanya.

Mula nung naging sweet sila sa bahay namin.

Ngumiti lang si Andrei sa akin, sobrang meaningful ng ngiti niya. Maya-maya ay pumasok sina Steve at Drake sa kwarto ko.

Nakangiti si Drake na may dalang piattos, habang si Steve naman ay may kausap sa phone. Ibinaba niya at kinuha yung mga gamit ko.

"Let's go. Para maaga tayong makaabot dun." Nakangiti niyang sabi sa amin at lumabas dala yung mga gamit ko.

Si Andrei yung nagprepare ng gamit ko, dahil talagang wala ako sa mood.

BATANGAS

After 196336152 years, nakarating din kami. It takes 2 hours bago kami makarating.

At 2 pm na ngayon, ang OA naman ni Andrei. Kailangan daw namin makaabot dito bago mag 5, e pwede naman pala na 2 pm kami bumyahe papunta dito.

Pumasok kami sa isang malaking gate na sa pagkakaalam ko ay ang entrance ng resort nila Steve, namangha ako sa ganda ng lugar.

Maraming tourist at mga magkasintahan akong nakita, may mga families rin. Halatang lahat ng mga nandito ay mayayaman.

Private ang resort, pero hindi lang para sa family nila Steve. Grabe ang securidad sa resort nila at yung mga nagtatrabaho sa resort nila ay makikita mong magagalang. Ipinark ang van na sinasakyan namin sa front door ng isang malaking rest house, it is very big and very beautiful.

Hindi siya yung simpleng rest house dahil para rin siyang hotel. Bumaba kami at may sumalubong sa amin upang bitbitin yung mga gamit namin. Nag bow naman yung ibang staffs kay Steve.

"Sis, this place is so nice. Hehe, and sabi pala ni Steve may mga part daw ng resort nila na very romantic at bagay na bagay para sa mga couple. Hihi, gusto kong makita yun." Nanggigigil niyang sabi, naalala ko ulit si Drev.

Gagawin niya daw'ng romanticang araw na sasagutin ko siya. I sighed.

Nandito ako ngayon sa room ko, katabi lang nito ang room ni Andrei at Drake. Iisang line lang yung rooms na kinuha ni Steve, at nasa second floor.

Sa gilid ng bed ko may napakalaking pinto, crystal siya pero natatakpan siya ng puting kurtina. Binuksan ko ang pinto at lumabas sa may terrace.

Nakaharap siya sa entrance ng hotel na tinutuluyan namin at nakaharap din sa dagat. The air is very fresh, at ang sarap sa pakiramdam na ang hangin na nagmumula sa dagat ay humahampas sa katawan ko. Napangiti ako bigla.

Naaliw ako sa panonood ng mga naliligo sa dagat, nang mapansin kong may Ferrari akong nakita na papasok sa resort.

At alam ko kung kanino yun, bumaba si Drev kasama si Trav. May nakasunod naman na puting kotse sa kanila at lumabas ang isang napakagandang babae. She is very tall, and she's very pretty dala ng kanyang wavy red hair. She's wearing a killer heels, at bigla siyang lumapit at kumapit kay Drev.

The Bad Boy is MineBasahin ang storyang ito ng LIBRE!