Chapter 61: He's The Same Person

23 0 0

Alexandra's POV

Nagising ako kinabukasan ng maaga dahil na din work. Hindi ko na natawagan si Seth kagabi dahil dire-diretso ang tulog ko. Kinuha ko ang phone ko sa ilalim ng unan ko para makita kung tumawag o nagtext si Seth.

54 Missed Calls

10 Text Messages

Lahat galing kay Seth. Psh. Hindi na siguro ako magugukat kung pagbaba ko wasak na ang pinto ko dahil nagwawala na sya sa hindi ko pagsagot ng tawag nya.

Tinawagan ko na sya para hindi sya magalala. Unang ring pa lang sinagot nya na.

"What the hell Seth Gothico?!. 54 missed calls and 10 messages?!. Lahat galing sayo. Ano bang trip mo sa buhay?!." bulyaw ko sa kanya.

"Well, goodmorning to you too, baby. Nagaalala lang ako sayo kaya ganyan kadami ang mga tawag ko. Buti nga hindi ako pumunta jan para ako mismo kumumpirma kung tulog ka ba talaga." nafefeel ko na ngumingisi na sya ngayon. Psh.

"Unbelievable!. Ang clingy mo talaga!. Magliligo na ako. Text kita kapag ready na ako at pwede ka na pumunta." sabi ko habang nabangon sa kama.

"No need baby. Ako na bahala pumunta jan. Nagbibihis na ako. Bye." he hung up. Psh. Unbelievable talaga!.

Nagmadali na ako pumunta sa banyo para maligo. Nagmadali na din ako magbihis. Hindi na din ako magaalmusal. Sa office na lang kase ngmamadali ako.

Nagapply ako ng final coating ng mascara sa mata ko biglang may bumusina sa labas. Nanjan na siguro si Seth. Nakausual clothes lang ako. Nakatight jeans, long sleeves at nakapump. Nagcurl lang ako ng buhok ko para naman magmukha akong tao.

Nagmadali akong bumaba, bakit ba lagi na lang ako nagmamadali?. -.-

Pagkabukas ko ng pinto tumambad sa akin ang naka suit na si Seth at nakabrushed up ang buhok. Tokwa, corporate na corporate ang dating ahh. -.-

"Woah, ikaw ba talaga ang magigng photograher mamaya o ikaw ang model?." nakangising tanong sa akin ni Seth.

Pakiramdam ko umiinit ang pisngi ko. Wala pa akong blush on kaya mahahalata nya na nagbablush ako.

"Hindi ka pa din ba sanay sa mga compliments ko?." nakataas na ang kilay ni Seth ngayon. Psh. Parang bading ehh. Lol.

"Yung compliments mo kase nakakatawa. Hindi ko alam kung nangaasar ka lang o nangbubwiset. Tara na, baka malate pa ako sa trabaho ko ikaw pa mapagbuntunan ko ng galit ko." sabi ko habang isinasara ang pinto.

Lumabas na kami ng gate nang makita kong iba na namanang kotse ni Seth. Kahit talaga kelan ang hilig nitong magshow off ng mga ganiting bagay.

"Iba na naman kotse mo. May ari ba kayo ng Honda?. Kung magpalit ka ng kotse parang nagpapalit ka lang ng briefs mo ahh." iiling iling kong sabi.

"I love cars, baby and you of all people must know that. But I prefer that I love you more than my car." he wiggled his eyebrows. Nakangiti pa din sya at pinagbuksan ako ng kotse. Napangiti na lang ulit ako.

Habang nasa byahe kami papunta sa company na pagtatrabahuhan ko, tahimik lang kami ni Seth. Nilulunod ang mga sarili namin ng mga iniisip namin.

Paano kaya kung makita ko sya?. Ani kayang gagawin ko?. Ipinilig ko ang ulo ko para mawala ang isip ko sa ganung bagay.

"Is everything alright?." tanong ni Seth sa akin.

"Y-yeah. Kinakabahan lang ako sa work." sabi ko na sa binatana nakatingin. Tama, kabado lang ako kaya ako ganito.

"Kapag may emergency tawagan mo agad ako. Pupuntahan kita." sabi nya sabay kuha ng kamay ko at pinisil ito.

Kilalang kilala nya na talaga ako. Ang tinutukoy na emergency ni Seth ay kapag nakita ko sila. Knight in Shining Armor ko pa din si Seth ngayon. Ready naman na ako makita sila ehh. Ready na nga ba ako?.

You Found Me (On hold)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!